Chapter 27 - Ciara's POV

Start from the beginning
                                        

Halos lahat ng kilig sa katawan ko, gusto ng lumabas! Nahalata niya kayang namumula ako? Sana hindi.

"Thank you", ang mga salitang lumabas sa bibig ko.

Niyakap niya ako, tapos may ibinulong siya sa akin.

"I love you Ciara. I promise to take care of you, hindi ako gagawa ng bagay na makakasakit sayo. Always remember that."

Oh my God! Did he just confess his love for me? I know I'm falling for him, but is this the right time to say it? 

Naramdaman ko, tumunog ang cp ko.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Tiningnan ko ang cp ko. I have a message from my one and only Ate.

|Wer r u?|

Napansin ko malapit ng lumubog ang araw.

"Si Ate, hinahanap na ako", sabi ko kay Ram.

Inihatid na niya ako pauwi. Nang ihinto ni Ram ang kotse sa tapat ng bahay namin ay nakita ko si Ate nakaupo sa terrace namin. Tumayo ito ng makita akong bumaba mula sa kotse.

Isinama ko sa loob si Ram.

"Good evening po", bati ni Ram kay Ate. "Pasensya na po kung ginabi po si Ciara. May ipinakita lang po kasi ako sa kanya", paliwanag ni Ram.

"Ah ganon ba?" sabi ni Ate at bumaling sa akin. "Ciara, sa susunod magtetext ka ha."

Ibinaba ko naman sa mesa ang box of chocolates na bigay ni Ram.

Nilapitan kami ni Mama.

"Good evening po", bati ulit ni Ram.

"Ah Ma, si Ram po. Classmate ko. Ram, Mama ko", pakilala ko.

"Nice meeting you hijo, ikaw pala yung palaging naghahatid dito kay Ciara. Finally, na meet din kita", nakangiting sabi ni Mama.

"Pasensya na po kayo kung ginabi si Ciara."

Tumango lang si Mama.

"Mauna na po ako, nice meeting you din po", nagpaalam na si Ram. Inihatid ko siya hanggang gate.

"Baka naman sumakit ang ngipin mo dyan?" sabi sa akin ni Ate habang kumakain ng dinner.

"Ang dami naman nito Ciara", tukoy ni Mama sa box ng chocolates.

"Hindi ko naman po kakainin yan", sabi ko.

Teka, parang may mali.

"Anong gagawin mo dyan? Tititigan mong matunaw?" tanong ni Ate.

No Strings Attached (Tagalog)Where stories live. Discover now