Nagmamakawa ako, Luna, h'wag mong kunin si Irine sa 'kin. Nagmamakaawa ako.

I R I N E

Nakabalik na kami ni Red mula sa Stager Ring. Katulad nang paraan ng pagpasok namin, ganoon rin ang paraan na ginamit para kami makalabas.

Dinala kaagad ako ni Red dito sa kwarto namin nila Nisha at Cyndel. Sinabihan niya akong h'wag daw muna akong lumabas habang hindi pa siya nakakabalik mula sa lugar kung saan siya pumunta. Hindi naman niya sinabi kung saan kaya ngayon, naiwan akong nakatulala sa kwarto.

Sila ba? Sila ba talaga ang mga magulang ko? Pero bakit hindi ako masaya?

Kinuha ko ang aking unan at niyakap 'to. Kung nandito lang si Nisha, sabay siguro kaming mag-iimbestiga sa kanila. Pero kung si Loic at Amanda man ang totoo kong mga magulang, kailangan ko silang hanapin at tanungin kung bakit nila ako iniwan.

Ang tanging magagawa ko lang ay ang magtanong dahil hindi pa sapat ang mga bagay na alam ko tungkol sa Amaryllis. Sino ba ang pwede kong mapagtanungan? Si Sov? Tristan?

Pumasok sa isip ko si Sister Leyva. May alam kaya siya?

Tumayo ako at inihagis ang unan sa 'king kama. Sister Leyva. Mabilis akong tumakbo paalis ng kwarto kaya napalakas din ang pagbukas at pagsara ko ng pinto.

"Irine!" Bigla akong napahinto sa harap ng tumawag sa 'kin.

Kumunot ang noo ko. "Tristan?"

Ngumiti si Tristan at nagpatuloy na tumakbo hanggang sa mayakap niya ako ng mahigpit. Napaubo ako ng bahagya.

"Mabuti naman at hindi ka nasaktan," sabi niya. Lumayo siya sa 'kin at hinablot ang magkabila kong balikat bago ako titigan habang nakangiti.

Ngumiti na rin lang ako. "Salamat."

Mas niluwangan niya ang kanyang ngiti. "Pumunta talaga ako sa Guild niyo para lang makita ka. Kumusta, Irine?"

Nagkibit-balikat na lang ako. "Heto. Buhay pa."

Pabiro kong sabi kaya bahagya siyang natawa. Naglakad ako kaya nabitawan ako ni Tristan. Sinabayan niya na lamang ako sa paglalakad.

"Nakikidalamhati pala ako sa pagkamatay ng kaibigan mo, Irine," usal niya. Naging seryoso na siya sa pakakataong 'to.

Tumango ako. "Salamat ulit, Tristan. Ikaw? Kumusta?"

Ngumiti siya at inakbayan ako nang pababa na kami ng hagdan.

"Mabuti. Kahit kinakabahan sa Assembly mamaya."

Kumunot ang noo ko. "Assembly?"

Tumingin siya sa 'kin. "Hindi mo pa ba alam? May Assembly tayo sa Omphalus Colosseum para sa importanteng mensahe ng hari."

Natigilan ako kaya tumigil rin siya sa paglalakad. "Tungkol naman saan?"

"Sa pag-atake ng mga Black Witches. Gagawaran niya rin ng parangal ang mga namatay bilang pasasalamat sa kanilang kagitingan. At ang balita ko pa ay may sasabihin siyang mahalagang bagay."

Ngumiti siya at inakbayan akong muli. Kumunot ang noo ko sa kilos niya.

"Alam mo bang sinabi sa 'kin ng aming Mestro ang sasabihin ng hari?" Tinaas-baba niya ang kanyang kilay.

"At ano naman 'yon?"

Ngumisi si Tristan bago inilapit ang bibig niya sa 'king tenga. "Ang sabi niya ay ipapahayag na ng hari na may isang traydor dito sa Amaryllis. Siya ang dahilan kaya natagpuan tayo ng mga witches."

"Traydor?" Lumayo ako kay Tristan. "May traydor na nakapasok?"

Tumango si Tristan. "Hindi lang ako sigurado kung alam na nila kung sino."

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterWhere stories live. Discover now