Kabanata 21

1K 30 10
                                    

"OH, Sir, nandito pala kayo? Ang aga n'yo atang magising?" bungad ko kay Kevyn nang dumating siya sa kusina na halatang kagigising lang.

Seryoso niya lang akong tiningnan at umiwas ng tingin. "Maagang nagmulat ang mata ko, eh, kaya napaaga ako ng gising."

Alangan akong ngumiti sa kaniya at umiwas ng tingin. "Sir, s-sorry po wala pang breakfast. Wala pa po kasing stock na pagkain sa ref., eh! Namamalengke pa lang po sila Ate Mil," pagtatapat ko na kinakabahan dahil baka magalit siya.

"Okay lang 'di naman ako nagugutom." Tatalikod na sana siya para tumungo sa refrigerator pero pumihit ulit siya paharap sa akin. "Hindi ba't sabi ko, 'wag mo na akong i-po!"

Napaangat ako ng tingin kay Kevyn ulo. Biglang pumostora ang alangang ngiti sa labi ko nang maalala ko ang sinabi niya no'ng nasa farm kami.

"Sorry po—" natutup ko ang bibig ko dahil sa muling pagbigkas ko ng 'po'.

"Nakakadalawa ka na Mara," sabi niya at pumostorang nag-iisip. "Dahil sinuway mo ako..." mas lalo akong kinabahan sa pwede niyang sabihin, "ipagtimpla mo ako ng kape. Gusto ko 'yong with love na coffee." Tumalikod siya at tumungo sa bangkong nakapalibot sa lamesa.

Nangunot ang noo ko habang nakatingin sa kaniya. "Kala ko pa naman malilimutan mo 'yong punishment na sinabi mo?" mahinang disappointed na sabi ko. Tinungo ko ang lagayan ng mga kape at nagsimula nang gumawa kape.

Naiilang ako dahil alam kong nakatingin sa akin si Kevyn.

"Sa susunod na mag-po ka ulit sa akin, sigurado akong hindi mo na makakalimutan ang punishment na ibibigay ko sa'yo," sambit niya

"H-hindi na mauulit." aniya.

"Oo. Tsaka 'wag mo na nga rin akong tawaging Sir. Tutal magkaibigan naman na tayo, tawagin mo na lang akong Kevyn, okay?" utos niya kaya lumingon ako sa kaniya.

"Ayaw!" pailing-iling na pakli ko. Hindi naman ata pwede iyon dahil kahit baligtarin ang mundo, amo ko pa rin siya at katulong niya ako.

"Sige, bahala ka, babawiin ko na lang ang sinabi ko. Hindi na tayo friend,!" sabi niya.

"Para kang bata, Sir," saad ko habang nakangiti. "Ito na ang kape mo Sir," dugtong ko pa at inilapag sa harap niya ang tasa ng kape na tinimpla ko.

Kinuha niya ang kape at bahagya iyong ininom. Napangiwi siya at tarantang inilagay ang tasa sa lamesa. Inilabas niya ang dila niya, saka ginamit ang kamay para gawing pamaypay sa bibig niya. Mainit kasi 'yong kape kaya napaso ata siya.

Hindi ko tuloy maiwasang mapatawa. "Bakit kasi hindi mo inihipan, Sir?"

"Ganito ba 'yong coffee'ng tinimpla with love?" bulyaw niya at muling napangiwi dahil sa init ng dila niya.

Bumuga siya ng hangin at pinaypay ang kamay sa aking niya.

"Eh, kasi naman, Sir, hindi mo inihipan. Kape kaya 'yan kaya mainit," natatawa ko pa ring banggit habang nakatingin sa kaniya. "Hindi kasi lahat ng bagay minamadali, minsan kailangan din nating maghintay hanggang sa pwede na. Palamigin muna, bago higupin. Okay ba, Sir?" sermon ko habang nakapamaywang sa harap niya.

"Oo na po, Ms. Mara! Sa susunod iintayin ko munang lumamig bago ko inumin."

"Masakit ba talaga?" sabay tanong ko sa tonong may pag-aalala.

"Hindi naman masyado." Pero parang nasaktan naman talaga ito. Baka ayaw lang aminin. "Okay na, hindi na masakit," dugtong niya, saka tumingin sa akin. Nakatingin ako sa bibig niya at bakas ang pag-aalala roon.

"Huwag mo ng inumin 'tong kape, Sir."

Akmang kukunin ko na ang tasa ng kape nang pigilan niya ako. Hinawakan niya ang mga braso ko at tila nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam dahil doon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 28 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm His Personal MaidWhere stories live. Discover now