Kabanata 14

1.1K 39 7
                                    

NAKUSOT KO ang aking mga mata ng tumama roon ang sikat ng araw. Uminat ako at nagmulat ng tuluyan nang mapagtantong umaga na. Nanliliit pa ang mga mata ko pero kapagkuwa'y ngumiti ako ng masilayan ang sarili kong silid. Mas masarap pa rin ang naging tulog ko kahit wala ako sa malambot at malaking kama. Napagtanto kong wala nang mas hihigit pa sa himbing ng tulog ko kapag narito ako, kapag malapit ako sa pamilya ko.

Nanatili ang ngiti sa labi ko habang pinagmamasdan ang walang pagbabagong silid namin ni Melanie. Naroon pa rin ang ilang mga larawan, maliit na table, at dalawang cabinet. Hindi magara pero mas komportable ako sa silid na ito.

"Nandito na ang sundo mo."

Nawala ang ngiti ko nang marinig ang sinabi ni Mama. Napakunot noo ako. Sundo ko? Ibig bang sabihin pinasundo ako ni Donya Melissa? Mabilis akong bumaba ng katre at lumabas ng silid.

Nakalimutan kong ngayong araw nga pala ang balik ko sa mansyon dahil sa masyadong pananabik ko sa bahay at sa pamilya ko.

"Pakisabi po, 'Ma na maliligo lang ako saglit," sigaw kong balik.

Kumuha ako ng tuwalya at ng damit. Mabilis kong tinungo ang banyo para maligo. Kailangan ko nang magmadali dahil sa sikat pa lang ng araw alam ko nang tanghali na. Nakakahiya kay Donya Melissa at sa sundo ko na tila kanina pang naghihintay sa akin.

"Mara, matagal pa ba 'yan? Kanina pang nag-hihintay ang sundo mo," narinig kong sambit muli ni Mama na nasa labas lang ng banyo.

"Malapit na po, 'Ma," tugon ko. Kasalukuyan na akong nagbibihis. Kung pwede nga lang na hindi na ako maligo, 'di ko na ginawa dahil nakakahiya sa kung sino man ang sumundo sa akin.

Nang matapos na akong magbihis, agad akong lumabas ng banyo. Nadatnan ko sa labas si Mama.

"Maigi naman at lumabas ka na diyan. Akala ko'y balak mo na riyang tumira," bungad ni Mama. "Bilisan mo na kanina pa 'yong sundo mo. Mukhang naiinip na."

"Anong oras na po ba, 'Ma?" nakasimangot kong tanong habang pinupunasan ang basa kong buhok.

"Nine-twenty."

Lalong nagusot ang mukha ko at nagulat. Nine twenty na pala at hindi ko iyon namalayan. Minadali ko na ang pagpapatuyo ng buhok ko.

"Tulog mantika ka kasi, anak, eh. Pinagising na kita sa mga kapatid mo, umungol ka lang. Hala, sige lumabas ka na." Pailing-iling pa si Mama.

Napangiwi ako. Kaya pala kanina ko pang nararamdaman ang pagyugyog sa akin. Nagsimula na akong lumabas doon para tumungo sa sala. Masyado na akong nahihiya sa sundo ko na naghihintay sa akin.

Nang tuluyan kong marating ang sala, ganoon na lang ang pagkagulat ko ng makita roon si Kevyn na nakaupo sa kawayang sofa. Magkasalikop ang mga kamay habang nakapatong iyon sa mga hita niya.

"S-sir, Kevyn? A-anong ginagawa mo rito?" gulat kong tanong.

Bumaling siya sa akin. Blangko ang mukha. "What do you think? Obviously I'm here to pick you up," aniya sa tonong namimilosopo.

Pasimple akong sumimangot. Nagtanong lang naman ako dahil hindi ko inaasahan na siya ang susundo sa akin, bakit kailangan niya pang magsungit? Tsk!

"Bakit ikaw?" nagtataka kong tanong dahil alam ko namang hindi niya gusto ang sumundo at maghatid sa akin.

"As if I have a choice."

Napairap na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko na alam ang isasagot. Gulat pa rin ako na makita siya rito dahil ni sa hinagap ko, hindi ko iyon naisip.

"Hindi pa ba kayo aalis?" tanong ni Mama at palipat-lipat na tumingin sa amin.

Bumaling si Kevyn sa akin. "Are you ready?" tanong niya.

I'm His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon