Kabanata 16

1K 32 0
                                    

PUMIKIT ako ng bahagya at kinusot ang aking mga mata. Medyo nakaramdam kasi ako ng uhaw at kailangan kong mapunan iyon. Madilim ang palaigid at sa tantiya ko'y halos alas-dose na ng hatinggabi.

Bumaba ako ng kama. Sinuot ko ang tsinelas at tinungo ang pinto. Pinihit ko 'yon para buksan, saka lumabas ng silid ko kahit bahagyang madilim sa labas. Napahikab pa ako bago pumihit at naglakad patungo sa hagdan. Nang makarating ako sa kusina, madilim doon at tanging sinag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw, hindi sapat para maliwanagan ang buong bahagi ng kusina.

Naglakad ako patungo sa switch ng ilaw, madilim ang bahagi iyon. Hindi pa man ako nakakarating, napahinto ako ng may mga yabag akong narinig. Utay-utay akong nakadama ng takot sa kung sino iyon. Nakiramdam ako. Mayamaya pa'y nawala ang mga yabag. Halos hindi ako makagalaw, natatakot ako. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at dahan-dahang humakbang palapit sa switch. Pero nang malapit na ako roon, narinig ko ang yapag palapit sa akin, lumakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba. Paano kung magnanakaw iyon o kaya multo? Nangilabot ang buo kong katawan.

"Why you're here?" Kasabay ng boses na iyon ang pagbukas ng ilaw at dahil sa kaba at takot hindi ko nakilala ang may-ari niyon. Lumiwanag ang buong paligid.

Napapikit ako ng mariin. Sino 'yon? Akmang ibubuka ko na ang aking bibig para isigaw nang maramdaman kong may kamay na tumakip doon. Nagpilit akong sumigaw pero walang lumabas na boses. Nagpupumiglas ako. "Si–sino k-ka?" hirap kong tanong.

"Gusto mo bang magising ang lahat ng tao dito sa bahay? Don't be so over acting, Mara. It's just me," mahinang sabi ng lalaki habang nakatakip pa rin ang kamay sa palad ko.

Doon ko lang napansin at nakilala ang boses na iyon. Kumalma ako at dahan-dahang nagmulat. Binitawan niya ang bibig ko. Mabilis akong humarap sa kay Kevyn. Seryoso lang ito. Nawala ang takot at kabang nadama ko.

Bahagya akong yumuko. Masyado pala akong naging OA. "Kayo lang po pala, Sir Kevyn akala ko po kasi multo o kaya magnanakaw," nahihiya kong pagtatapat.

Naglakad siya patungo sa refrigerator at binuksan iyon. "Masyado ng gabi, bakit gising ka pa?" tanong niya imbis sagutin ang tanong ko.

"Nagising ako at nakaramdam ng uhaw kaya bumaba ako," paliwanag ko sa kaniya. Naglakad ako palapit sa kaniya. "Kayo, Sir, bakit gising pa kayo?" balik kong tanong.

"I can't sleep," pakli niya na hindi lumilingon sa akin. Kinuha niya ang pitsel doon at nagsalin sa baso, ininom niya iyon.

Bigla kong naaalala 'yong pag-uusap naming dalawa nang nagdaang araw. Isang malaking himala ang nangyari iyon pero sa kabila ng malungkot na buhay niya, naging masaya ako dahil kahit pa paano pinagktiwalaan niya ako para sabihin iyon.

"May iniisip ka ba?" tanong ko.

Humarap siya sa akin, seryoso. "Water?" pag-iwas niya sa tanong ko. Iniabot niya sa akin ang basong ginamit niya.

Tinuro ko iyon na naiilang dahil ginamit na niya iyon. "Kukuha na lang ako, Sir ng baso ko," sabi ko. Hindi naman pwedeng gamitin ko ang basong ginamit na niya.

"Okay," sabi niya. Binaba niya sa lamesa ang pitsel at basong ginamit niya.

Kumuha naman ako ng sarili kong baso at nagsalin ng tubig doon na para sa 'kin, saka uminom. Narinig ko na lang ang yabag ni Kevyn na palayo. Pumihit ako at humarap sa pinto kung saan siya dumaan. Hindi ko alam kong bakit hanggang ngayon may nakikita pa rin akong lungkot sa mga mata niya. Napakalalim ng pagkatao ni Kevyn at hindi ko malaman kung bakit gusto kong halukayin iyon.

Pagkatapos kong uminom ng tubig, nagpasiya na rin akong umakyat sa taas. Pakiramdam ko nawala ang antok na kanina ay nararamdaman ko pa. Marahil dahil sa takot na naramdaman ko kanina. Nang nasa tapat na ako ng aking silid, napadako ang mga mata ko sa gawing terrace at naaninag ko ang isang bulto. Napakunot-noo ako. Alam kong si Kevyn iyon.

I'm His Personal MaidWhere stories live. Discover now