Kabanata 2

1.7K 66 0
                                    

MAINGAY, mainit, at hindi kaaya-ayang amoy ang bumabalot sa kapaligiran na kinaroroonan ko na sa paglipas ng bawat araw ay nakasanayan ko na rin. Ganito naman talaga maide-describe ang palengke na nagsisilbing mall para sa amin na nasa maliit na bayan at hindi sibilisado.

"Magkano 'to, Ale?" tanong ng matandang babae habang nakatingin sa pangbatang mga damit.

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtawag niya ng Ale sa akin. "Ah, alin po?" magalang ko pa ring tanong sa kaniya kahit gusto kong sabihin sa kaniya na bata pa ako para tawaging Ale.

Lumingon siya sa akin at nakita ko ang bahagyang pagkagulat sa mukha niya. Marahil ngayon lang niya nakitang hindi naman pala karapat-dapat na tawaging Ale ang tinderang gaya ko.

"Pasensiya ka na Ineng, hindi kita nakita akala ko kasi ikaw pa rin 'yong dating tindera dito," paliwanag ng babae.

Nginitian ko siya para ipahiwatig na okay lang sa akin. Naiintindihan ko naman dahil hindi naman talaga ako regular sa tindahan na ito ni Ate Mich. Weekend lang ako kaya madalang akong makasalamuha ng ibang mga customers.

Bale sideline ko lang ang pagtitindera upang kahit pa paano ay makatulong sa pinansiyal na pangangailangan ng pamilya namin. Maraming nag-aalok sa akin na subukan ko raw magtrabaho sa Maynila dahil siguradong malaki ang magiging sahod ko roon pero hindi ako pumayag. Isa pa, hindi rin pabor doon sila Mama at Papa. Kat'wiran nila, kaya pa naman nila kaming pakainin.

"Magkano 'to Ine–"

"Mara na lang po, 'Nay," putol ko sa sasabihin niya. Ayaw kong tawagin akong Ineng dahil dalaga na ako para roon. Twenty-Three years old na ako at hindi na akma ang tawag na iyon para sa akin.

Tiningnan ko ang mga damit na gusto niya para ikompirma ang presyo niyon. "Fifty pesos po 'yan, 'Nay."

Kumuha siya ng dalawang damit na pang-baby at dalawang short. Kinuha ko iyon at isinilid sa plastik. Iniabot niya ang bayad na five hundred pesos at sinuklian ko iyon.

"Salamat po, 'Nay," magiliw kong saad at ngumiti siya bago ako tinalikuran.

"Ale ka na pala ngayon?" Sinundan iyon ng pagtawa.

Napalingon ako at nakita ko si Maica na tumatawa. Narinig pala niya ang sinabi ng matandang babaeng sa akin.

Inirapan ko siya at tiningnan ng masama. "Akala mo ako lang, hindi ba't tinawag ka na rin minsan na manang ng isang customer?" balik ko sa kaniya na natatawa dahil totoo iyon.

Napaseryoso siya. "Naalala mo pa 'yon? Nakakainis ka!" aniya at nilapitan ako.

Matagal ko ng kaibigan si Maica. Medyo mataba siya pero may maputi at makinis na balat na hindi mo mapagkakamalang laking probinsiya siya.

Natawa ako. "Hindi ko kaya makakalimutan 'yon. Ang saya kaya no'n."

"Anong masaya ka riyan?" Inisnaban niya ako at humalukipkip pa siya.

LAYLAY ang balikat ko nang umupo sa bakanteng upuan na naroon sa gilid ng tindahan. Pinunasan ko ang pawis na nasa noo ko gamit ang kamay ko. Nakakapagod ding magsalita ng magsalita at magbigay ng magbigay ng iba't ibang items sa mga mamimili lalo na't maraming customers.

Tanghali na, kaya naman medyo humupa na ang mga costumers na bumibili at ang iba ay tamang tanong lang naman.

"Maica, ikaw muna dito. Bibili lang ako ng burger diyan sa kabilang kalsada. Damay na rin kita," saad ko at ngumiti sa kanya. Lumawak naman ang pagkakangiti niya nang marinig na idadamay ko siya sa pagbili. "Hindi ko sinabing libre Maica, idadamay lang kita sa pagbili," natatawa kong sabi at inilahad ang aking kamay.

I'm His Personal MaidWhere stories live. Discover now