Kabanata 15

1.1K 37 4
                                    

"SIR KEVYN," sigaw ko kasabay ng pagkatatok sa pintuan ng silid niya. Gusto ko ng gumamit ng mega mic para sakaling magising na siya sa mahimbing na pagkakatulog. Ilang beses na ba akong kumatok? Napairap na lang ako sa kawalan at napabuga ng hangin.

"Sir Kevyn, nandito na po 'yong breakfast niyo," muli kong sabi, umaasang sa pagkakataong iyong ay magbubukas na ang pinto ngunit hindi pa rin iyon nangyari. Napapikit ako ng mariin. "Kahit kailan talaga ang lalaking 'yon, wala–"

"May sinasabi ka ba, Mara?"

Ganoon na lang ang pagkagulat ko nang bumukas ang pinto at nagsalita si Kevyn pero hindi dahil doon kung 'di dahil sa nakikita ko ngayon sa aking harap. Naka-topless lang siya, messy hair at may butil ng mga tubig sa kaniyang katawan indikasyon na kaliligo lang nito. Kulang na lang ay maibagsak ko ang hawak kong tray dahil sa nakikita ko. Nakakatuyo ng lalamunan.

"Gotcha! You staring at me again, Mara," aniya. Nakahalukipkip siya habang nakatingin lang sa akin. "Akala ko ba'y walang dati sa 'yo ang katawan ko?" nanunukso pa niyang tanong.

Sino ba naman ang hindi maaapektuhan kung may nakalantad na isang magandang katawan sa harap mo? Hindi ko maiwasan pero tila ang sarap niyang titigan sa ganoong ayos. Nakadagdag ang magulong buhok at mamasa-masang katawan niya sa kagwapuhang taglay nito.

Nang makawala ako sa mapang-akit na damdaming iyon, mabilis akong kumarap at inilayo ang paningin sa katawan niya na parang gusto pa niyang ilantad at pagnasaan ko. "A-ah, S-sir, i-ito na po 'yong breakfast mo," halos mautal kong sabi.

Nanatili ang mga mata niya sa akin. "Nauutal ka ata, Mara," patuloy niya.

Hindi na ako umimik, mabilis akong gumalaw at pumasok sa loob ng silid. Inilapag ko ang tray sa center table roon. Nakayuko lang ako at pilit iniiwas ang mga mata sa kaniya.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na umupo na si Kevyn sa sofa. Naka-topless pa rin siya na parang ayaw nang magbihis. "Bakit parang pinagpapawisan ka ata? Nagba-blush ka, Mara."

Napatigil ako sa pag-aayos ng mga pagkain. Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may pawis nga roon pero mukha namang wala kahit pakiramdam ko sobrang init kahit na may aircon sa silid. Pakiramdam ko rin na namumula nga ang pisngi ko. Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa aking ginagawa.

"Why you look so serious and nervous, Mara?"

Sa pagkakataong iyon, umayos ako ng tayo at bumaling sa kaniya. Gusto ko siyang simangutan pero hindi ko magawa. "Pewede na po kayong magbihis, Sir Kevyn," sabi ko dahil habang tumatagal, lalo akong nahihirapan.

Tumayo ito, nangingiti. "Okay, sabi mo, eh," aniya.

Mabilis na sumalakay ang kaba sa dibdib ko nang hawakan ni Kevyn ang tuwalyang nakabalot sa kalahati ng katawan niya. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita kong inalis niya iyon. "N-nababaliw–Haa!" Napasigaw na lang ako kasabay ng pagtakip sa mga mata ko dahil sa tuluyang paghila niya sa tuwalya.

Nanatili ang mga palad sa aking mga mata dahil kung sakaling tatanggalin ko 'yon, alam ko na ang makikita ko. Mayamaya pa'y isang halakhak ang narinig ko mula kay Kevyn. Tawang-tawa ito.

"You may now open your eyes, Mara and for sure you'll love what you're going to see," aniya pa na natatawa pa rin.

Mabilis akong tumalikod. Sunod-sunod na pagbuga ng hangin ang ginawa ko para ilabas ang init na nadarama ko. Pakiramdam ko wala ng aircon. "B-bakit ka ba naghuhubad?" tanong ko. Kahit naiinis ako sa kaniya, parang hindi ganoon ang dating niyon.

"To show you my naked body."

Naramdaman ko ang pagtindigan ng mga balahibo sa buo kong katawan dahil sa parteng tainga ko iyon ibinulong ni Kevyn, kasunod ang pagtawa nito, sayang-saya sa ginagawa.

I'm His Personal MaidWhere stories live. Discover now