Kabanata 6

1.4K 51 2
                                    

NGAYON pa lang parang alam ko na ang kahahantungan ng buhay ko sa mansyong ito. Siguradong hindi magiging madali ang lahat para sa akin lalo na't alam kong hindi ko naman makakasundo ang pagsisilbihan ko.

Sa maikling panahon na nakasama ko si Kevyn hindi na iyon naging madali. Hindi iyon naging maganda at sigurado akong magpapatuloy iyon. Ayaw niya sa akin at nagbanta siyang hindi niya hahayaang maging madali ang lahat sa akin att ngayon pa lang nararamdaman ko na iyon.

Kumatok ako sa pinto ng silid ni Kevyn nang marating ko iyon. Dala ko ang tray na pinaglalagyan ng breakfast niya. Alas-diyes na nang umaga pero nakahilata pa rin ang lalaki. Hindi niya alam na lahat ng nasa mansyon gising na at nagawa na ang mga dapat gawin habang siya nakahilata pa rin.

Kumatok muli ako dahil sa unang katok ko ay hindi bumukas ang pinto. Sa pangalawang pagkakataon ay hindi pa rin iyon bumukas. Sunod-sunod na katok na ang ginawa ko pero wala pa ring nagbubukas niyon.

Napapikit ako nang mariin para pigilin ang inis na nadarama ko. Hindi ko alam kung tulog ba talaga siya o sinasadya niyang hindi iyon buksan para asarin ako. Kung pwede ko lang sirain ang pinto, sinira ko na talaga ito para lang magising na ang Kevyn na 'yon. Dinaig pa ang mantika kung matulog.

"Sir Kevyn, nandito na po ang breakfast n'yo," malumanay kong sabi kahit gusto ko nang sumigaw para magising na siya.

Sunod-sunod na katok muli ang ginawa ko. Nangangalay na ako, dahil kanina pa akong nakatayo dito at hawak ang tray na may lamang pagkain.

"Sir Kevyn."

Kakatok na sana uli ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Napaawang ang bibig ko ng tumambad sa akin ang isang bagong gising na artista, este unggoy. Gulo-gulo ang buhok, naka-boxer lang siya, at walang damit pang itaas. Nagwawala ang abs niya na ngayon ay nakalantad sa akin. Tila ba nanghahamon iyon na titigan ko lang hangga't gusto ko.

Natural na sa akin ang nakakakita ng abs dahil halos lahat ng lalaki dito sa probinsiya ay mahilig maghubad. Hindi ko nga alam kung bakit walang dating sa akin ang mga iyon, pero ang abs niya iba ang dating sa akin. Nakakamangha. Nakakatuyo ng lalamunan. Nakakatulala. Ganito ba ang dating ng abs na tubong Maynila?

Mara, huwag marupok, saway ng isip ko.

"Is it your first time to see abs?"

Mabilis akong nagbalik sa huwisyo ng marinig ko ang boses niya. Mabilis kong iniangat ang aking tingin para ilayo sa nang-aakit niyang mga abs.

Hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso dahil sa hiyang nadarama ko.

"H-hindi! Maraming pagkakataon na akong nakakita ng abs at wala iyong dating sa akin," depensa ko.

"Walang dating, huh?" Nanunuya ang boses nito. Bahagya pang ngumisi ang mokong.

Walang pasabing nilampasan ko siya. Pumasok ako sa loob ng silid niya at tinungo ang table para ilagay roon ang breakfast niya.

Narinig ko ang paglapit niya. Umupo siya sa sofa. At ang luko, wala pa atang balak magsuot ng damit. Hindi ba niya alam na nanunuyo ang lalamunan ko. Baka ma-dehydrate ako nito. Pinilit ko ang aking sarili na hindi siya tingnan. Natatakot ako na baka mapako na naman ang tingin ko sa kaniyang katawan.

"Don't be shy, it's free."

Kunot-noong binalingan ko si Kevyn. May pilyong ngiti ang sumilay sa mga labi nito.

"Ano'ng pinagsasasabi mo?"

"Innocent, huh?" Hindi pa rin naaalis ang pilyo niyang mga ngiti.

"Handa na po ang breakfast ninyo. Tawagin niyo na lang po ako kapag may kailangan kayo." Pinilit kong pasiglahin at ngitian siya pero lumabas lang iyon na plastik.

I'm His Personal MaidWhere stories live. Discover now