Kabanata 10

1.3K 50 0
                                    

"ARAY!" sigaw ko ng biglang may malakas na pwersang tumama sa kanang bahagi ng mukha ko. Para akong sinuntok ng sobrang lakas dahil sa lakas ng impact niyon. Bahagya pa akong napaatras. Parang naalog ang ulo ko dahil sa malakas na pagtama ng bagay na iyon sa akin.

Napangiwi ako ng maramdaman ang sakit ng mukha ko dahil sa tumama roon. Gusto kong maiyak dahil sa sakit. Sinapo ko iyon.

"Are you okay, Mara?" narinig kong tanong ni Kevyn na ikinainis ko dahil halata namang hindi talaga siya concern.

Marahas kong inalis ang kamay ko sa aking mukha at inis na humarap sa kaniya. "Sa tingin mo pagkatapos kong matamaan ng bolang ligaw na 'yon, okay lang ako?" inis kong tugon. Ngumiti ang mokong na lalong nakapagpadagdag sa inis ko. "Nagagawa mo pa talagang ngumiti, natamaan na nga ako ng bola, oh!"

"Ano kasing iniisip mo at hindi mo nakita 'yong bola?" natatawa pa rin niyang tanong.

Ikaw. Kung pwede ko lang sanang isatinig iyon, sinabi ko na sa kaniya at sinisi siya sa nangyari.

"Kasalanan mo 'to, eh," mahina kong sisi sa kaniya.

"Bakit naging kasalanan ko?"

"Basta, kasalana mo 'to." Kung hindi ka sanang lumitaw sa isip ko, eh 'di sana naiwasan ko 'yong bola. Gusto ko iyong isatinig.

Sumeryoso si Kevyn. "Masakit ba?" tanong muli niya.

Matalim ko siyang tiningnan. "Ikaw kaya ang matamaan ng bola?" inis ko pa ring sabi.

"I'm serious, Mara. Masakit ba? Namumula na ang pisngi mo." Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko na nag-aalala siya o mali lang ako ng narinig. Bakit nga naman siya mag-aalala?

"Namumula?" Hinawakan ko ang pisngi ko. Napangiwi ako dahil kumirot iyon. "Aw! Hala! Baka magkapasa ako nito," biglang nag-aalala kong pakli sa sarili ko.

Lumingon sa paligid si Kevyn na animo'y may hinahanap na kung ano. Nang tila mahanap na niya iyon, naramdaman ko ang kamay niyang humawak sa braso ko. Bahagya kong nakalimutan ang sakit ng mukha ko at napatingin sa braso't kamay naming magkadikit. Hindi ko man aminin pero may kakaibang dulot iyon na bahagyang nagpapabuhay sa tibok ng puso ko.

Huminto si Kevyn sa isang tindahan. Hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko. Lumapit siya sa bintana at nagtawag ng tao.

"Do you have any cold compress?" tanong niya.

"M-meron po, Sir, pakihintay lang po," natatarantang wika ng babae na sa tantiya ko ay dahil iyon kay Kevyn. Isang gwapo ba naman ang bumungad sa babae.

Nang bumalik ang tinderang babae, dala niya ang hiniram na cold compress ni Kevyn. Kinuha niya iyon, saka iginiya ako sa bangkong naroon. Kanina pa akong hindi umiimik at pinagmamasdan lang si Kevyn sa ginagawa niya. Hindi ko rin magawang bawiin ang braso ko sa kaniya.

"Umupo ka riyan. Namumula na ng masyado ang pisngi mo," aniya habang sinusuri ang mukha ko.

Napatigil si Kevyn nang mapansin ang magkadikit naming braso't kamay. Tiningan pa niya iyon saka tila nakuryenteng binitawan iyon.

"T-tell me if it's hurt, okay?"

Sinumulan niyang lagyan ng cold compress ang mukha ko. Napangiwi ako nang lumapat iyon sa masakit at namumula kong pisngi. Nanunuot ang lamig niyon pero sa huli'y nagdadala ng ginhawa na tila nagpapamanhid sa pisngi ko.

"A-ako na, kaya ko na ang sarili ko, Sir Kevyn," sa wakas ay sabi ko. Naiilang na kasi ako sa ginagawa niya at sa kakaibang trato niya sa akin. Hindi ako sanay. "Akin na 'yang cold compress, ako na ang maglalagay."

Inilahad ko ang aking kamay. Hinintay kong ilagay niya roon ang cold compress pero 'di nangyari. Tiningnan lang niya ang palad ko.

"No, I can handle this. Mas mabuting ako nang gumawa nito."

"Kaya ko rin namang gawin 'yan," balik ko sa kaniya.

"But it's better if I do this. Mas kita ko ang mukha mo at alam ko kung saan ilalapat ang cold compress."

"Pero mukha ko–"

"Natamaan na nga't lahat-lahat ang kulit pa rin," mahinang maktol niya. "Kailan ka kaya tatahimik, Mara?"

"Kapag hindi mo na ako inasar," agad kong sagot.

"Isa pa, kung magsalita ka para 'di mo ako amo, ah."

Natahimik ako dahil totoo naman iyon. Masyado na ba akong lumampas sa limitasyon ko?

Naramdaman kong hinawakan niya ang baba ko at bahagya iyong inangat.

"Sorry, Sir," paghingi ko ng paumanhin.

"Don't say sorry. Hindi ko sinabing ituring mo akong amo. Just treat me the way you want," sabay seryosong aniya habang nilalapatan pa rin ng cold compress ang mukha ko.

Bahagya akong natigilan sa sinabi niya. Iyon ba ang gusto niya? Lihim akong napangiti sa narinig ko mula sa kaniya. Hindi ko inakala na marunong din pa lang magseryoso ang katulad ni Kevyn.

"O-okay na," pigil ko sa kaniya. Hinawakan ko pa ang braso niya at bahagya iyong ibinaba.

"Are you feeling well now?" 

Tumango ako bilang tugon. "S-salamat po, Sir Kevyn." Naiilang ako sa kakaibang ugali ni Kevyn. Hindi ako sanay na ganito siya.

Tumayo si Kevyn at bumalik sa bintana ng tindahan para isauli ang hiniram niyang cold compress. Pinagmasdan ko lang siya.

"Masakit pa?" tanong ni Kevyn ng makabalik sa inuupuan ko.

"M-medyo," tanging sagot ko.

"Good."

"Ano nang gagawin natin, Sir Kevyn?" tanong ko. Mukhang nasira ko ang masayang experience ni Kevyn. Kanina lang kasi ay nakikita ko pa ang saya sa mukha niya.

"Uuwi. Gusto mo pa bang ipangalandakan 'yang namumula mong pisngi?"

Hindi ako umimik. Syempre ayaw ko noon pero masyado pang maaga para umuwi kami. Ni hindi pa namin kapwa na-e-enjoy ang pananatili roon.

Tumayo muli si Kevyn at tumungo sa bintana ng tindahan. May binili siya at pagbalik sa upuan ay may dala na siyang soft drinks. Ibingay niya sa akin ang isa.

"Hindi mo pa na-e-enjoy ang lugar, Sir Kevyn. Pwede pa tayong maglakad-lakad," suhestiyon ko.

"But how about you? Your face?"

"Okay na ako, Sir Kevyn. Mayamaya mawawala na rin ito," tugon ko.

"Are you sure?" paninigurado niya.

"Uhm." Tumango pa ako.

Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Tumayo ako at hinawakan ang braso niya, saka marahang hinila pabalik sa dagat. Dinala ko siya sa bahaging kakaunti lamang ang mga tao kung saan may ilang mga rock formation doon. Nakakaaliw ang mga tanawin.

"Perfect rock formations," nasabi na lang ni Kevyn habang titig na titig sa mga iyon.

"Isa 'yan sa mga palagi kong tinitingnan sa tuwing pumupunta kami rito." Binalingan ko siya habang nakangiti.

"Malimit ba kayong pumunta rito?"

Nagsimula na naman kaming maglakad sa gilid ng dagat habang pinagmamasdan pa rin ang mga bato.

"Tuwing summer lang," sagot ko.

"Every summer I've been always hangout with my friends. I've never experienced a summer in a beach. It's fun, right?"

Tumango ako. "Iba kasi 'yong saya kapag kasama mo ang pamilya mo at kapag kasama mo ang mga kaibigan mo. May malaking pagkakaiba. Nasasaiyo na lang kung paano mo higit na mapapasaya 'yong sarili mo."

Bumaling lang siya sa akin ng seryoso. May kung anong misteryo kay Kevyn na gusto kong malaman. Gusto ko siyang kilalanin pa.

"I hope we can," mapakla itong ngumiti.

Napatitig ako sa kaniya. May kung ano sa akin na nag-uudyok na tanungin siya pero may pakiramdam din sa akin na baka hindi siya komportable roon.

Ngumiti siya nang bumaling sa akin. "Siyanga pala, Mara, thank you for bringing me here. Gumaan ang pakiramdam ko."

I'm His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon