Kabanata 9

1.2K 41 0
                                    

NASAAN na ba ang mokong na 'yon? Kanina pa akong nandito sa labas ng mansyon at nag-hihintay sa kaniya. Hindi talaga marunong magpahalaga sa oras ng iba ang lalaking 'yon, napaka-self-centered na tao.

Pero kahit pa paano naman ay tinupad niya ang sinabing seven o'clock ay gigising na siya. Halatang excited din sa magiging lakad naming dalawa, 'yon nga lang, napakabagal niyang kumilos.

"Bakit kunot na kunot na naman 'yang noo mo?" bungad ni Kevyn ng makalabas siya ng mansyon.

Pinagmasdan ko ang suot niya. Nakasuot siya ng short at printed na t-shirt. Kahit ganoon ang suot niya, lumitaw pa rin ang taglay nitong kagwapuhan at kakisigan.

"Paano naman po kasi, kanina mo pa akong pinauna dito sa labas para hintayin ka, pero ang tagal-tagal mo. Dinaig mo pa ang dalaga kung magbihis," inis kong sabi sa pasermong tono.

Sino ba namang hindi kukunot ang noo kung katulad ni Kevyn ang makakasama mo araw-araw? Pakiramdam ko nga tumanda na agad ako ng limang taon simula nang makasama ko ang lalaking ito.

"Masyado ka lang kasing mainipin."

"Ako mainipin? Hindi mo ba alam na mahigit thirty minutes akong naghintay sa 'yo? Aba!" Nagsisimula na namang kumulo ang dugo ko sa mokong na ito. Hindi ko na-control ang sarili ko.

"Mara, easy. I just want to enjoy and at the same time mag-relax kaya please huwag ka munang maingay," kalmadong aniya na tila ba hindi niya kasalanan kung bakit ako nag-iingay.

"Parang baliktad ata, Sir? Dapat ako ang nagsasabi ng linyang 'yan, eh," kunot noo kong balik dahil tumataas na ang sikat ng araw, dahilan na rin si Kevyn.

"Sige ganito na lang gawin natin, let's enjoy this day. Let's be friends for the meantime," suhestiyon niya.

Humalukipkip ako. Hindi ko talaga maintindihan ang mokong na 'to. Ang hirap intindihin ng ugali. Friends for the meantime? Ano 'to friendship challenge for a day?

"Sige na, sige na," pagpayag ko. Okay na siguro 'yon para magkaroon man lang ng katahimikan sa pagitan namin kahit ngayon lang.

"Good." Sabay ngumiti pa siya.

Peke na lang akong ngumiti at hindi na lang umimik para maputol na ang usapan. As if naman, gusto talaga niya akong maging kaibigan.

Pumihit ako patalikod sa kaniya, saka walang imik-imik na nag-martsa at tinahak ang pasilyo ng hardin palabas ng mansyon.

Huminto ako nang marating ko ang mataas na gate. Seryosong binalingan ko ang guard na animo'y estatwa roon. Binuksan niya ang mataas na gate at wala man lang lingon-lingon na bumalik sa kaninang pwesto.

"Mara!" sigaw ni Kevyn.

Hindi ko siya pinansin. Pinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Hindi pa humuhupa ang inis ko sa kaniya dahil pinaghintay niya ako sa labas ng ilang minuto, tapos 'di man lang nag-sorry.

"Mara!" sigaw uli niya.

Hindi pa rin ako nagpatinag at nagpatuloy sa lang sa paglalakad.

"Mara!" sigaw niya sa pangatlong pagkakataon na tila ba ang layo-layo niya sa akin.

Inis akong huminto at padabog na humarap sa lalaking iyon na sigaw nang sigaw sa pangalan ko. Ganoon na lang ang pagkagulat ko nang makita ang agwat namin sa isa't isa. Napasinghap ako, saka saglit na pumikit.

Bakit ba kasi ang baga-bagal ng mokong na ito? Parang pagong. Hindi ba siya sanay maglakad?

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko at hinintay siyang makarating sa kinaroroonan ko. Paanong hindi maiiwan eh, parang naglalakbay sa buwan kung maglakad.

I'm His Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon