Kabanata 8

1.3K 42 0
                                    

KATULAD ng inaasahan ko, hindi naging madali ang mga araw sa loob ng mansyon. Tila ba ang oras ay bahagya lamang gumagalaw o baka dahil sadyang naiinip lang ako. Sa pananatili ko dito, naging magaan naman ang lahat, maliban kay Kevyn na halos oras-oras akong inaasar at sinusungitan. Hobby na nga ata niya iyon

"Are you ready?"

Kunot nooo akong lumingon kay Kevyn na kasalukuyang nagkakape sa terrace habang ako ay naglilinis doon.

"Ready saan, Sir?"

"Remember weekend tomorrow. Bring me anywhere. Anywhere you want. Bahala ka."

Napaisip ako at doon lumitaw ang naging pag-uusap naming dalawa sa hardin. Gusto niyang ipasyal ko siya sa Poblacion.

"Bakit akong bahala, Sir? Malay ko ba kung saan niyo gustong pumunta," masungit kong sabi.

"Malay ko ba sa mga lugar dito. Remember, I'm not living here."

Napanguso ako. Kung sa bagay, hindi nga pala niya kabisado ang lugar na ito.

"Kung diyan ko na lang kaya kayo dalhin sa hardin, Sir malapit pa," suhestiyon ko. Ngumiti pa ako na tila nakaisip ng magandang idea.

Napakunot noo siya habang matamang nakatingin sa akin. "Do you think, magpapasama pa ako sa 'yo kung sa hardin ko lang gustong pumunta?" salubong ang kilay na sagot niya.

"Sabi mo, Sir kahit saan," pamimilosopo ko.

Nagsalubong ang mga kilay niya at dumilim ang anyo na parang mananakmal na. Napangiwi ako. "Sabi ko nga," mahina ko pang sabi, saka kumamot sa batok.

"Bring me to the place where I can enjoy."

"Paano ang trabaho ko, Sir?"

"Eh 'di, iwan mo. Kung kaya mo namang dalhin, eh, 'di dalhin mo."

Napaisnab na lang ako sa sinabi niya. Bukod sa mahilig siyang mang-asar, pilosopo pa.

"Bukas po ba, Sir?"

"Yes, seven o'clock in the morning," pakli niya habang nakatingin sa akin.

"Sure kayo Sir, seven o'clock bukas?" Gusto kong matawa sa sinabi niya. Eh, mukha ngang kabisado na ng katawan niya na magising ng alas-nuebe ng umaga.

"Dami mong tanong! Basta seven o'clock bukas," sambit niya na akala mo'y siguradong-sigurado na siya.

"Okay, bukas seven o'clock," ulit ko habang pasimpleng nagme-make face.

"Just make sure na sa magandang lugar mo ako dadalhin at hindi sa palengke kung saan maraming tao at hindi kaaya-aya ang amoy."

"Paano kung 'yon ang magandang lugar para sa akin? Sa lugar kong saan mo ako muntik mabangga at mapatay." Biglang nakaramdam na naman ako ng inis ng maalala ko ang araw na iyon.

Bahagya siyang napangiti. "That wasn't my fault. Ikaw itong hindi marunong lumingon sa dalawang side ng kalsada."

Hindi ako nakasagot. Tama naman siya na hindi ako lumingon sa sides ng kalsada pero naiinis pa rin ako dahil sobrang natakot ako nong mga araw na iyon.

Napairap na lang ako sa kawalan dahil nawalan na ako ng ibabatong dahilan at pansalag sa sarili ko. Nakita ko ang kislap ng mga mata niya na tila alam niyang wala na akong masabi at panalo na siya.

"Dalhin kita diyan sa palengke, e," inis ko pang bulong.

"May sinasabi ka?"

Peke akong ngumiti. "Wala po, Sir. Sabi ko po kasalanan ko na 'yong nangyari. Masaya ka na?" Halos pabulong na may diin na lamang 'yong mga huling salita.

I'm His Personal MaidWhere stories live. Discover now