Kabanata 17

975 33 8
                                    

"GOOD MORNING, Ate Mil," masigla kong bati sa kaniya nang madatnan ko siya sa kusina habang naglilinis doon.

Tumigil siya sa ginagawa. "Good morning, Mara bakit parang ang sigla ng hitsura mo ngayon? Mukhang ang ganda nang gising mo, ah?" nakangiti niyang komento.

Napangiti ako sa kaniya. Lumabi ako. "Hindi naman po, Ate Mil," tanggi ko. Hindi ko nga alam kung bakit pagmulat ng mga mata ko, nakaramdam ako ng sigla at pagkapayapa.

"Nanaginip ka ba ng maganda, Mara?"

Bumaling naman ako kay Ate Clara na sinusuri ako. "Wala naman po," sabi ko.

"Linggo kasi bukas, Ate Clara kaya syempre excited si Mara na umuwi sa kanila," sabat naman ni Andrea na nasa tabi ni Ate Clara, may hawak na bimpo.

Biglang lalong nabuhay ang sistema ko sa narinig ko. Sa totoo lang kasi, hindi ko alam na linggo na bukas. "Linggo na ba bukas?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Tumingin lang sila sa aking tatlo na nagtataka. Nagtinginan pa ang mga ito.

"Good morning."

Nawala ang pokus namin sa isa't isa nang marinig namin ang boses na iyon. Kasabay ko, napalingon sila sa nagsalita. Tumambad sa amin si Kevyn, maaliwalas ang mukha niya at walang indikasyon na magsusungit.

"Good morning, Sir," bati ni Ate Mil. Ngumiti lang si Ate Clara habang halos matulala naman si Andrea.

Mabilis na nawala sa harap ko si Ate Clara at Andrea dahil bumalik na ang mga ito sa kani-kanilang trabaho.

"Maiwan na muna kita, Mara," paalam naman ni Ate Mil at nawala na rin sa harapan ko. Naiwan kami ni Kevyn na halos hindi ako makatingin sa kaniya ng diretso.

"How was your slept, Mara?" kapagkuwa'y tanong ni Kevyn sa akin. Kumuha siya ng baso at nagsalin ng tubig roon. Ininom niya iyon.

"Okay naman po, Sir Kevyn kayo po?" balik kong tanong. Lalo akong nailang dahil hindi ako sanay sa kakaiba niyang pakikitungo sa akin, nakakapanibago. "Bakit pala ang aga ninyong magising? Ipagluluto ko pa lang sana kayo ng breakfast, eh," sabi ko.

"Well, I really don't know I just woke up early." Kumibit-balikat pa siya. "Don't worry, Mara hindi ako nagmamadali, I can wait." Umupo siya sa bakanteng upuan sa tapat ng lamesa.

"Sige po, Sir ipagluluto ko muna kayo," paalam ko, saka tumalikod sa kaniya

Nagsimula akong magluto ng ilang frozen food. Nagsangag din ako ng kanin na palagi kong ginagawa sa umaga kahit hindi ako sigurado kong nagugustuhan iyon ni Kevyn.

Matapos kong magluto, inihanda ko na ang pagkain niya sa hapag. Inilapag ko sa lamesa ang sinangag na kanin, ham, at sunny side up egg na niluto ko para sa kaniya.

Nag-angat siya sa akin nang tingin. "Ikaw, nag-breakfast ka na ba, Mara?"

Umiling ako. "Hindi pa, Sir," sagot ko.

"Join with me here, Mara," anyaya niya.

Mabilis na gumuhit ang pagtanggi sa mukha ko. "H-hindi na kailangan, Sir Kevyn mamaya na ako mag-aalmusal," mabilis kong tanggi.

"No, Mara join me here para naman may kasama ako," pamimilit niya.

"Sasabay na lang ako kila Ate Mil, Sir."

"No," matigas niyang sabi. "Don't you remember? You're my personal maid at utos kong samahan mo akong kumain."

Hindi ako nakaimik. Ginagamit na kasi niya ang pagiging amo niya kaya ano pang magagawa ko, 'di ba? Kahit hindi ko alam kung bakit kalmado lang siya, napayuko na lang ako. Hindi ko siya mabasa. Dapat ba akong matuwa dahil sa pagtrato niya o dapat akong matakot?

Walang siglang umupo ako sa bakanteng upuan sa gilid ng lamesa. Hindi ako lumilingon kay Kevyn. Masyado siyang kalmado at kinakabahan ako. Baka kasi may binabalak na naman siya para asarin ako.

"Let's eat," anyaya niya at tumingin sa mga pagkaing nasa harap. "Titingnan mo na lang ba 'yang mga pagkain o gusto mong ipaghanda pa kita at subuan?" aniya habang nakatingin sa akin.

"Kakain na po, Sir," sabi ko habang kunot ang noo. Bakit ba kasi masyado siyang mabait? Hindi ba niya ako aasarin?

Kinuha ko ang pinggan na naroon sa kabilang bahagi ng lamesa at nilagyan iyon ng pagkain para matahimik na si Kevyn. Masyado na siyang nakakailang, eh.

"You're going back to your family tomorrow, right?"

Lumingon ako sa kaniya at tumango. Hindi na ako umimik at pinagpatuloy na lang ang pagkain. Katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa, walang gustong bumasag niyon.

"Last night." Sa wakas ay pagbasag ni Kevyn sa katahimikan. "Thank you for staying with me, Mara."

Dahan-dahan kong inilingon ang ulo ko sa kaniya. Nagtama ang mga mata namin pero mabilis siyang umiwas at bumaling sa pagkain. Napaka-sincere ng boses niya at walang halo ng kahit na ano'ng pagpapanggap.

Napakurap ako ng makita kong tumayo na si Kevyn at naglakad palayo. Naiwan akong nakatingin lang sa dinaanan niya. Hindi ko maproseso ang mga narinig ko sa kaniya dahil bihira ko lang iyong naririnig. Bakit sobrang natutuwa ang damdamin ko? Napakasarap niyon pakinggan.

"DO YOU have anything to do, Mara?"

Kumunot ang noo ko nang bumungad sa akin si Kevyn pagbukas ko ng pinto ng aking kwarto. Kanina pa kasi siyang katok nang katok. Kasalukuyan na kasi akong nag-eempake ng mga gamit na dadalhin ko.

"Bakit, Sir Kevyn?" balik kong tanong.

"Let's walk."

"Po?"

"Samahan mo ako sa labas," aniya. Seryoso lang ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

Kanina pa akong nagtataka sa pagiging mabait niya sa akin. Hindi ako sanay kaya may pagkailang akong nararamdaman, subalit mas nananaig ang saya sa damdamin ko. Simula kasi nang nagdaang gabi, parang nagbago na siya at naging seryoso.

"Ngayon ba?"

Tumango si Kevyn. "Yes, masarap maglakad sa labas lalo na't palubog na ang araw," paliwanag niya.

Saglit akong nag-isip. Masyado nang natutuwa ang damdamin ko sa mga pinapakita niya sa akin kaya dapat lang na kunin ko ang bawat pagkakataon para mas lalo pa siyang makilala. Baka isang araw kasi, magsungit na naman siya.

I'm His Personal MaidWhere stories live. Discover now