Kabanata 13

1.1K 34 0
                                    

"OMG! Na-miss kita, Mara. Kumusta ka na?" bungad agad ni Maica sa akin nang makapasok siya sa bahay. Agad siyang pumunta roon nang malamang umuwi ako. Sinalubong ko siya at mahigpit niya akong niyakap.

"Na-miss din kita, Maica." Nagtatalon pa kaming dalawa habang magkayakap. "Okay lang naman ako, ikaw, Maica? Bukod sa lalo kang tumaba ano pang balita sa 'yo?" pagbibiro ko.

"Grabi ka sa akin, Mara. Kasalanan ko bang masarap kumain?"

Humiwalay kami sa pagkakayap at kapwa tinitigan mula ulo hanggang paa ang bawat isa. Halatang nanabik kami sa isa't isa dahil sa mga tinginan namin na parang isang taong hindi nagkita.

"Kung sabagay, masarap nga namang kumain. 'Yong nga lang, ikaw hindi ka marunong mag-diet," natatawa kong sabi.

Ngumuso si Maica bago umupo sa kawayang sofa. "Basta food is life, ganoon." Ginalaw-galaw pa niya ang ulo. "Pero bago ang lahat, ano'ng balita? Virgin ka pa ba?"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig mula kay Maica. Hininaan lang niya ang huling mga salita pero rinig na rinig ko iyon. Kulang na nga lang malaglag ako sa kinauupan ko.

"Ano'ng tanong 'yan, Maica. Oo naman, virgin pa ako," kunot noo kong sagot at napailing.

"Ibig sabihin hindi barumbado ang anak ng Donya? Hindi ka pinagsamantalahan?"

"Hindi. Bakit naman 'yon gagawin ni Sir Kevyn?"

"Malay ko! Marami kasi ang bali-balita na playboy siya at spoiled brat. Mahilig daw 'yong maglaro ng mga babae. Lalo na kapag nasa kama," pabulong na pagtatapat niya.

"Huh?" gulat kong reaction. "Playboy si Sir Kevyn? 'Yong spoiled brat, oo pero 'yong iba mukhang chismis lang," pagtatanggol ko. "Oo gwapo siya, pero mukhang matino naman at hindi babaerong mahilig sa kama."

Sa kabila ng naging karanasan ko kay Kevyn, alam ko sa sarili ko at nararamdaman ko na hindi siya ang tipo ng lalaking sinasabi ni Maica. Masungit siya at spoiled pero ni minsan hindi ko siya nakitaan ng pagka-playboy at sinubukang mag-take advantage sa akin. Wala rin ang katangiang iyon sa personalidad na nakikita ko sa kaniya.

"OMG! Totoo ngang gwapo ang anak ng Donya?"

Tumango lang ako.

"Hinatid pa nga siya rito ni Kuya Kevyn, eh."

Kapwa kami napalingon kay Melanie na nakisabat sa usapan namin ni Maica.

Gulat naman na napunta sa akin ang mga mata ni Maica. "Hindi nga? Hinatid ka niya rito?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Hindi naman iyon gusto ni Sir Kevyn, napilitan lang 'yon dahil sinabi ni Donya Melissa na ihatid ako, kaya wala na siyang nagawa," pagkwekwento ko para putulin ang kakaibang iniisip ni Maica.

"Ang swerte mo naman, Mara. Sa dami ng mga nagpapapansin kay Kevyn, mukhang ikaw ang napansin niya."

"Paanong hindi niya ako mapapansin, personal katulong niya kaya ako," natatawa kong tugon.

"Oo nga pala 'no." Natawa na rin si Maica. "Sana naman sa susunod, maipakilala mo ako sa anak ng Donya," biglang seryosong aniya.

"Ipapakilala kita?" alangan akong ngumiti. "Mukhang mahirap atang gawin iyon, Maica."

"Bakit naman?"

"Kasi ate Maica, masungit at hindi sila close ni Kuya Kevyn," sabat na naman ni Melanie.

"Aw! Sayang naman," nanghihinayang na ani Maica.

"Hindi ko nga maintindihan ang ugali niya. May pagkakataon na mabait siya sa akin, minsan naman masungit."

I'm His Personal MaidWhere stories live. Discover now