Kabanata 5

1.4K 57 10
                                    

DAHAN-DAHAN akong bumaba ng hagdan patungo sa sala para pag-usapan namin ni Donya Melissa ang magiging trabaho ko rito at kung magkano ang magiging sweldo ko. Hanggang ngayon, mangha pa rin ako sa mga nakikita ko.

Nadatnan kong nakaupo si Donya Melissa sa isahang sofa habang umiinom ng kape. Napaka-elegante niyang gumalaw. Simula sa pagdampot niya sa tasa hanggang sa pag-inom niyon.

Napakaganda ng mukha niya at napakaaliwas niyon. Kaya naman nababawasan ang kaba ko at napapatag ang aking loob. Napakabait ng mukha niya. Hindi ko man lang iyon makitaan ng kahit kaunting pagka-suplada.

"Magandang tanghali po, Donya Melissa," bungad ko sa kaniya nang tuluyan akong makalapit sa kinaroroonan niya.

"Have a sit," aniya at tinuro pa ang isang sofa na katapat niya.

Ngumiti muli ako sa kaniya bago umupo sa tinurong sofa.

Uminom muna siya ng kape bago matamang tumingin sa akin."Natutuwa ako dahil pumayag ka sa alok ko na magtrabaho rito," panimula niya habang hindi pa rin maalis ang matamis niyang mga ngiti.

Ngumiti ako. Natutuwa ako sa Donya dahil sa tiwalang pinagkaloob niya sa akin, lalo na sa pamilya ko.

"I've known your family years ago, that's why I decided na ikaw na lang ang kunin ko. Palagi ka kasing naikekwento sa akin nila Sonya at Martin at dahil doon parang kilalang-kilala na kita." Bahagya pa siyang natawa. "Natutuwa nga ako sa tuwing naririnig ko ang mga kwento ng mag-asawang 'yon. Kitang-kita ko sa kanila kung gaano ka nila kamahal at kung gaano sila ka-proud sa 'yo. Kaya hindi na ako nag-isip kung sino ang kukunin ko."

Nahihiya akong ngumiti. Nakakataba sa puso ang mga narinig ko mula sa kaniya. "Maraming salamat po. Lalo na po sa pagtitiwala sa pamilya namin."

Binigyan ako ng matamis na ngiti ni Donya Melissa. "Hindi naman mahirap pagkatiwalaan ang pamilya ninyo. Magaan ang loob ko sa kanila dahil alam kong mabubuti silang tao at nagsisikap sa buhay."

"Salamat po talaga kaya po asahan po ninyo ang maayos na pagsisilbi namin sa pamilya ninyo."

Napangiti siya at tumango. "Pag-usapan naman natin ang iyong duties dito sa bahay," paglilihis niya sa usapan.Tumango lang ako bilang tugon at pinagdikit ko ang aking mga labi.

"Hindi kasi sanay ang anak kong tumira sa ganitong lugar. Laking Maynila siya at hindi naman sanay sa lugar natin dito sa probinsiya. Ni hindi niya alam ang pasikot-sikot dito." Ngumiti siya sa akin. "Kaya gusto ko sanang bantayan mo siya habang narito siya sa Poblacion. Magiging personal na katulong ka niya. Sa kaniya ka lang magsisilbi. Lilinisin mo ang silid niya at ipaghahanda ng breakfast. Huwag kang mag-alala, mabait naman ang anak kong 'yon, medyo na-spoiled lang kasi." Bahagya pang napatawa ang Donya sa huling mga sinabi.

Bigla akong kinabahan nang marinig na spoiled nga ang anak niya. Ano pa nga bang aasahan ko?

"Hindi ka naman obligadong linisin ang buong mansyon. Ang tanging lilinisin mo lang ay ang silid ni Kevyn. Nandiyan naman sila Mildred para gawin 'yon."

Jusko! Iisipin ko palang na lilinisin ko ang buong mansyon na 'to, nahihilo na ako. Sa laki ba naman nito. Baka ilang oras na akong naglilinis 'di pa ako tapos.

"Liliguan, bibihasan, papakain, at patutulugin ko po ba ang anak ninyo?" nahihiya kong tanong sa kaniya.

Nakita ko ang paglapad ng ngiti ni Donya Melissa na parang natuwa siya sa naging tanong ko. Napailing siya.

"Hindi mo naman kailangang gawin 'yon, Mara. Hindi na bata si Kevyn para gawin mo pa ang mga bagay na 'yon," natatawa pa ring sabi niya

Baka naman special 'yong anak ni Donya Melissa? Bigla na lang pumasok sa isip ko ang ideyang iyon. Bakit nga naman kukuha pa ang Donya ng magbabantay sa malaki na niyang anak?

I'm His Personal MaidWhere stories live. Discover now