Kabanata 19

957 30 6
                                    

KATULAD ng usapan, lunes ng umaga ay agad akong sinundo pero hindi ko naman inasahang si Kevyn ang susundo sa akin. Nakakapagtaka pero malamang, utos iyon ng Donya.

Tahimik akong bumaba sa kotse niya ng marating namin ang mansyon. Nakakarindi na nga ang katahimikan naming dalawa, simula pa ng sunduin niya ako. Ayaw niyang magsalita kaya hindi rin ako nagsalita dahil alam kong hindi naman niya gustong makipag-usap sa akin.

Iniwan ko na siya at naglakad na ako papasok ng mansyon. Tutal, magpaparada pa naman siya ng kotse niya, saka hindi naman kami ok para hintayin ko pa siya.

Pagbukas ng main door ay tumambad sa akin si Donya Melissa. Ang lawak nang ngiti nito habang nakatingin sa akin.

"Hello po, Donya Melissa, kumusta po?" agad kong bati at ngumiti.

"Maigi naman at napaaga ka ata ngayon o baka si Kevyn ang napaaga ata ngayon?" May pagkapilya sa tanong na iyon nang Donya.

Alangan na lang akong ngumiti at lumingon sa kinaroroonan ni Kevyn.

"Hindi ko rin po alam," sabi ko.

Tiningnan lang ako ni Donya Melissa sa mapanuring tingin. Nailang tuloy ako sa mga titig niyang iyon, para bang may something.

"Oh, siya sige na, magpahinga ka na," sa wakas ay sabi ni Donya Melissa habang nakangiti at naglakad na palayo.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nawala na ang mga kakaibang tingin sa akin ni Donya. Nakakailang kasi ito dahil parang gusto nitong mapalapit ako sa anak niya.

"Kumusta pagdalaw mo sa inyo?" Lumingon ako sa nagsalita at nakita ko doon si Ate Mil, habang nasa likod niya si Andrea at Ate clara.

"Okay na okay po. Masaya, saka nag-enjoy naman po ako," sagot ko at ngumiti sa kanila.

"Maigi naman kung ganun! Eh, kamusta naman kayo ng sundo mo?" ani Ate Clara sa pilyang tono. Biglang natutop niya ang bibig at kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya.

Lumingon ako sa tinitingnan ni Ate Clara at nagulat ako nang makita kung sino iyon, si Kevyn. Mataman itong nakatingin sa kinaroroonan namin. Narinig kaya niya ang sinabi ni Ate Clara? Sana naman hindi! Nakaramdam din ako ng kaba. Alangan akong ngumiti kay Kevyn at agad ding umiwas at bumaling kila Ate Mil.

"Ang daldal mo kasi Ate Clara!" sabi ni Andrea sa mahinang tono habang salubong ang mga kilay na nakatingin kay Ate Clara.

Nakayuko na si Ate Clara habang tutop pa rin ang kanyang bibig.

Narinig ko na lang ang yabag ni Kevyn na paakyat sa hagdan. Lahat kami nakahinga ng maluwag. Akala ko magsusungit ang Kevyn na 'yon.

"Sana hindi narinig ni Sir Kevyn!" ani Ate Clara at tinaas na niya ang kanyang ulo.

"Sana nga! Baliw ka kasi eh, ang daldal mo!" sermon naman ni Ate Mil.

Malungkot na bumaling si Ate Clara kay Ate Mil, "Sorry!" aniya at yumuko ulit.

"Sige na Mara, umakyat ka na," pagtataboy ni Ate Mil. "Bumalik na tayo sa mga trabaho natin," baling naman nito kila Andrea at Ate Clara.

Ngumiti muna si Andrea at Ate Clara sa akin bago sila bumalik sa kanilang mga gawain. Umakyat na rin ako sa second floor para magpalit ng damit, at para na rin makapag-umpisa na akong magtrabaho.

"AY, unggoy ka!" gulat kong bulalas ng tumambad sa akin ang nakatapis lang na si Kevyn. Maglilinis kasi ako sa silid niya kaya nagtungo ako rito.

Basang-basa ang buhok nito, nilalandas din ng butil-butil na tubig ang nagwawala nitong abs. Bakit parang mas gumwapo siya sa paningin ko ngayon? Dahil ba bagong ligo siya? Agad akong umiwas ng tingin sa kanya, saka tumalikod. Kaunti na lang kasi ay matutulala na naman ako sa nagwawalang abs ni Kevyn at sa kagwapuhan nitong mala-artista.

Narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Kevyn kasunod noon ay ang mga yabag niya na tila palayo sa akin. Nang hindi ko na marinig ang yabag niya ay humarap na ako at wala na nga siya roon. Marahil pumasok na siya sa banyo para magbihis.

Nakahinga ako ng maluwag at nagsimula na akong maglinis ng silid ni Kevyn. Katulad nang palaging tumatambad sa akin, makalat at madumi ang silid na iyon. Lalaki nga naman, walang alam sa paglilinis. Tsk!

Ilang minuto pa lang akong naglilinis ng lumabas mula sa banyo si Kevyn. Nakasando lang ito at naka-jersey na short. Kahit simple lang 'yon ay sobrang bagay pa rin sa kanya. Malaki rin namam kasi ang muscles ni Kevyn at halatang fit siya, marahil nag-g-gym siya sa Maynila.

"Konting na lang baka tumulo na laway mo."

Nawindang naman ako sa narinig ko mula kay Kevyn. Nabalot ako ng kaba at kahihiyan. Agad kong pinunas ang tabi ng bibig ko. Inis ang naramdaman ko ng mapagtanto kong wala naman talagang laway na tumulo mula sa roon. Bakit ba lagi na lang akong natutulala sa lalaking 'to?

Narinig ko na lang ang pagtawa ni Kevyn. Salubong ang kilay ko na tumingin sa kanya.

"May iniisip lang ako," asar kong sabi at binato ko sa kanya ang hawak kong throw pillow. "Unggoy!" pabulong ko pang sabi.

"Nakaka-in love na pala ang mga unggoy ngayon? Bakit lagi kang nakatingin sa akin?" anito na narinig pala ang sinabi niya. Mas lalo siyang nakaramdam ng pagkailang at hiya. Nakangiti pa rin ito habang hawak ang unan.

"Hindi ako ma-i-in love sa unggoy na kagaya mo!" malakas ko sabi at binato ko ulit siya ng throw pillow na nakuha ko mula sa sofa. Nasalo niya ulit iyon habang tawang-tawa pa rin. Hindi ko na alintana kung paano ko siya sagutin kahit amo ko siya dahil sa inis ko.

Magsisimula na naman ba ang pang-aasar niya sa akin? Akala ko pa naman magiging okay na kami, akala ko lang pala 'yon.

"Okay sabi mo eh," sambit nito at nagkibit balikat pa. "Samahan mo ako, Mara," kapagkuwa'y seryosong sabi nito.

Napakunot ang noo ko at tiningnan lang siya. "Saan?" masungit kong sagot at inirapan siya.

"Sa Farm."

"Kailan?"

"Sa isang araw." Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Bakit gusto nitong pumunta roon? "Bawal ka tumanggi, Mara, remember you're my personal katulong at kung nasaa ako, nandoon ka," pagpapaalala niya.

Inirapan ko siya. "Ok, fine. Para namang may magagawa ako," mahinang sabi ko pero sa kabila niyon, nakaramdam ako mg excitement dahil noon pa man ay gusto ko nang makapunta sa farm ng mga Bautista.

Lumabas na siya ng silid at naiwan akong naiinis pa rin dahil sa pang-aasar nito. Nagsimula na rin akong maglinis ng silid para matapos agad ako. Hindi naman matagal linisin iyon dahil hindi naman ganoon kalaki iyon. Pagkatapos kong maglinis doon ay sinunod ko naman ang iba pang mga silid. Sanay na ako sa gawaing iyon, dahil matagal na rin naman ako sa mansyon.

Matapos kong maglinis sa taas, nagpasiya akong bumaba para kahit pa paano tumulong kina ate Clara.

"Sobrang hot talaga ni Sir Kevyn, 'no?" ani Andrea habang pinagmamasdan si Kevyn na tahimik na nakaupo sa sofa na nasa sala.

"Umandar na naman 'yang pagnanasa mo kay Sir," sabi ko at humalukipkip pa, saka tumingin din sa direksiyon ni Kevyn habang nasa kusina kami.

Tahimik lang itong nakaupo sa sofa habang busy sa pagtipa ng mamahalin niyang cellphone.

"Tara na, magtrabaho na tayo," sambit ko at hinila na siya palayo sa lugar na iyon. Tinungo namin ang likod ng bahay at nakita namin doon si Ate Clara na busy sa paglalaba.

Nagsimula ng naglinis si Andrea at ako naman ay tumulong na kay Ate Clara sa paglalaba. No'ng una'y tumutol siya pero dahil sa kakulitan ko, wala na siyang nagawa. Pagkatapos naming maglaba ay sinampay na rin namin iyon at sabay na kaming bumalik sa loob ng mansyon.

I'm His Personal MaidWhere stories live. Discover now