Kabanata 12

1.2K 42 4
                                    

"HINDI NA po kailangan, magta-tricycle na lang po ako papunta sa amin," agad kong tanggi ng alukin ako ni Donya Melissa na ipapahatid na lang raw niya ako sa anak niya na si Kevyn na ayaw kong mangyari dahil sisirain lang niya ang araw ko na dapat masaya ako.

"Sige na Mara, para mabilis kang makarating sa inyo."

"Hindi na po–"

"No buts and excuses, Mara. Whether you like it or not, ihahatid ka ni Kevyn sa inyo."

Saglit akong napayuko at palihim na sumimangot. Nag-angat ako ng tingin at pilit na ngumiti dahil kahit ano'ng sabihin ko, mukhang hindi naman papayag si Donya. Pero kapag naiisip ko na si Kevyn ang driver, parang mas gusto ko na lang na mag-tricycle.

Hindi ko maunawaan ang lalaking iyon. Kahapon ay okay naman kami, 'tas kanina, sinusungitan na naman niya ako. Hindi ko maunawaan ang ugali niya. Para bang seasons na pabago-bago.

Akala ko pa'y tuloy-tuloy na ang pagbabago niya dahil may ilang mga bagay na siyang naibahagi sa akin. Pero ewan ba kung bakit biglang tila pasan na niya ang mundo. Ang init ng ulo at napakasungit.

May I enter to your world, Mara?

"Mara, mauna ka na sa labas. Hintayin mo na lang doon si Kevyn," pukaw sa akin ng Donya. Ngumiti pa siya. "Ingat kayo, huh. Enjoy your time with your family, Mara."

Ngumiti ako ng matamis at tumango. Tinapik naman niya ako sa balikat bago ako iniwan.

Bigla akong kinabahan. Sigurado akong magsusungit na naman si Kevyn sa akin. Bumuga ako nang hangin bago tuluyang lumabas ng mansyon para hintayin siya sa labas.

Ilang minuto akong nag-hintay sa labas bago ko nakitang lumabas si Kevyn sa main door kasunod ang ina niya. Blangko ang mukha niya na hindi ko mabasa ang emosyon doon.

Sinundan ko siya nang tingin. Tumungo ito sa paradahan ng mga sasakyan. Napanguso ako dahil hindi man lang ako nito nilingon.

"Mara, pagpasensiyahan mo na ang anak ko, ha? May unexpected kasing nangyari sa kaniya," paghingi ng paumanhin ni Donya Melissa habang nakatingin sa anak niya at muli ring bumaling sa akin.

Ngumiti ako. "Okay lang po, Donya Melissa. Sanay na po ako."

Napaisip ako. Ano kayang nangyari kay Kevyn at bigla na lang siya naging masungit? Sigurado akong hindi iyon basta-basta lang.

Naagaw ang atensyon namin nang marinig namin ang pag-andar ng kotse na palabas sa paradahan.

"Sige na, Mara. Ingat kayo, ha? Sana bumalik ka pa." Bahagya pa itong natawa.

"Babalik at babalik po ako, Donya Melissa," nakangiti kong tugon, saka nagpaalam na ako.

Lumapit ako sa kotse at tahimik na inilagay sa backseat ang dala kong backpack na naglalaman ng ilang mga damit ko.

Sumakay ako sa driver's seat seat na may kakaibang nararamdaman. Naiilang ako sa presensiya ni Kevyn lalo na't alam kong hindi siya good mood.

Nang makapag-suot na ako ng seatbelt, walang imik na pinaandar niya ang sasakyan. Ang bigat ng ambiance sa loob ng kotse. Para bang may kung anong enerhiya na nagdadala ng kakaibang pakiramdam sa akin.

I'm His Personal MaidWhere stories live. Discover now