Kabanata 11

1.1K 45 0
                                    

MABILIS AKONG naglakad palayo kay Kevyn. Akala ko'y magtutuloy-tuloy na ang pagiging mabait nito sa akin pero nagkamali ako dahil sa maikling panahon, biglang bumalik ang dating Kevyn na kinaiinisan ko, na masungit at mayabang.

"Siya nga pala, Mara thank you for bringing me here. Gumaan ang pakiramdam ko."

Sobrang natuwa na nga ako sa sinabi niyang iyon. Akala ko'y magpapatuloy na ang ganoong ugali ni Kevyn, na magiging malumanay na siya magsalita at magiging mabait sa akin, pero mukhang mali ako.

"Why don't you just admit it, Mara?" mayabang na habol niya sa akin. "Aminin mo na kasi. I know you stared at me secretly."

Napapikit ako ng mariin at napahinto sa paglalakad. Kasalukuyan na naming tinatahak ang daan palayo sa Blue Beach. Bakit kasi lagi na lang akong napapatitig sa mukha ng mokong na ito? Iyan tuloy, nahuli na naman niya ako na nakatitig sa kaniya habang nakatingin siya sa mga bato sa dagat. Paano kasi'y nagulat ako sa mga binitawan niyang salita. Hindi ko iyon inaasahan, ang magpapasalamat siya sa akin.

"Kapag 'di ka tumigil, iiwanan talaga kita," inis kong baling sa kaniya.

Tumawa siya. "You don't need to put blush on to your chicks Mara. Iisipin ko nga sana na nagba-blush ka dahil sa sinabi ko," patuloy niya sa pang-aasar.

Sinapo ko ang mukha ko na bahagya pa ring masakit at namumula. Hindi ko na siya pinansin. Naglakad ako ng mabilis at hinayaan si Kevyn sa likuran ko. Kung papatulan ko lang siya lalo lang niya akong aasarin.

Akala ko pa naman matutuldukan na ang ugaling iyon ni Kevyn. Sa dami ng kakaibang ginawa niya sa akin kanina, umasa talaga ako na nagbago na siya. Nagkamali pala ako dahil hindi ang katulad ni Kevyn ang basta-bastang magbabago.

"Mara, wait, hintayin mo ako."

Hindi ko pinansin ang sigaw ni Kevyn. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Bahala talaga ang mokong na 'yon.

"Mara!" sigaw uli niya na 'di ko pa rin pinansin.

Napangiti ako nang sa wakas ay nakita ko na ang highway at ang mga sasakyang dumadaan doon. Biglang naramdaman ko ang pagod at pananabik na makapagpahinga.

Huminto ako nang tuluyan kong narating ang gilid ng kalsada. Kaunting sandali na lang ay makakauwi na kami. Napasinghap ako nang makita si Kevyn na malayo pa nag agwat sa kinaroroonan ko. Napabuga ako ng hangin at napamaywang habang pinagmamasdan ang paglapit niya.

"C-champion ka ba ng marathon sa barangay niyo, Mara? Ang bilis mong maglakad, eh," hingal na aniya.

"Hindi ako mabilis, sadyang mabagal ka lang. Palibhasa kamag-anak mo 'yong mga pagong," inis na balik ko sa kaniya.

Hindi umimik si Kevyn. Itinuon niya ang dalawang palad sa mga tuhod niya, saka yumuko. Malalim ang bawat paghinga niya. Tagaktak na rin ang mga pawis niya sa noo at sa leeg. Halatang hindi sanay maglakad.

Bumaling na ako sa kalsada para mag-abang ng tricycle. Gusto ko nang makauwi dahil napapagod na ako. Napapagod na ako sa kasama ko.

Laking pasalamat ko ng may humintong tricycle sa harap ko. Hinarap ko si Kevyn. "Ano na? Kaya mo pa ba o iiwan na kita riyan, Sir Kevyn."

Tumayo siyang nang tuwid. "Of course I can. Ano'ng akala mo sa akin, mahina? You're wrong." Pagkasabi niyon, naglakad siya patungo sa loob ng tricycle.

I'm His Personal MaidWhere stories live. Discover now