Kabanata 18

888 33 6
                                    

DAHIL LINGGO nandito ako ngayon sa bahay para umuwi katulad nang napag-usapan namin ni Donya Melissa. Katulad noong una ,si Kevyn ang naghatid sa akin patungo rito kahit parang labag naman iyon sa loob niya, marahil napilitan lang siya kasi nga utos iyon ng Donya

Hindi ko na siya hinayaang pumasok pa sa bahay dahil baka hindi na siya pauwiin ni Melay.

"Ate naman eh, dapat pinatuloy mo na si Kevyn dito," reklamo ni Melay habang parang batang nagpapadyak. Paano kasi'y gustong-gusto niyang papasukin ko si Kevyn sa loob ng bahay, para daw makausap man lang niya.

"Melay, para kang sira. Nakakahiya do'n sa tao, naabala ko pa nga siya kasi hindi naman siya obligadong ihatid ako," paliwanag ko at bumaling kay Mama at Papa na nakatayo sa likod ko.

"Ma, Pa, nababaliw na 'tong anak n'yo. Parang sira!" sumbong ko sa kanila at muling bumaling kay Melay na busangot na busangot ang mukha.

"Melay, tama na 'yang kadramahan mong 'yan," saway ni Mama at pinanliitan ng mata si Melay.

"Tsaka, baka busy 'yong tao. Makakaabala pa tayo," segunda naman ni Papa.

Lalong bumusangot ang mukha ni Melay. Gustong-gusto kasi nitong makausap si Kevyn tsaka makita. Ewan ko ba sa kapatid kong 'to, crush na crush si Kevyn, eh, masungit at suplado naman iyon.

Hindi na umimik si Melay alam kong masama ang loob nito.

"Ate, sa tingin mo bagay kayo n'ong Kevyn na 'yon?" singit naman ni Jastro na kanina pang nakikinig at pinagmamasdan si Melay na parang bata.

"Pakialam mo? Crush ko lang siya! Tsaka sa pag-ibig walang bagay-bagay. Basta mahal n'yo ang isa't isa, bagay na kayo," seryoso ngunit nakasimangot na sagot nito kay Jastro.

Wow! Iba talaga ang mga kapatid ko ang galing humugot. Napangiti na lang ako sa naging reaksiyon ni Jastro sa sinabi ni Melay. Natahimik kasi ito at nginusuan na lang ang kapatid.

Tama nga naman si Melay. Wala nga namang bagay-bagay sa pag-ibig dahil para sa akin ang basehan naman sa pagmamahal, yong nararamdaman ninyo at hindi kung bagay kayo tingnan.

"Oh, siya, tumigil na kayong dalawa. Kumain na lang tayo," saway muli ni Mama at pumagitna kila Jastro at Melay. "Babata n'yo pa dami n'yo ng alam sa pag-ibig," sabi pa ni Mama at inakbayan ang magkapatid.

"Ma, sa pag-ibig po kasi walang bata-bata. Kahit bata ka pa basta tumibok na 'yang puso mo, paktay kana!" sabi naman ni Jastro na seryosong nakatingin kay Mama.

Nangunot ang noo ni Mama at pinaningkitan si Jastro.

Iba talaga ang mga kapatid ko, daming alam. Talo pa ako, eh. Ilang taon na akong nabubuhay sa mundong ito pero hindi ako naging ganyan.

Naramdaman ko na lang na umupo sa tabi ko si Papa. Lumingon ako at ngumiti ganoon din siya sa akin, pagkatapos ay umakbay si Papa at bumaling kila Mama.

"Gayahin n'yo na lang ang ate n'yo. Tingnan n'yo hanggang ngayon single pa rin. Kasi nga ang pag-ibig hindi hinahanap, kusa 'yang dumadating sa tao. Ang kailangan mo lang gawin ay ang maghintay."

Nagkatinginan na lang silang tatlo sa kabilang sofa at napangiti ako dahil sa tinuran ni Papa. Aba, marunong din pala si Papa'ng humugot.

"Pa, saan mo naman nakuha 'yang sinabi mo? Galing n'on ah," ani Mama habang pangiti-ngiti.

Totoo naman itong si Papa. Hindi naman talaga hinahanap ang pag-ibig, kusa itong dumarating. Kapag hinintay mo baka lalo pang maging mailap sa'yo ang pag-ibig na inaasam mo. Mas better kung mag-iintay ka na lang na dumating ang tamang oras at tamang tao para sa iyo.

"Galing ko ba, 'Ma?" tuwang tanong ni Papa kay Mama na siya namang sinang-ayunan ni Mama.

"Nagtrabaho lang ako ang dami n'yo nang hugot," saad ko naman at isa-isa silang tiningnan habang natatawa.

I'm His Personal MaidWhere stories live. Discover now