Kabanata 20

1K 37 2
                                    

"WOW!" reaction ko nang tumambad sa akin ang farm na pag-aari ng pamilya ni Kevyn.

Katulad nga ng sinabi niya, pumunta kami dito sa farm dahil gusto niya, marahil gusto niyang mamasyal dahil hindi namans siya lumaki rito. Napakaaga nga niyang nagising kanina dahil siguro, excited din siyang makita ang lugar.

"Ang sarap sa mata ng paligid," manghang sabi ko habang nililibot ang paningin sa kabuoan ng farm na kinaroroonan namin.

Malawak ang lugar at kitang-kita doon ang hile-lilerang puno ng lansones at sa kabila ay puno naman ng mga rambutan. Nakakaaliw pagmasdan ang organisadong pagkakatanim niyon. Hitik na hitik rin sa bunga ang bawat punong nakatanim doon. Nasa ilalim ng mga puno ang maramimg trabahador ng mga Bautista at marahil isa doon ang Papa ko at si Oscar.

"Ngayon na lang ulit ako nakapunta dito sa farm." Lumingon ako kay Kevyn, seryoso lang nitong pinagmamasdan ang malawak na lugar. I was thirteen when the last time na makatapak ako dito at ngayon na lang ulit naulit iyon." Bumaling siya sa akin. Hindi ko mabasa ang iniisip niya, pero may naramdaman akong lungkot.

"'Di ba ayaw mo naman dito sa Poblacion?" tanong ko.

"Yes, I dont want to live in this kind of place, para kasing nakakainip at sobrang tahimik sa ganitong lugar. But these past few days, I realized na parang mas gusto ko ng tumira rito sa probinsiya. Wala akong kaaway. Wala akong kaagaw sa ibang bagay. Mas gusto ko na ngayon ng tahimik na environment," mahabang paliwanag niya at bahagya lang na gumalaw ang mga labi niya.

Mas gusto na lang siguro niya na maiwasan ang pinsan niya na si Nicko. Tsaka totoo naman na masaya sa probinsiya. Tahimik, masaya at nakakaaliw.

"Marahil dahil dito mo naramdaman ang mga bagay na 'yon dahil payapa rito at tahimik, nandito rin ang mga taong nakakaintindi sa'yo," balik ko, saka tumingin sa kaniya at simpleng ngumiti.

Naglalakad-lakad kami sa paligid ng mga puno ng lansones at kita kong lahat ng madaan namin ay tumitigil sa kanilang ginagawa at binabati si Kevyn.

"Tama ka, Mara, I find peace here at maraming bagay ang na-realize ko habang nandito ako. It's better to leave in a peaceful mind, than to live with negativity. Is apa, ayaw ko munang bumalik sa Maynila dahil alam kung wala naman akong katahimikang maaasam doon. Paulit-ulit lang nilang ipamumukha sa akin na wala akong silbi." Nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Bakas kasi ang lungkot sa bawat salitang binitiwan niya.

"Tama, kasi 'yong mga negative na bagay, sila 'yong pumipigil para sumaya tayo, para kalimutan natin na may dahilan pa para sumaya tayo." Gusto ko siyang i-comfort at iparamdam na may nakikinig sa kaniya.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at patuloy sa pagbati ang lahat ng trabahador na nakikita namin. Nginingitian naman iyon ni Kevyn at agad sumeseryoso kapag sa akin na nakatingin.

"Kilala mo ba silang lahat?" nagtataka kong tanong.

"Oo, nakikita ko kasi silang lahat kapag pumupunta sila sa mansyon para kunin ang kanilang suweldo," anito habang seryoso lang na naglalakad. Nakalagay sa likod niya ang dalawang kamay.

"Kilala mo silang lahat? Ang dami kaya nila," mangha kong komento at matamis siyang nginitian.

Seryoso talaga siya? Mahigit ata isang daang katao ang naroon.

"Kahit na marami sila kilala ko sila. May nagsabi kasi sa akin noon na dapat ko daw matutunan ang pakikihalubilo at pakikisama sa ibang tao, para kahit saan ako magpunta magkakaroon ako ng mga kaibigan," seryosong wika nito.

Bahagya akong natigilan at biglang pumostora ang manghang ngiti sa labi ko dahil sa narinig ko. Nakakatuwa kasi na alam niya ang bagay na iyon. Marami siguro siyang kaibigan at sa akin lang siya masungit.

I'm His Personal MaidМесто, где живут истории. Откройте их для себя