"Waah..." nasambit ko na lang kasi naman. Hindi ko mapigilan ang humanga kay Hypnos. At ang bilis pa ng mga kamay nito sa pagtitipa.

"Techno geek is in front of you, Aileen." Si Zachary ulit.

Tinanong ko ba siya? Hindi diba?

Hindi ko na siya pinansin pa at nakatutok ang mga mata ko sa kung anong ginagawa nito. Napansin ko pang paminsan-minsan itong umiinom ng beer. Teka, wala naman yan kanina ah.

Nagkibit-balikat na lang ako.

"Na-scan ko na ang boung area," panimula nito at uminom ulit ng beer atsaka inilapag ito. "at ang mga hinahanap natin ay nasa iisang lugar lamang maliban sa..." may izinoom-in naman ito. "...isa. And that's the Matryoshka Doll."

Para akong natulos sa kinauupuan ko ng marinig ang sinabi niya at marahas na lumingon. "Doll? Manyika?!"

"Fvck! Can you please low down your voice? And yes! It's a doll, sa tagalog manika!" Waah!! Sinisigawan ako ni sleeping beauty. Bakit, ano bang kinagalit niya? Nagtatanong lang naman ako, a. Masama ba yun?

Ngumuso ako.

Nilagay pa nito ang hinliliit niya sa tenga may tutuli ata ang isang ito.

"Shit! I think, nabingi ako sa sigaw mo. Makasigaw kasi parang nasa kabilang bundok lang." Grabe siya oh.

"Hihihi, sorry..." nasabi ko na lang at nag peace sign.

Inirapan niya akong ibinalik ang atensyon niya sa screen ng laptop nito.

Waaah, ayoko sa manika 'e. Huhubels.

Nakatutok lang ako sa mga ginagawa at sa mga isinabi nito. Binibigyan niya ng mga detalye kung saan nakikita ang mga kailangan nilang makuha.

At eto ako. Nakanganga lang sa tabi niya. Nasa pisngi ang kaliwang palad at nasa mesa ang siko. At ang tatlo naman ay ayun tutok na tutok sa screen ng laptop.

Hindi na ako magtataka na lalabas diyan si sadaku. Para naman kasing napakahalaga ng mga bagay na iyan.
Halos isang oras tumagal ang paghahanap nila.

"Found it." Boses naman iyon ni Talianna.

Nakikita ko ngayon ang sa live video nito sa ilalim na lumalapit siya sa isang kahon. Ganun rin ang isa. Sa palagay ko ay kay Jaycob ito.

Pagkasabi ni Talianna ay agaf na nilapitan ni Kidd ang isang malaking poste. Ewan ko kung ano ang tawag dito basta ito yung nagpapaangat ng mga mabibigat na bagay. May pinindot siyang buton upang bumaba ang mala-bakal nitong tali. Unti-unti itong bumaba.

Nang makalapit ang lupid sa kanila ay agad nilang itinali sa magkabilang gilid ang mga ito. Nang masigurado na ang higpit nito ay dahan-dahang inangat ang tali kasama ang kahon.

Nang makahaon ay agad na nilapitan nina Zachary at Kidd ang kahon. Hindi ko masyadong makita kung gaano ito kalaki pero ng nakita ko ito napakalaki nga nito. Parang isang kama lang. Grabe naman ito kung ano man ang laman nito, pwede bang ibenta? Siguradong napakalaking halaga nito.

Sigurado iyon. Bakit pa ba kasi nila pinag-aksayahan pa nila ng oras ang bagay na ito kung hindi ito mamahalin.

Pinagsingkit ko ang aking magagandang mga mata. Mukhang magandang ideya yung nasa isip ko. Tama-tama.

"Lady Aileen, please, can you move away?" Nabalik ako sa katinuan ng basagin iyon ni bebelabs ko.

Okay, wala namang kaso na...ano daw yung sinabi niya?

"Ha?" Muntanga lang bes'?

Mahina siyang tumawa. Enebe bes' weg keng temewe. Nekeke-nekeke-ke---

MAFIA 3: DARK The Mafia Boss (Completed)Where stories live. Discover now