Back to the Philippines

Start from the beginning
                                    

Napahawak naman ako sa puso ko dahil sa tibok ng tibok nito.

"Sir, are you okay?" Rinig kong tanong sa akin ng sales lady. Tumayo ako ng diretso at sinabing ayos lang ako.

Pinagpatuloy ko na lamang ang pamimili at habang namimili ako ay nakarinig ako ng may nagbubulungan na lalaki at pagtingin ko ay pinagtitinginan nila si kuya Yukki.

"Tignan mo pare may chicks oh." Kita ko pang tinuro ng hindi kapogiang lalaki si Yukki na may malagkit na tingin dito. Hindi ko ring aakalaing may mga Pilipino dito, sabagay Pilipino naman kami ni Kuya Yukki.

Shadow's PoV

Habang namimili ng damit si Yukki ay kanina niya pa pansin ang mga matang nakatingin sa kaniya ng malagkit, nakasuot pa kasi siya ng pambabae, T-shirt at maikling skirt kaya talagang pagtitinginan siya.

Rinig niya ring pinagbubulungan siya nito at ramdam niyang lalapitan siya ng isa sa mga ito kaya ang ginawa niya ay agad siyang kumuha ng kung anong damit ang makita niya.

Naglakad siya papasok sa fitting room at ramdam niyang pasimple siyang sinusundan ng mga ito pero ng pumasok siya sa fitting room ay nagulat ang mga lalaki.

"Hindi ba panglalaki 'tong clothes na 'to?" Takang sabi ng isa sa kanila sabay libot ng paningin niya sa store.

"Oo pre." Sagot naman ng isa.

"Pero bakit siya pumasok sa fitting room na may dalang men's clothes?" Habang naguusap-usap sila ay nagmamatiyag naman si Vienne sa 'di kalayuan.

Nang natapos na si Yukki sa pagbibihis ay agad siyang lumabas, agad din namang nag-abang ang mga lalaki sa labas ng fitting room at paglabas ni Yukki ay napanganga agad sila.

Nakasuot kasi si Yukki ng longsleeve na XL at striped na design kaya sobrang luwang nito sa kaniya kaya naman nakikita ang balikat ni Yukki at ripped jeans na fit na fit sa kanya.

Agad na lumapit si Yukki sa nakangangang Vienne at kinawayan sa harap nito.

"Ayos naba ito?" Nakakunot noong tanong ni Yukki.

"U-uhm....'y-yan naba ang gusto mo?" Agad namang tumango si Yukki.

"Bili kapa ng ibang dam--" hindi na natapos ni Vienne ang sasabihin niya sapagkat agad na pumulot si Yukki ng kung anong damit na makuha niya at iniabot kay Vienne na napanganga sa ginawa ni Yukki.

"Eto, Ayos na 'to." Napakurap ng ilang beses si Vienne at dahang-dahang tumango.

Pumunta agad sila sa Cashier upang bayaran ang pinamili nila.

"Uhmm, Kuya Yukki?" Tawag ni Vienne kay Yukki na katabi niya lang sa paglalakad na agad na napatingin sa kaniya.

"Ano 'yon?" napaisip naman si Vienne kung itutuloy paba niya ang tanong niya o hindi na.

"Magtanong kana." Nabigla siya sa sinabi ni Yukki kaya napa buntong hininga siya.

"A-ano kasi...bakit parang  nagmamadali ka kanina?" Napatigil naman si Yukki pero agad na sinagot ang katanungan ni Vienne.

"I don't like the way they look at me." Napa 'ah' naman si Vienne sa sagot ni Yukki at katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa habang naglalakad.

"Gutom kana po ba kuya?" Tanong ni Vienne ng makadaan sila sa mga Restaurant.

"Not much." Kahit na sinabi ni Yukki na hindi siya gutom ay pumasok parin sila ni Vienne sa isang restaurant dahil alam ni Vienne na hindi sapat ang nakain ni Yukki mula kanina.

Naupo na silang dalawa na magkaharapan at nag-order na si Vienne.

"Anong gusto mo kuya?" Tanong ni Vienne habang tinitignan ang Menu.

PretendWhere stories live. Discover now