CHAPTER THIRTEEN

Magsimula sa umpisa
                                    

"Next week nalang. Susunduin daw kasi ako ni Gabriel dito, eh." Aniya.

"Buti naman at nang masapok ko naman 'yon. May kasalanan pa siya sa'kin." Sabi ko.

Sumimangot naman si sandy. "Wag mo naman siyang ganyanin. Kawawa naman si gabriel ko." Nguso nito.

Nagtaas lang ako nang kilay. "Makaangkin ka parang sa 'yo na, ah?"

"Akin naman talaga siya, ah."

"Di pa kayo kasal, uy! Wag kang assuming."

"Tsk. Watever!" Irap nito sa'kin.

Ngumisi lang ako. Napatingin ako sa gate nang buksan ito ni manong guard at mula doon ay pumasok ang kotse ni leon. Napangiti ako at napatayo.

Pupuntahan ko sana ito nang hawakan ni adrian ang kamay ko. Tiningala ako nito. "Where are you going?" Kunot noong tanong nito.

"Pupuntahan ko lang si Engineer..." Sabi ko.

Tumalim naman ang tingin nito sa 'kin. "No. Stay here." Aniya atsaka ako hinila papunta sa upuan sa tabi niya.

"May bisita ako adrian. Ano ba!" Inis kong sabi. Ang higpit pa nang hawak niya sa kamay ko kaya hindi ako makalayo sa kaniya. Kainis! Ano na naman bang problema nito.

"I don't care..." He expressionless said.

Napatiim bagang nalang ako at naiinis na tiningnan siya.  "Your pissing me off." Madiin kong sabi.

"I don't care either..." Malamig naman niyang aniya.

Sinubukan kong hilain muli ang kamay ko sa kaniya pero hindi ko talaga kaya. Argh! "Adrian!" Pinanlakihan ko siya nang mata.

"Hey guys...chillax." Naiiritang bumaling ako kay sandy na todo pa rin kung ngumiti. "Ako nang bahala kay Engineer wag na nga kayong mag-away, okay?" Anito.

Ngumuso lang ako at umayos nang upo. Nang tumayo naman na si sandy ay binitawan na rin niya ang kamay ko. Napa-cross arm nalang ako at nakasimangot siyang tiningnan. "Ano bang problema mo? Dinaig mo pa ako kung magbago nang mood, ah." Sabi ko.

Tiningnan niya ako. "Can you just sit beside me and be a good girl?" Madiin niyang sabi.

Napairap nalang ako at kinawayan si leon na kasamang naglalakad ni sandy papunta sa kinaroroonan namin. Pinatawag ko ito ngayon dahil wala na akong masyadong balita sa mansiyon ni lolo, hindi na kasi ako nakakadalaw sa site dahil nga sa naging abala na rin ako sa ibang negosyo rito.

"Hey..." Nakangiting bati ko rito. Tatayo na sana ako para yakapin ito nang muling hawakan ni Adrian ang kamay ko. Sinamaan ko lang ito nang tingin. Ano ba talagang problema nang lalaking 'to.

Muli akong napatingin kay leon nang tumikhim ito. Nahuli ko pa ang pa-simple nitong pagbaba nang tingin sa kamay namin ni Adrian dahilan para mamula ang magkabilang pisngi ko.

"Upo ka engineer..." Sabi ni sandy.

Napalunok nalang ako at nag-iwas nang tingin. Nakakahiya lalo na't ramdam ko pa hanggang ngayon ang pamumula nang magkabilang pisngi ko. Paksh*t talaga!

"What brought you here engineer?" Seryosong tanong ni Adrian.

Pinanlakihan ko ito nang mata. Napaka-sungit eh....'That's rude' I mouthed.

Nakangiting nilingon ko si leon na mukhang nag-aantay sa sasabihin ko. "I'm sorry leon," Nahihiyang sabi ko rito. "May sumpong kasi, eh." Pabulong kong sabi since medyo malapit rin naman siya sa'kin.

"It's okay patty." Ngiti nito. Tiningnan naman nito si adrian na nasa tabi ko. "Patty called me to come here...i hope it is okay with you pare." Nakangising aniya.

"Leon..." kumunot ang noo ko rito. Kita nang masama na ang timpla nang mukha ni adrian, eh. Gagatungan pa.

"You called him?!" Napapikit nalang ako sa tanong ni adrian. Halata kasi sa boses niya ang inis. Teka...Ano bang ginawa ko? "You really want him to go here, ha?"  Dagdag niya pa sa mapanuya at naiinis na boses.

Napakagat labi nalang ako. "I need him adrian..." Sabi ko.

"What the f*ck patricia?!" Singhal niya. "Nandito ako pero siya ang kailangan mo? Ano pala ako dito? Isang alagain? Walang kwenta at hindi mo na ka-kailanganin?"

"Adrian..."

"What? Ha? Kailangan ko na bang umalis rito para mapag-isa kayong dalawa?! Okay fine! I live you here with that asshole!" Nag-igting ang mga panga niya.

"Adrian!" Saway ko sa kaniya at di makapaniwala siyang tinitigan. Saan niya ba nakuha ang mga pinagsasa-sabi niya? And what the f*ck is his problem!

Magsasalita pa sana ako nang tapikin  ako ni sandy sa braso. "Patty...ako na ang bahala muna sa kaniya." Sabi niya.

Napailing nalang ako at tumango. "Mabuti pa nga sandy. Kung ano ano na kasi ang tumatakbo sa utak niyan, eh." Naiiling kong sabi.

"Great patricia. Just great!" He hissed.

Hindi ko nalang siya pinansin at inantay itong mailayo ni sandy sa'min. Ngayon lang siya naging ganito, napaka-childish at kung ano anong lumalabas sa bibig. He is not thinking straight right now.

'Tsk...get some air muna adrian' Sabi ko sa aking isip.

"I'm sorry." Sabi ni leon.

Tiningnan ko siya at umiling. "No. I'm sorry. Na-tyempuhan mo kasing bad trip si adrian, eh. Pag-pasensyahan mo na lang siya." Sabi ko.

"Parati namang bad trip iyon sa'kin mula nang dumating ako dito." Naiiling nitong sabi atsaka bahagyang natawa.

"Pag-pasensyahan mo nalang siya." Nahihiya kong sabi sa kaniya.

"Parati ko namang ginagawa iyon patty." Sabi niya atsaka bumuntong hininga at malungkot akong tiningnan. "Kayo na ba ulit? Kasi kung oo...ibig sabihin wala na pala akong pag-asa sa 'yo." Seryoso at may lungkot sa boses niya'ng sabi.

Natigilan ako at di nakasagot. Ano bang dapat kong sabihin? Alam ko kasing hindi ito nagbibiro ngayon base sa sinsero niyang pagtitig sa 'kin.

Mapait siyang napangiti nang hindi na ako makasagot. Inabot niya rin ang isang kamay ko atsaka ito hinawakan nang mahigpit. "It's okay. Hindi mo na kailangang sabihing basted na ako kahit hindi pa man ako nanliligaw sa 'yo. Just be happy patty. Iyon lang naman ang gusto ko." Sabi niya.

"Leon..."

Sinubukan niyang ngumiti kahit namumula na ang mga mata niya sa nagbabadyang luha. "I like you patty. I really do." Sabi niya. "I hope this time he'll keep you. And you deserve more than what the best in the world patty."

Nangingilid ang mga luhang napangiti ako. "T-Thank you leon....and i am sorry," Napahikbi ako. I'm sorry for hurting you.

"Liking you is my choice patty. At kailanman ay hindi ko iyon pagsisisihan." Sabi niya.

"Leon..." Tuluyan na akong bumigay at napayakap sa kaniya.

Just a friend.

Sabaw? Okay.
Tagal nang update? Busy.
Boring? Kdot.
Pangit? Di wow.

HahahaxD.

Patricia Laxamana 💯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon