Parang dati lang, tinataboy ko siya. Ngayon naman… Minamahal at mamahalin ko pa siya.

Napailing na lang ako sa mga naaalala kong ginawa ko dati. Unforgiveable but she sloves me anyway and I love her too. Fair.

Dahan-dahan naman siyang kumuha ng lakas sa mga kamay niya para makasandal sa kama niya. Kaya tinulungan ko naman agad siya.

Napatingin naman ako sa Orasan. Tanghali na pala.

Pinagmasdan ko muna siyang inaayos ang sarili kahit na medyo lutang pa dahil kakagising niya lang.

Napatingin siya sa Orasan at binalik din agad ang tingin sa akin. "Gutom ka na ba?" She said with a smile on her lips.

"Hindi pa. At saka kung nagugutom man ako, lalapitan kita. Kasi makita lang kita, busog na ako," I smirked "Pero gusto kong kumagat kahit sa labi mo lang. Para buong araw na akong busog." Sabi ko na Ikina-pula niya naman.

"H-heh!" Nasabi na lang niya sabay iwas ng tingin.

Natawa naman ako sa kinilos niya at dahan-dahang nilapit ang mukha ko sa mukha niya.

"Good Afternoon." I said as I kissed her lips fully. Bago ako humiwalay, kinagat ko muna ang lower lip niya.
Mga 5 seconds lang naman.

"Okay na, I'm full. Pwedeng mamayang Dinner din? Para literal na busog talaga ako." I showed her my satisfied smile.

The heck! Alam kong breezy na itong ginagawa ko, pero langya! Ang sarap sa pakiramdam! Lasang pag-ibig!

Ngumiti siya at napailing. "I-kain na lang natin 'yan, MBHB. Gutom lang 'yan." Aniya.

She raised her hands. Kaya naman lumapit ako sa kanya at yumuko. She wrapped her hands on my neck as I lift her like a bride—My Bride.

Ganito na ang gawain namin tuwing lunch at dinner. Pupunta kami sa Canteen kahit na hindi namin gusto ang mga pagkain do'n. Wala namang choice e. Maraming bawal sa kanya.

Binaba ko naman siya sa kalapit na Wheelchair at inayos ang kanyang dextrose.

"Thanks." Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

"You're very Welcome, MBHB." Sabi ko at hinalikan siya sa Noo.

Maingat na tinulak ko ang Wheel chair at lumabas na kami sa kwarto.

-----

Marami kaming nadaanan bago makapunta sa Canteen. Nadaanan din namin ang kwarto ni Gela. Sandali namang sumilip si Dessirie, nangungumusta. Gela is still Unconcious pero ang nakakapagtaka ay mabilis ang recovery ng mga sugat niya pati 'yung sprain.

Since that day, hindi na masyado nagsasalita si Ace. Ibang-iba sa Ace na nakilala kong maingay at makulit. Halos tumambay na rin siya magdamag sa kwarto ni Gela. Kung hindi pa siya pagsasabihan na umuwi muna, hindi siya gagalaw.

Nakiusap naman kami sa Agency na kung pwede bang I-move na lang ang schedule ng Concert next next week. Dahil nga sa dalawang babaeng pinaka-importante sa amin. Alam naman nila 'yon. Pati ng mga fans.

Simula rin kasi nang umalis si Dessirie at mapalitan ni Gela… tuloy ang dagsaan ng fans hanggang sa Ini-scout kami nung Agency. And we are about to release our next album.

Wala pa kami sa Wisyo ni Ace, hindi pa namin kaya and Gela is still unconcious. So, we can't practice. Kulang kami e.

Pabor lang din naman kina Michael at Jerie. They understand. And it seems like may kanya-kanya na rin silang lovelife. Namomroblema.

"Uy, MBHB, Ang lalim ng iniisip mo." Nakangusong sabi ni Dessirie.

Pinisil ko ang Ilong niya. "Don't worry, I'm Just Reminiscing some unforgettable memories."

Tumango lang siya at pumili na ng makakain.

Nang makapili na kami, dumiretso kami sa pinakadulong table.

"Thank you." Sabi ko sa staff na tumulong sa pagdala ng tray namin ni Dessirie.

"No problem." Tipid na sabi nito at nilapag na ang tray sa table.

Muli ko namang binuhat si Dessirie para makaupo siya sa mahabang upuan. Tinabihan ko siya.

"Subuan na lang kita." Sabi ko sa kanya.

Hindi ko na siya hinintay na magsalita dahil hindi na kailangan pa.

Sa lahat nang gagawin ko para sa kanya, nagkukusa na lang ako. Ayokong nasasayang 'yung energy niya kaya hanggat maaari ako ang kikilos. Kasi kapag napagod siya, nanghihina siya at matutulog na lang.

E, kung matutulog siya. Paano naman ako 'di ba? Hindi ko siya makakausap at makakakulitan kapag ganon. In-explain ko naman sa kanya at naintindihan naman niya 'yun.

Okay nga lang sa kanya, kasi chillin' na lang daw siya.

Nang matapos kami kumain ay nag request siya na pumunta kami sa Rooftop. Okay lang naman kahit tanghaling tapat kasi covered naman. Kaya hindi kami mabibilad sa araw.

Pagkarating namin doon. Mahangin. Pumunta kami sa isang bench at gaya kanina binuhat ko siya. Naka-kandong siya sa akin habang nakapulupot ang isang kamay niya sa baywang ko. At ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa akin. Inangat ko 'yon at hinalikan.

Napasandal naman siya sa Dibdib ko at huminga nang malalim.

"Sana gumaling na ako. Para makapag-date na tayo sa labas." Seryosong sabi niya.

"Don't worry. Gagaling ka. Just believe in Him." Determinadong sabi ko sa kanya.

Totoo naman e, Just Believe in Him. Because He can make the Impossible things to Possible. Kahit na puntahan ko ang bawat Simbahan at magdasal na gumaling na si Dessire, Gagawin ko talaga. Gusto ko na kasing lumabas kasama siya. 'Yong walang pipigil at walang hahadlang. 'Yong kaming dalawa lang.

"Sana nga, MBHB. Sana nga..." Paos na sabi niya at tumingala sa kalangitan.

Kaya napa tingala ako. Pinipigilan kong 'wag lumabas ang mga luhang nagbabadyang lumabas kanina pa.

Ang bigat lang kasi sa pakiramdam. Nahihirapan siya, kaya nahihirapan din ako. Kailangan maging matatag ako para sa amin. Para maging matatag din siya kapag nakikita niyang lumalaban din ako, dapat lalaban din siya.

I need to be strong—No, I want to be strong for the both of us.

Kasi hindi ko alam kung hanggang saan ba itong pagsubok na binibigay sa amin. Basta ang alam ko lang, kailangan namin itong lampasan.

I love you, Dessirie… so much. Kaya natin ito.

🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍎🍽🍽🍽🍽🍽🍽🍽🍽🍽🍽🍽🍽🍽🍽🍽📸📸📸📸📸📸📸📸📸📸📸📸📸📸📸📱📱📱📱📱📱📱📱📱📱📱📱📱📱📱

Happy Sad note:

While typing this Chapter. Naka-earphones ako lels. First time. Taylor Swift and Avril Lavigne 💪.

Kaya medyo sabog din ang POV ni Yohan kasi nakikinig ako sa Music. HAHAHA. Langya. Ang bigat, Yohan. Bigat sa pakiramdam.

Kung na-boringan kayo sa Chapter na ito… well... Ginusto kong maging Light ito. Kasi tingin ko sa mga next chapters mahihirapan na talaga ako—us guys. Malapit na kasi. *tears of joy*

Suggest ko lang, Tissue or towel, handa lang. Pero kung hindi ko kayo napaiyak. Then, Mission failed. Lack of emotion. Hays. 😓

Actually, shotgun update lang ito.
Wala sa plano. Wala sa Story map.
Kaya (medj. Boring) but still nag paramdam ibang characters. Ang plano dapat dito e— secret. LT sana kaso mas okay kung pa-mystery pa.

Proofreading pa. For typos.

06/03/17
Saturday
3:40AM

(Matutulog pa lang ako hehe)

I Miss Her (#AAA2017)Where stories live. Discover now