Chapter 4: Precious meets Raynier

Start from the beginning
                                    

Pipi ba sya?

Hindi ba niya ako naririnig?

E bakit nag-react siya nung tinatong ko sya nung una?

Tumayo siya. Lumapit sa akin. Kinaway-kaway niya gamit yung isang kamay sa harap ng mukha ko.

"Nakikita mo ako?" Oo naman. Mahina lang katawan ko pero nakakakita ako. Ano bang problema nito? Ginamit na niya yung isa pang kamay at patuloy sa pagkaway sa harap ng mukha ko.

"Hindi ako bulag. Baliw ka ba?" Napaupo siya sa sahig na parang hindi makapaniwala.

"Kung ganon hindi pala ako nagkakamali? Kala ko imagination ko lang na nakatingin ka sa mga mata ko. Tapos nagtanung ka pa kanina. Grabe nakakabigla talaga." (^_^) Bigla siyang ngumiti at umayos na ng upo sa sahig.

May topak ba itong lalaking ito?Mas nakakabigla kaya pinagsasabi niya.

"Bakit ka na naman naka busangot? Ayaw mo bang nandito ako? Sabagay sino nga ba naman ako para manatili dito? Uhm, sige alis na ako." Wala naman akung sinasabi ah? Tumayo na siya at naglakad papuntang terrace. Bubuksan na niya yung pinto palabas.

"Te-teka." Hindi na niya itinuloy ang pag bukas sa pinto. Lumingon siyang nakangiti. Muli siyang naglakad palapit sa akin.

"Pwede ba akong umupo sa kama mo? Dito lang ako sa dulo tutal malaki naman ito." Tumango ako kaya ayun, nag-indian seat na naman siya malapit sa may paanan ko. Nakangiti pa rin siya.(^___^)

Ano kayang nararamdaman niya para makangiti ng ganoong kalapad.

"Hindi ka ba natatakot sa akin?" Umiling ako. Hindi naman siya mukhang monster para matakot ako. Sa totoo lang ang ganda niyang lalaki. Meron syang maaamong mga mata at matangos na ilong. Pinkish yung lips nya at may makinis na kutis pa.

"Hindi ka ba natatakot sa baka may masamang mangyari sa iyo? Ngayon mo lang ako nakita. Hindi rin naman ako sikat na artista o anu pa para makilala mo. Tapos lalaki ako at babae ka. Hindi ka ba nahihintakutan o kinakabahan?" Asan ba kaya yung horror dun?

Precious [Short / COMPLETED]Where stories live. Discover now