Taldor

6.1K 398 100
                                    

Happy new year! Nakalimutan ko i-publish kagabi dahil nakatulugan ko. I pray for everyone's happiness and success this 2021! Let's all claim that this year will be ours to slay!

Dedicated to fallfallenlost!!

**

"I'm gonna cry. Why does she look like she's dying?" Malungkot na tinignan ni Iraia ang kaibigang nakaratay sa kama.

"Magtigil ka nga, alitaptap." Saway ni Veton na naka-unan ang ulo sa gilid ng kama ni Luna.

"Nakakapagtaka lang. She's supposed to be better by now." Dagdag nito.

"No matter how strong she is in your eyes, don't forget that her vulnerability's at the same level." Nilingon nila si Lady Doreena at binigyan ito ng daan para makalapit sa dalaga.

Tahimik na sinandal ni Sefarina ang ulo sa balikat ni Iraia nang tumabi ito sa kanya. Napapikit siya matapos simulang haplusin ni Iraia ang kanyang pisngi na tila pinapagaan ang kanyang loob. 

"Don't worry, love. She'll be okay."

Agad na napunta ang atensyon nila sa makinang nakakonekta sa katawan nila matapos itong maglikha ng maingay at nakakarinding tunog. 

Kapwa napatayo ang lahat na tila nagpapanic na sa nangyayari.

"Luna!"

Bago pa sila tuluyang makalapit, mabilis na nagsiharangan ang mga deltas sa kanilang daan para pigilan sila. Kamuntikan ng magpumiglas si Sefarina kung hindi lang siya napatigil sa nakita. 

Ang kamang hinihigaan ni Luna'y nagsimulang mabasa dahil sa katubigang lumalabas mula sa katawan ng dalaga. Ang ulo nito'y palipat lipat sa kaliwa't kanan habang impit na napapaungol dahil sa sakit.

"No one's allowed to come near!" Anunsyo ni Lady Doreena habang nagmamadali sa pag-kontrol sa joule ng dalaga.

"At least tell us what's happening!" Panic na sigaw ni Sefarina'ng pilit kumakawala sa hawak ng dalawang delta.

Bago pa siya tuluyang makawala ay agad na siyang binalot ni Arrow sa loob ng braso nito. Mahigpit nitong sinaklop ang kanyang bewang at pinirmi siya. 

"Let's go." He whispered to her.

Nanatili ang tingin niya sa kaibigan kahit na sinimulan na siyang igaya palabas ni Arrow. Palagi niyang ipinoproklama sa lahat ang pagiging mag-best friend nila pero bakit nga ba ni kumustahin si Luna, hindi niya nagawa? 

Kung sana'y mas pinagtuunan niya ng pansin ang kaibigan, naagapan sana agad ang kondisyon nito.

"Sefarina." Rinig niyang tawag ni Arrow sa kanyang atensyon matapos niyang maramdaman ang paglapat ng kanyang likod sa malamig na pader.

"Come here." Sefarina felt a cold hand held her nape as she landed on something hard.

Hindi pa man din nakakalipas ang isang segundo'y parang may sariling buhay ang kanyang mga luha na sunod sunod na nagtuluan.

Unti-unting lumakas ang hikbi niya hanggang sa tuluyan na siyang humagulgol sa dibdib ni Arrow na ang tanging ginawa ay marahang tapikin ang kanyang likuran. 

Every time something big happened to Luna, she knew it was more than just danger, because death had always been her enemy. That's why she can't help but worry, because each passing day could be Luna's last.

It's the worst.

"Sef!"

Mabilis na napabitaw si Sefarina kay Arrow nang lumabas si Luna mula sa loob. Nanlalaki ang mata niya matapos makita ang pag-agos ng dugo mula sa braso ng dalaga.

DovetailDonde viven las historias. Descúbrelo ahora