Renvela

6.7K 429 102
                                    

Medjo late na na-publish 'to, sorry na. I hope you enjoy reading this chapter!

Dedicated to MarkusJuan!! Thank you for supporting my works :>

Don't forget to play the multimedia above :)

**

Masama ang loob ni Luna'ng sinundan ang mga kaibigan niyang halimaw sa lakaran. They've been walking for hours now yet, hindi pa rin sila nakakarating sa palasyo. At mukhang siya pa lang din ang inaatake ng gutom.

Sa bagay, may oras bang hindi siya nagutom?

"Luna, malapit na tayo. Endure it a little longer." Paalala ni Iraia na ikinairap niya.

"Utang na loob, pang-anim na beses ko nang narinig 'yan." Reklamo ni Luna at inayos ang pagkakasabit ng kanyang bag.

Iraia sighed with a warm smile on her face. "Come here, love."

Luna protruded her lower lip and marched like a kid towards Iraia. The latter caressed her face before tapping the tip of her nose, creating a mild explosion of dust on her face.

"Iraia!" Reklamo niya matapos bumahing.

Iraia giggled and pinched her cheeks. "Calm down, sweetheart. Konting tiis na lang, okay?" Wala naman siyang nagawa kung hindi ang tumango.

"We're near."

Lumiwanag ang kanyang mukha at napatakbo sa tabi ni Master Kreme na nasa dulo. Si Master Laidre kasi ay nasa harap, ang sinusundan nilang lahat.

"Talaga, Master?" Ngisi niya kay Master Kreme na binigyan siya nang mapanuring tingin.

"Apat na oras pa lang tayong naglalakad, mahal na prinsesa. Kung sasabihin mong hindi mo na kaya, paliliparin na lang kita." Nanlaki ang kanyang mga mata nang kamuntikan na siyang umangat mula sa lupa kung hindi lang siya mabilis na napayakap sa puno-- thanks to her reflexes.

"Master, hindi ako pagod! Gutom ako, gutom!" Tanggol niya sarili at hinigpitan ang pagkakakapit.

She heard some laughters before her Master finally let her go. Agad siyang tumayo ng tuwid na parang walang nangyari at pinalinsikan ng tingin ang mga kaibigang nag-eenjoy siyang panoorin.

"Masaya akong masaya kayo." Tango niya sa mga ito.

"Malapit na nga kasi tayo, Luna bear." Tumatawang pag-uulit ni Veton.

Inirapan niya ito at hindi na pinansin pa. 

She stopped when she became aware of a familiar ambience. When she saw the thresold of the palace—her home—her breathing became unstable.

In between the two flanking towers, a circular symbol was embedded. It features a square and a diamond that overlap with scripture symbols and strokes. Inside was a pyramid, and within that was an inverted pyramid.

Different lights glowed on each end of the triangles as they slowly formed lines that connected themselves while rotating. 

Upon the formation of a six-sided star, the gates to the palace were opened.

"Anong pakiramdam?" Nilingon niya si Sefarina na napakalapit ng mukha sa kanya.

Lumayo naman si Luna. "Ano?"

"Bahay mo 'yan oh." Anito sabay nguso sa palasyo habang humahagikgik.

She was at a loss for words. Everything that is happening to her is beyond anything she could have imagined or hoped for.

DovetailWhere stories live. Discover now