Amara

7.5K 597 297
                                    

Flashbacks ahead :)

Dedicated to csbang_07. Sana ma-enjoy mo 'tong chapter na 'to hehe. Thank you for reading at sa walang sawang pag-vote!

Enjoooooy!

Play the multimedia above while reading :)

**

Luna.

"Bata, hala! Ayos ka lang ba?" Tanong ng babae kong nakabungguan.

Mabilis akong umiling habang mahigpit ang kapit sa hubad kong katawan at tahimik na humihikbi.

Agad niya akong sinuotan ng damit at pinaupo sa kanyang tabi, nandito kami ngayon sa isang kainan na may komportableng upuan at malamig din ang buong lugar.

"Oh, eto. Kumain ka na muna." Gustuhin ko mang abutin iyon ay hindi ko magawa.

Napansin niya atang nanginginig ako kaya siya na mismo ang nagsubo sa akin ng pagkain hanggang sa maubos ko 'yon, binigyan niya rin ako ng maiinom at isa pang pares ng damit.

"Anong pangalan mo?" Nakangiti niyang tanong matapos akong mapunasan.

"L-Luna..."

That night turned into a new morning, a new beginning. That woman helped me, clothed me, fed me and gave me home.

"Wala ka ba talagang apilyedo? Para mahanap natin ang mga kamag-anak mo." Nagkibit balikat ako.

Gabi nang magising ako sa mundong ito ng walang kamuwang-muwang. Ang maliwanag na buwan ang sumalubong sakin na tila niyayakap ang buong pagkatao ko.

Mapait akong napangiti nang mas lalong tumingkad ang liwanag na nilalabas nito.

"Quick! Take a picture of the Luna!"

Ang tingin ko'y napunta sa grupo ng mga kabataan na hindi magkamayaw sa paglabas ng mga umiilaw na hawak nila para itapat sa buwan.

Luna...

Dahan dahan akong bumangon at nagsimulang maglakad. Ang mga mata ko'y naging malikot habang pinagmamasdan ang mga maliliwanag poste ng ilaw at ang mga matatayog na gusali.

Simula noong gabing 'yon, kinilala ko na ang sarili ko bilang Luna. Tanda na 'yon ang nagbigay ng lakas loob saking bumangon.

"Hmm..." Napaisip siya habang nilalagyan ng pagkain ang aking pinggan.

"Right!" Aniya na tila may naalala.

"Ako si Millienne, tawagin mo na lang akong Millie." Pakilala niya at pinisil pa ang pisngi ko.

"Ako si Luna pero hindi 'yan ang tunay kong pangalan." Pag-aamin ko.

Nawala ang ngiti niya sa labi at naaawa akong pinagmasdan. Hindi na siya nagtanong pa at nag-kwento na lang ng mga bagay na seryoso kong pinakinggan.

"Simula ngayon, mag-aaral ka na riyan." Malambing niyang sabi habang nakaupo sa harap ko.

Tinignan ko ang mataas na gusaling tinuro niya na may malalaking mga letra kung saan nakasulat ang pangalan ng eskwelahan.

"Hindi kita mababayaran..." Saad ko ngunit nginitian niya lang ako.

"Hindi naman mahalaga 'yon, Luna. Basta pagbutihin mo ang pag-aaral mo, higit pang kabayaran 'yon." Paalala niya sakin at kinurot ang pisngi ko.

Tumayo na siya at hinawakan ang kamay ko bago kami pumasok sa loob ng gusali.

"Luna, pasensya ka na. Ililipat na lang muna kita ha?" Ginawaran niya ako ng malungkot na ngiti at niyakap ng mahigpit.

DovetailHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin