Celebration

8K 496 201
                                    

Be mindful na 40 chapters lang ang Dovetail :)

Dedicated to _Luuunnnaaaa, ang reader na lagi kong napapansin hahaha. Thank you for continuously supporting my works! Enjoy reading!

**

Luna rolled as she felt her body fell on the floor, creating a loud thud.

"Fucking fuck." Naalimpungatan niyang ani at napahawak sa likod niya.

Nakapikit siyang bumangon bago muling binagsak ang katawan sa kama.

Kama?

Mabilis siyang napabangon na tila nagpa-panic at nilibot ang paningin. Napahinga siya ng maluwag nang makitang nasa loob siya ng kanyang kwarto.

Sinilip niya ang orasan at napaungol sa inis dahil 7 pa lang ng umaga!

Sa pagkakaalala niya, inabot silang girls sa balcony hanggang 4 ng madaling araw. Masaya nilang pinanood ang buwan at nagkaroon pa ng instant meteor shower kaya mas lalo silang hindi nakatulog.

At dahil hindi na rin naman na siya makakatulog dahil nagpaparamdam na ang tiyan niya, naglinis na lang muna siya ng katawan bago tamad na bumaba para hanapin ang mga kaibigan sa kusina.

"Good morning, Luna."

"Morning." Bati niya kay Pream na ngayo'y nagpupunas ng basang buhok, mukhang kaliligo lang din nito.

Hinagis niya ang katawan sa sofa bago muling humikab.

Bakit ba kasi kayang kaya niyang tiisin ang antok samantalang ang gutom, hindi? Kaya siya nasasabihang patay gutom nila Sef eh.

"Where are the others?" Inaantok niyang tanong.

"Well, ako ang naka-assign magbantay sayo ngayon kaya exempted ako sa mga gawain."

Inangat ni Luna ang ulo para makita si Pream na nakangising kumakain ng mansanas. Halata mong natutuwa ito dahil nakaligtas siya sa trabaho nilang Pharaohs.

"Magbantay? Sa'kin?" Nagtataka niyang tanong at tinuro pa ang sarili.

"Luna, pumayag man ang hari na makalabas ka, you're still under observation. And please, you don't want to feel the wrath of that half-blood, do you?" Hinga nito ng malalim at napailing na lang.

Right.


"Luna."

She stilled and welcomed the man who's casually leaning on the wall. Binigyan niya ito ng alanganing ngiti at mahinang kumaway.

"I'm alive." Biro niya rito na mukhang hindi naman nagustuhan ng binata.

Napairap naman siya at bumangon mula sa pagkakahiga. Gumapang ito papunta sa dulo ng kama bago dumapa roon para makaharap ang binata.

"Nasaan sila?" Iba niya sa usapan nang mapansing wala ang kanyang mga kaibigan.

"Are you okay?"

Natigil ang paa niya sa paggalaw bago napakurap ng ilang beses. She wasn't expecting that pero dahan dahan pa rin niyang tinango ang ulo niya.

DovetailWhere stories live. Discover now