Time

5.5K 411 278
                                    

Wag niyo akong aawayin after reading this chapter ha? :>

Dedicated to shinjangnim!! Maraming salamat sa pagmamahal at suporta!

**

Nang marinig ang pagsarado ng pinto ay parang mga chismosang nagsipagtakbo ang Pharaohs para idikit ang kani-kanilang mga tenga roon.

"Sino ba yung pumasok?" Takang tanong ni Pream habang nakakunot ang noo.

"Si pareng bro?" Patanong na sagot ni Veton kaya napingot siya ni Iraia.

"You do know that Dame's been locking himself inside his room, right?" Pabulong nitong singhal na sinangayunan ng mga chismosa.

"Paano na si Luna lang?" Kabadong ani Sefarina sa sarili sa takot na maiwang mag-isa ang best friend niya.

"Why am I even here?" Bagot na tanong ni Enfys na nakasalampak sa lapag habang nasa ibabaw niya ang apat niyang kaibigan.

Humikab naman si Arrow na nakasandal sa tabi ng pinto at sinegundahan ang hinanaing ni Enfys.

"Do we have a choice?"

Parang tangang nagsipagbungisngisan ang apat at napapalakpak pa na parang tuwang tuwa na nahatak nila ang dalawa sa pinakamatitino nilang kaibigan.

"Shh." Pagpapatahimik ni Iraia sa kanila nang makarinig ng mga boses sa loob ng kwarto ni Luna.

It has been a day magmula nang matuluyan nila si Armour pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpapakita si Luna after they went straight to the academy. Pansamantala muna kasing aayusin ang palasyo kaya kahit ang hari at ang mga nakatira sa Renvela ay nandito.

"Your Majesty, let's give her time to process things." Rinig nilang suhestiyon ni Lady Doreena na siyang nagbabantay kay Luna.

"How's her co—"

"Aray ko, putangina naman. Bakit nananakit?" Malutong na mura ni Veton nang makaramdam ng sakit mula sa kanyang balikat.

"Bro, 'wag kang maingay." Pigil ni Pream sa kaibigan na ngayon ay halos nakasakay na sa likod ng binata.

Nakangiwi namang nagmura si Veton pero wala ring nagawa dahil baka marinig sila sa loob, mayari pa silang lahat.

"Should we ju—"

Lahat sila'y napatigil sa kani-kanilang ginagawa ng tuluyan na ngang bumukas ang pintuan at hindi sinasadyang makipagtitigan sa hari na natigilan din nang makita sila sa ganoong posisyon.

Without thinking twice, nagkanya-kanya silang takbo papaalis doon at hindi na inalala pa ang mga kaibigang naiwan.

"I'm terribly sorry for their attitudes, King Luous." Pigil tawang paumahin ni Doreena sa hari na napangisi sa tinuran ng mga ito.

"It's alright. I know that they're just concerned for their friend." Malungkot na ngumiti si Luous bago muling sinulyapan ang natutulog na anak at nilisan na ang Teadra.

Unti-unti namang sumilip ang mga Pharaohs mula sa pintuan ng kanilang mga kwarto at nang makitang nakaalis na ang hari at ang kanilang Lady ay nagsipagbalik sila sa kanilang pwesto.

DovetailWhere stories live. Discover now