Unconscious

11.9K 655 196
                                    

This will be my second update for today. I hope you enjoy!

Dedicated to ArizaHodrial. Thank you for tuning in! Buckle up and enjoy the ride, honey!

**

"Is she alright?" Agad na tanong ni Sefarina nang makalabas si Lady Doreena mula sa kwarto ni Luna.

"What happened this time, Pharaohs?" Anito sa seryosong boses.

Nagkatinginan sila na para bang tinatanong ang isa't isa kung dapat ba nilang aminin ang nangyari.

"It was Armour. He wants her dead." Dire-diretsong sabi ni Dame na ikinasinghap nila.

"What?!"

"The fuck?"

Nilingon ni Lady Doreena ang kwarto kung saan ngayo'y nagpapahinga si Luna bago binaba ang clipboard nitong hawak. Winaksi nito ang kamay at kaagad lumabas ang joule sa tabi nito.

Pinanood ni Sefarina kung paano iyong kinontrol ni Lady Doreena gamit ang kanyang daliri hanggang sa lumabas doon ang scan ng buong katawan ni Luna. 

She zoomed in to her head kung saan may mga itim na linyang nakapalibot doon. It's as if something dark literally contaminated her brain.

"I'm not sure when or how it happened, but he appears to have tainted Luna."

Ginalaw nitong muli ang kamay kaya gumalaw rin ang katawan ni Luna na nasa joule. This time, nakita nila kung paano unti-unting kumakalat ang itim sa ugat ng katawan ni Luna.

"You see those? Hindi ko pa masabi kung ano ang epekto niyan because I still have to talk to Luna to confirm my theory." Binilugan nito ang mga itim na nagmistulang tinta.

"Holy-"

"Can it be removed?" Nag-aalalang tanong ni Iraia.

"I don't know, Iraia." She answered honestly.

Binalik ni Lady Doreena ang tingin sa joule at tinuro ang kanyang mga binilugan. "Looks like it started from her body until it slowly reached her brain. Sigurado ba kayong hindi siya nagsabing masakit ang ulo niya? Not even once?" Paninigurado niya.

"Yes, Lady."

"She's always in her usual self. Maingay, palamura." Ngiwi ni Veton.

Ang pagtango ni Lady Doreena ang nakapagpasikip lalo sa dibdib ni Sefarina. Even her... she knows that Luna's pain tolerance is something.

"She's brave. You see, our bodies are different from a mere mortal. May mga ugat silang wala satin and same goes with them."

"Luna's situation's a bit complicated. Hindi lang ang katawan niya ang apektado kung hindi pati na ang utak niya and one possible effect of it is her head breaking."

Napaubo si Veton na agad hinampas ni Pream ang likod. "Tangina ka, masakit!"

"I mean it literally." Dagdag niya.

Natahimik naman sila at hindi malaman ang sasabihin. Gano'n ba kalala ang nararamdaman ng kaibigan nila nang hindi nila nalalaman?

"May mga instances bang nangyari na 'to dati? I mean, her passing out because her head hurts?" Agad naman silang nagsi-ilingan.

"I've been with her since day 1 pero kahit isa wala naman siyang sinabi. I'll probably never knew that she's hurting kung hindi pa 'to nangyari." Ani Sefarina habang pahina nang pahina ang boses.

Ngayon lang niya na-realize na baka nagkulang siya bilang best friend nito. Hindi ba niya ito nakakamusta? Hindi ba niya natatanong kung okay lang ba siya?

DovetailWhere stories live. Discover now