Voices

6.8K 492 253
                                    

Forgive me for the delayed updates. Acads break namin last week pero sobrang daming binigay na requirements kaya I had no time. Also, kagabi ko sana 'to ip-publish kaso nakatulog ako.

Enjoy reading!

Dedicated to csbang_07 thank you for reading and patiently waiting!

Dedications are still open. Feel free to vote, comment or even message me :)

**

Luna.

"I'm bac-"

Bakit walang tao? Akala ko pa naman din ay sasalubungin nila akong lahat sa loob ng Teadra lalo na't tatlong araw rin akong nawalay sa kanila.

"Tinakwil na ba nila ako?" Kabado kong bulong.

Kunot noo kong binaybay ang bridge habang panay ang linga. Malay ko ba kung may klase lang sila o kaya nama'y pagala-gala lang sa tabi-tabi. Maybe they're out on a mission?

Right. I should ask my Masters.

Sa kagustuhang makarating agad sa opisina nila, kamuntikan ko nang makaharap ang lapag kung hindi lang ako nahatak patayo ng kung sino man.

"Careful."

Dumiretso ako ng tuwid nang makilala ang boses niya at taas kilay na pumamewang sa harap ni Damien.

"Kaya kong tumayo-" Kumunot ang noo ko.

"Is that blood?" Tukoy ko sa pulang likido which is visible on the badge wrapped around on his left arm.

He blinked.

I frowned and crossed my arms. "Kanino ka na naman nakipag-bardagulan?"

Hindi nagbago ang reaksyon niya kaya napairap na lang ako. Para namang hindi pa ako sanay sa pagiging tahimik niya kahit na alam niyang kinakausap siya?

Katulad nga ng sabi ko, hindi ko siya pipilitin.

"Where are they?" Bago ko sa usapan at tumingkayad para sumilip sa kanyang likuran.

Again, wala akong nakuhang sagot. Instead, he turned his back on me as he began walking. Mabilis akong tumalima at napatakbo para makasunod sa kanya.

I made a face. "Sungit."

Wala naman akong nakuhang sagot kahit na paulit-ulit kong pinarinig sa kanya ang panglalait ko. My brows furrowed when we stopped in front of the infirmary.

"Sinong nabugbog bukod sayo?" Ani ko at pumasok na sa loob.

"-- called me, Kreme. The kids almost got killed and you're telling me that they're just supposed to clean the area?"

Napatigil ako sa akmang pagsigaw nang maaninag ang dalawang Master na kasalukuyang magkaharap at nagtatalo. "It wasn't my decision to make, Laidre."

"You can always say no, Kreme! You know how deadly that place is!"

Napaigtad ako sa gulat sa biglaang pagsigaw ni Master Laidre. What the hell is happening?

Dahan-dahan akong lumapit kay Damien at sinitsitan siya. "Anong chismis?" Bulong ko.

Kailan ba ako madadala? Wala ulit akong nakuhang sagot sa kanya kaya nakinig na lang ako sa sumbatan ng dalawang Master ko.

"That's why I was there to lend them a hand! Don't question my decisions, Laidre." Matigas na sagot ni Master Kreme na ngayo'y seryoso na ang itsura.

DovetailWhere stories live. Discover now