Message

8.8K 486 73
                                    

Hi! Sorry, late update na naman hahaha. I tried my best to publish this as early as I can lalo na't ang daming readings plus masakit din ulo ko. Nevertheless, here's the new chap! Enjoy!

**

Tyler ducked as he blocked Lithus' incoming attack. Gumulong naman ang binata bago nagpalabas ng metal spikes na hindi naiwasan ni Tyler. The latter groaned as he tried to heal his wounds while creating a sraya.

"Oh... so bloody." Rinig ni Luna'ng puri ni Iraia habang naglalakad silang mga babae papunta sa kinauupuan ng mga lalaking Pharaohs.

Mabuti na lang at may daanan sa gilid kaya hindi nila maiistorbo ang mga estudyanteng abala sa panonood.

"Are we late?" Salubong ni Sefarina na ikinangisi niya lalo na nang makita ang pag-irap ng mga lalaki.

"They're the last pair, you witch. Sana masaya kayong iniwan kami rito."

Nagkatinginan naman silang apat at mga bumubungisngis na naupo sa tabi ng mga lalaki. It has been a week simula nang mag-stay sila sa Renvela at ganon na lang rin kabilis natapos ang maliligayang araw nila.

"Excuse me, galing kami ni Iraia sa Hanada. Kaya kung mag-iinaso ka lang dyan, lumayo layo ka na sakin dahil baka hindi kita matantya at tuluyang mandilim ang paningin ko sayo." Masungit na sagot ni Luna at padabog na dumekwatro.

"Bakit ka nagagalit?! " Nagtatampong sagot ni Veton na hindi na niya pinansin.

"Kagalit-galit ka naman talaga." Mahinang singhal ni Iraia bago nakangiting nag-flying kiss sa tatlong lalaki.

"Wow." Hindi ito mapakaniwalang hinarap ni Veton. "Who you?"

"Enough." Mabilis na pigil ni Enfys bago umupo sa bakanteng upuan sa gitna ni Veton at Iraia.

Si Pream naman ay agad nang tumayo bago pa mapaalis sa tabi ni Arrow nang makitang papalapit na si Sefarina. Nakangisi namang umupo roon ang dalaga na kinindatan ang binata na ikinailing ni Luna.

Lumipat siya sa kaliwa ni Dame na umurong para mapaupo si Luna sa kanan nito. Well, more like pinalayas ni Luna.

"You should rest." Sakto namang humikab si Luna nang magsalita ang binata.

Luna rolled her eyes and turned her gaze to the guys he had just met for the first time. Lithus is attempting to rebalance himself as a result of the impact of Tyler's attacks.

Lithus has control over metal, whereas Tyler has control over electricity.

"Pogi, tingin mo alam nila ang salitang 'yon?" She taunted in a flat tone.

"Pogi? Who?"

Nilapat ni Luna ang kamay sa pisngi ni Iraia at marahang tinampal para mabalik ang tingin nito sa harap. Kapag usapang pogi talaga, sila ni Sefarina ang laging nangunguna.

"Going back." Hinarap niya si Dame na diretso lang ang tingin sa naglalaban.

"They've been non stop sending me to missions! I can't even say no kasi wala rin naman akong choice." Pagmamaktol niya at padabog na sinalampak ang katawan sa upuan.

"Omo." Gulat siyang pinaharap ni Iraia sa kanya bago hinawakan ang pisngi nito.

"You noticed that too?!" Gulat nitong tanong.

"Ever since you know..." Minuwestra ni Iraia ang ulo na tila may nakapatong na korona bago siya tinuro.

"Lalo ka atang pinapatapon ni Senor Grandeur sa kung saan!" Bahagya pa nitong pinikit ang nanlalaki nitong mata at napapaypay sa sarili gamit ang kamay.

DovetailWhere stories live. Discover now