"Ano 'to?" Kuryoso niyang tanong.

"Your emblem, Your Highness. That is an indication that you are a member of one of the most powerful royal families in the realm."

Marahan siyang napanguso habang dahan dahang tumatayo. No wonder why the usherette is still kneeling.

She must have thought she had offended her.

"Lucas, nasaan na si Luna?" They both turn to Millie who's wearing a floor length dress in the shade of ash gray. 

"Luna..." Matagal itong napatitig sa kanya habang unti-unting namumuo ang luha sa mata.

"Hi." Simple niyang bati at saglit na ngumiti.

Masuyo namang ngumiti si Millie bago minuwestra ang daan. "Allow me to escort you." Saad nito.

Hinawakan ni Luna ang dulo ng gown niyang lumaladlad habang naglalakad papasok. Ibang daan ang tinuro ni Millie kaya sigurado siyang dadalhin siya nito sa kanyang ama. Naging malikot ang kanyang mata habang humahakbang sa hagdan na tago sa mata ng mga bisita.

Her eyes darted on the picture frames hanging on the wall. Ganon na lang ang pagkabuwal niya sa gulat nang gumalaw ang mga ito.

"Your Highness!"

Mabilis siyang itinayo ni Lucas na nasa likuran lang niya. Hindi naman nawala ang tingin niya sa mga litrato na tila inuulit ang mga nangyari bago iyon makuha.

"Are you okay, Luna?" Alalang tanong ni Millie.

Nang hindi ito sumagot ay tinignan niya ang direksyong pinagmamasdan nito.

"Recordia litrato." Napalingon sa kanya si Luna.

"It is what you think it is, Princess. Those were the behind the scenes before the photos were actually taken. Made to preserve memories."

Luna blinked a few times, halatang mangha sa lahat ng nakikita.

"We should go."

Tumango na lang siya at maagap na sumunod. 

Ilang pasikot sikot ang dinaanan nila bago makarating sa tapat ng isang silid. Nakangiwi niyang pinanood ang apat na kawal na lalong naging alerto nang makita sila.

Nalimutan niyang isa nga palang hari ang ama niya kaya normal lang ang ganitong mga sitwasyon.

Naglakad papalapit sa pinto si Lucas at binuksan iyon, akala niya nga'y haharangin nila ang lalaki ngunit hinayaan lang nila ito.

Tahimik niyang hinakbang ang paa nang maramdaman ang bahagyang pag-angat ng dulo ng kanyang gown. Bahagya siyang lumingon sa kanyang likuran at nakita si Millie na abala sa pag-alalay sa kanya.

Ophiluous welcomed her sight who's getting ready to wear his all white exquisite attire. His face is clean, he probably shaved. His hair's pomaded, combed back around the sides.

Her father no doubt slayed his slick back hairstyle.

"Papa."

Agad sumilay ang malaking ngiti sa labi ni Ophiluous na pinatigil ang mga Hana na umaasikaso sa kanya para salubungin ang anak.

Luna giggled like a kid as the king engulfed her into a bear hug. "Happy birthday, papa! Tumatanda ka na talaga." Biro niya at kumalas sa yakap.

"I am but I don't look like one, sweetheart." Ngisi nito at kinurot ang ilong ni Luna.

DovetailWhere stories live. Discover now