Chapter Fourteen

4.5K 81 4
                                    

Chapter Fourteen: “PauLyssa’s First Date ”

Paul's POV

Nga pala, dinala ko naman si Aya sa isang Mango Farm sa may Antipolo. Ewan ko ba at ito agad ang unang pumasok sa isip ko.

"Wow! Ang daming mangga!! Sarap!" excited na sigaw naman nya kaagad habang pinaikot ikot ang tingin sa paligid.

“Tara Harvest na tayo?” natutuwang tanong ko naman sa kanya.

“Pwede?”

“Oo naman. Kakilala ko yung may-ari kaya ayos lang.” sagot ko naman.

“Uwaa! Lucky!” masayang sabi niya sabay takbo sa isang puno na hitik sa mga bunga.

Nagtulungan kaming dalawa sa pagha-harvest ng mga mangga. Ako ang taga-hatak at siya naman ang taga-salo. Actually, Hindi ko din akalain na mag-eenjoy ako ng sobra sa simple naming ginagawa.

“Hey hey, Isipin mo. Pano kaya kung nasa Farmville ka tapos lahat ito iha-harvest mo ng mano mano? Astig yun diba?” ani Aya sabay tawa.

“Grabe naman. Masyado namang torture yun tapos mag-isa lang ako? No way. Dapat kasama ka rin!” sagot ko naman sakaniya.

“Uh uh.” iling niya sabay ngiti sakin. “Asa ka pa. Magdusa ka mag-isa.”

Tumawa lang siya na parang ang dami niyang ikinatutuwa ngayon at syempre heto naman ako, Masayang pinagmamasdan ang bawat tawa at pag ngiti niya. Pano ba ako hindi mahuhulog nito? Kung ang tawa niya ay parang sa isang Anghel na galing sa langit.

Aya's POV

Napipilitan lang ba akong pakisamahan 'tong taong to o nage-enjoy ako na talaga ako? Uwaa. Hindi ko din alam. Para kasing wala na akong ibang ginawa simula kanina kundi ang tumawa ng tumawa.

Nang matapos na kami sa pagha-harvest eh napahinga muna kami. Umupo kami dun sa may ilalim ng puno malapit sa may isang pond.

“Hey Paul, tignan mo yung babaeng yun oh! Masyadong maliit ang balakang nya. Tapos yung dibdib nya, parang di pa angkop sa katawan nya. Mukha syang cartoons!" sabi ko sabay tawa ng malakas.

“Harsh ha! Grabe ka naman Aya! ”sabi naman nya at tumawa na lang din sya.

“Eh kasi nga prangka ako. Alam mo bang madami na kong napaiyak na mga baba–” sabay napatigil ako. Oh crap!

“Napaiyak na alin, Aya?” tanong naman nya.

“Na kaklase! Hahaha Oo! Kaklase nga. Ang bad ko noh? " palusot ko naman.

“Ahh.” at napangisi lang siya sakin. “Oh alam mo nang gagawin mo ha? Bago bago na.”

“Bakit? Masama bang maging prangka? Sinasabi ko lang naman yung gusto kong sabihin ah?” matigas na wika ko habang nakatingin sa malayo.

“Hmm. Pano ba 'to?” napabuntong hininga siya ng malakas na parang hirap siyang ipaliwanag yung gusto niyang iparating. “Hindi naman siguro? Nagiging totoo ka lang kaso, Pero syempre kailangan mo ding intindihin ang mararamdaman ng iba." sagot naman nya.

“I guess you're right.” mahinang sagot ko lang sabay yuko.

All the girls that I called as Dirty Sluts, Bitches and Whore. Hindi ko naisip na may pakiramdam din pala sila. I became too Ignorant and Heartless. Nahihiya tuloy ako sa mga pinagagawa at pinagsasabi ko noon.

“Hey Aya! Look!” tawag bigla ni Paul sabay turo dun sa may pond.

Automatic naman akong napaangat at napatingin sa lugar na tinuro niya.

“Ano yan?” tanong ko habang tinitignang maiigi kung ano yung tinutukoy niya.

“Let's get closer, pero quiet lang tayo.” sabi niya sabay hawak at hila ng kamay ko.

Hindi ako umimik at sumunod na lang sakaniya. Nagtago kami sa likod ng malaking bato na para bang may sisilipin kami anytime.

Una siyang sumilip saka niya ko tinawag. Dahan dahan akong tumingin, At halos mapasigaw ako sa excite dahil dun sa nakita ko.

Ohmy! Swan! Hala. Ang ganda! Ang puti puti pa! Bakit? Ba't may ganto sila dito? Hala ang swerte ko naman.

“Ang ganda noh? Kaya lang masyado silang mailap eh. Parang ikaw.” mahinang sabi bigla ni Paul.

“Ha? Ano raw?” naguguluhang tanong ko naman.

“Wala. Wala akong sinabi." sagot naman nya habang namumula.

Sinubukan kong silipin ang mukha niya para icheck kung namumula nga ba talaga siya kaya lang nagkatinginan kaming dalawa sa mata at agad ring nag-iwasan ng tingin.

Hala. Ano itong nararamdaman ko? Puso ko ba yung naririnig ko? Puso ko ba yung nag-iingay at mabilis ang tibok? Bakit?

Nagkatinginan lang kami tapos ganto na agad? Anong klaseng kalokohan 'to?

Kokak. Rinig ko bigla kaya lang hindi ko alam kung san galing. Kokak. Isa pa. Meron talaga eh. Kokakkk.

“Ekk! Shet! Palaka!” napasigaw ko bigla at sobrang taranta ko eh natumba ako't nadaganan pa si Paul.

Napa Face to Face at Eye Contact tuloy muli kami. At as usual, Heto na naman ang puso ko. O puso niya. O ewan. Bahala na.

“Sorry Paul, Ano kasi.. May palaka kasi kasi kanina eh. Eh Ano Kasi, Takot kasi ako dun eh." sabi ko habang nakapikit at nangangatog.

“Okay lang. Don't Worry, Nandito naman ako eh.” sabi naman nya.

“Ehh. Thank you.” nahihiyang sagot ko lang habang naka-iwas ng tingin sakaniya.

“Nice. Ngayon ko lang nalaman na takot ka pala sa ganun ha.” sabi ni Paul sabay ngisi ng malaki sakin na para bang may pinaplano siya ng masama.

“Kung ano man yang pina-plano mo, Please lang wag mo ng ituloy. Dahil sinasabi ko sayo..”
 
“Hala Aya! Ayan na yung palaka sa likod mo!” sigaw niya bigla.

“Ehhh!!” sabay tago ko agad sa likod niya.

“Nice! Ayos 'to ah!” sabi ni Paul habang nakangisi ng namalaki.

“Ang Epal mo!” sigaw ko sabay hampas ng malakas sa braso niya. “Para-paraan ka ha!”

“Hala hindi ah!” pagdedeny naman nya.

“Che! Dito ka nararapat! Manyak!” sigaw ko sabay tulak sakaniya pababa sa pond.

“Ekk! Aya!!” sigaw niya agad.

“Maligo ka muna dyan ha? Mag Swimming ka na rin kasama yung mga Swan. Babayuuu!” pang-aasar ko nman sabay takbo.

Hindi ko aakalaing mag-eenjoy ako ng husto ngayong araw. I don't know why but I really love being Alyssa Jaime.

Casanova Princes turn into PrincessesWhere stories live. Discover now