Chapter Twenty

4.1K 52 6
                                    


Chapter Twenty : "First Transformation"

Mabuti na lang at nakauwi na ko sa bahay nung maging lalaki ako. Josko. Kagulat gulat eh. Kaso yung gamit ko naka kanila Jasmin pa!

"Chihara!" sigaw bigla ng mga boses nila Stephen, Xavier tsaka ni Finn saka sila nagsitakbuhan sa kama ko.

"Lalaki na pala ulit tayo?!" sigaw nilang tatlo.

"Oo, nakikita ko hindi niyo na kailangang sumigaw." naiirtang irit ko naman kaagad. Ano ba naman 'tong mga 'to, Ang O-OA talaga kahit kailan!

"Paano yan? Wala na yung mga damit natin na panglalake!" sabi naman ni Xavier.

"Stranded tayo sa bahay for 24 hours! The Eff!" sigaw naman ni Stephen.

"Edi dito na lang tayo! Problema ba yun? Dami niyong reklamo eh." sagot ko naman.

"Gusto ko pa man ding i-enjoy ang pagiging lalaki ulit natin. Anu ba yan." sabi naman ni Finn sabay nguso.

"Pwede niyong i-enjoy pero syempre, Dating is not Allowed. Kung ayaw niyong maparusahan na naman." sagot ko naman.

"Of course!"

"So Paano? Practice na lang tayo?" tanong ko.

"Mabuti pa nga." saka kami pumunta lahat sa studio. Maayos at seryoso kaming nagpa-practice lahat. Medyo nakakapanibago kasi hindi na ako sanay sa lalake kong boses. Parang namimiss ko tuloy yung Chihara na sarili ko.

Nasa kalagitnaan na kami ng kanta nang bigla na lang may umepal at umistorbo samin. Ano ba yan! Sino bang magdo-doorbell ng ganto kaaga ha!? Istorbo na 'to oh!

"Sandali lang punyeta!" naaasar na sigaw ko naman. F*cker naman yun oh! Istorbong tunay eh!

"Ano ba yun ha?!" sigaw ko pero bigla na lang din akong natigilan.

"Jeremy?! Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Kenneth agad sabay simangot sakin.

"Wala ka na dun! Ano bang ginagawa mo dito ha? Ang aga aga nangiistorbo ka." Naiiritang sabi ko naman.

"Tss. Anyway, Nasaan nga pala si Chihara? Naiwan niya kasi yung gamit niya sa bahay eh." aniya.

"Akin na, Ako na ang magbibigay sakaniya." sabi ko sabay kuha nung Bag pati ng Gitara.

"Ano nga bang ginagawa mo dito? Ha?" seryosong tanong niya sakin.

"Bakit ba interesado kang alamin ha?" tanong ko naman.

"Wala lang, iniisip ko lang yung lagay ni Chihara ngayon. Bigla kasi siyang umalis eh." sagot naman niya.

"Hindi mo na kailangang mag-alala sakaniya. Okay lang siya. " sagot ko naman sabay talikod.

"Sabihin mo nga, May gusto ka din ba kay Chihara?!" pasigaw niyang tanong.

"Ha?! Ako? May gusto kay Chihara? Pfft. Nagpapatawa ka ba?" natatawang sarkastikong sagot ko agad sakaniya.

"Anong nakakatawa?" naiiritang sagot na niya.

"Ikaw. Natatawa ako kasi para kang timang. Oh? May Angal? Tsaka, Umalis ka na nga! Wala ka namang mapapala dito eh." last na sinabi ko sabay pasok sa loob.

Pfft! Syeteng nakakatawa naman yun! Lels. Ako? May gusto sa sarili ko? Ano ako narcissistic?! Wew. Budoy siya! Sayang, Dapat pala sinabi ko na lang na Oo para away ang aabutin namin! Wew. So Gay.

Hay nako, Kenneth Tan, Masiyado ka na ngang na-iin love kay Chihara. Kaso hindi mo lang alam na napaka-kumplikado talaga ng lahat. Dapat siguro, pakiusapan ko ng layuan niya si Chihara. Para naman hindi ako magsisisi at makonsensiya sa huli. Lalo pa kung malalaman niyang ako at si Chihara ay iisa.

"Hey, Sino yung nag-doorbell?!" tanong naman ni Stephen.

"Wala, nagtanong lang ng direksyon. Naliligaw ata." sagot ko nalang.

"Ang stupid naman nun. Sa lahat lahat ng lugar eh dito pa maliligaw." banat naman ni Aya.

"Oo nga. Stupid talaga yun! Osya tara Practice na lang ulit. Hayaan niyo na yun!" sagot ko naman.

****

Halos buong araw kaming nakatambay sa bahay dahil syempre anong magagawa namin eh wala naman kaming panlalakeng pam-pormang damit na maisusuot. Tanging natira lang samin eh yung mga oversized t-shirt na naalala kong binili nung dati naming manager.

At ngayon, 11:55 na naman at malapit na namang mag-alas dose at malakas ang kutob naming na babalik na naman kami sa pagiging mga babae.

"May dala na ba kayong mga extrang damit?" tanong ni Finn.

"Yes Ma'am!" sigaw naman namin.

"Yes ma'am? Eww. Dudes! Lalake ako diba?" iritadong sigaw niya kaagad.

"Sorry." At natahimik kami sandali pero natawa rin pagkatapos. Wala namang ikababading 'to?

"Pero alam niyo guys. Sa totoo lang, Hindi na ako sanay maging lalaki. Para bang mas feel ko ng maging babae. Weird man pakinggan pero, Kapag ako na-in love ng tuluyan kay Alex, kahit sabihin pa nating ang gay tignan. Hihilingin ko kay Hanna na maging babae na lang forever." sabi naman ni Xavier.

"Tama ka." sagot naman nila Finn at Stephen.

"Eh Ikaw Chihara, Ay Jeremy pala.. anong masasabi mo?" tanong naman nila sakin.

"Ako? Ewan ko. Depende pa din yun eh." sagot ko naman.

"Oo nga. Depende pa rin sa lahat." napayuko lang sila na parang na-disappoint sila sa sinagot ko.

Nung medyo lumiwanag niya yung langit dahil nawala na yung ulap na nakatakip dun sa buwan eh sabay sabay kaming tumingala at naghintay ng And we're back to being Girls .. Again.

"Walang silipan! Pare parehas tayong may mga *tooot*!!" sigaw nilang tatlo at napa-rolyo lang ang mata ko. Seryoso. Wala na bang ibabading 'tong mga 'to?

"Oh I miss my body!" sabi naman ni Cass.

"Me too!" sabi din naman nila Nana at Aya.

"Ako? Hmm.." at napatingin ako sa dalawang malaking umbok sa dibdib ko. "Pwede na.."

Pagkatapos nun ay sabay sabay kaming nagbihis muli sa mga pambabae naming damit.

Sa totoo lang, Gusto ko na din ang pagiging Chihara. Hindi ko alam na mag-eenjoy ako sa ganitong klaseng buhay. Kaso naguguluhan pa din ako eh. Kaya ewan.. 

Casanova Princes turn into Princessesजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें