Chapter Three

6.8K 97 8
                                    

Chapter Three: “ St. Paul Academy ”

Nana’s POV

Ngayong mga babae na kami eh mukhang bagong buhay na nga kami. Back to Zero lahat. Kailangan naming ipakita ang kakayahan namin sa kahit anong paraan. Kaya lang kung sisikat man ulit kami, mukhang imposible na sa mga babae. Mukhang puro lalaki naman ang mga fans namin sa pagkakataong ito.

Sa totoo nga niya nyan eh mataas ang kumpyansa ko lalo pa't isa naman akong Maganda, Sexy, Mahaba ang buhok at Malaki ang hinaharap. Pwedeng pwede na talagang ipang artista! Pero syempre lahat naman kami magaganda.

Sa ngayon, medyo babae na din ang kilos ko. Dahil na din siguro sa training. Ang isang linggong training na “Operation: Maging isang tunay na babae” Hays.

Pero natuwa talaga ako nung rumampa kami sa mall ha! Nganga lahat ng lalaki  Pati mga babae labas ngala ngala. De joke lang, Over naman yun. Medyo medyo lang.

Pero pinagtinginan talaga kami. Hays ang gaganda talaga namin. Pano pa kaya sa papasukan naming school diba? Tsak sikat agad kami dun! Mahirap na.

***

Bumaba na kami sa kotse para pumasok sa school na tinatawag nilang St. Paul Academy. This is our first day pero kampante na agad kami. Magaganda nga kasi kami!

Pero damn! Laglag panga namin. Hayup 'tong school na 'to! Puro mga magaganda at pogi ang mga nagaaral! Para nga 'tong showbiz school eh. Wala tuloy pumansin samin. WTF! Meron palang school na ganto? Ba't hindi kaya ako pumasok dito noon?

Magkakaklase nga pala kaming apat as usual. Hiwalay pala talaga ang mga babae sa lalake. Wohoh! Yun oh! Puro babae kasama namin! 

Ay hindi hindi! Dapat bago bago na! Babae na nga din pala kami.

“Hi My name is Fiona pero Nana na lang ang itawag nyo sakin. It's nice to meet you.” sabi ko sabay pa cute sa harap nila.

“Ako naman si Alyssa pero Aya na lang ang itawag nyo sakin. ” sabi naman ni Aya.

“Hello, Ako naman si Cassidy pero Cass na lang for short ” ani Cass habang kumakaway na akala mo Miss Universe siya or something. At humabol pa ng kindat!

“Ako naman si Chihara.” sabi ni Chihara na walang emosyon.

“Wait lang, Japanese ka ba o nickname lang yan? ” tanong nung isang cute na babae.

“My real name is Chirihana, pero Chihara lang ang tawag sakin. Gets? And Yes Half and Quarter akong Japanese.” sagot naman nya sabay taas ng kilay.

Napatingin kami kay Chihara. Half and Quarter? Totoo ba yung sinabi niya?

“Ah Okay. Got it.” sagot naman nung babae sabay ngiti.

Kung titignan mababait naman 'tong mga kaklase ko. Tsaka mukhang mga may class talaga. Yung Mahinhin na type. Siguro pinag aaralan talaga nila ang pagiging tunay na babae. Bakit kaya? Eh para san pa kaya yun eh babae na naman talaga sila ah.  May katawan at *toot* nga sila ng babae diba?

Ilang oras din nagklase at mostly puro tulog lang ang ginawa ko. Nang mag-break na ay may apat na babae ang lumapit samin. Tumabi sila samin at isa isang nagpakilala bilang..

Jasmin Tan, Paulyn Gonzales, Lianna Reyes, at Jessica De Leon. Puro sila magaganda at mukhang anak mayaman. Pero sorry, mas trip ko pa din yung beauty namin. Hoho!

“Hi Girls. Gusto nga pala naming makipagkaibigan sa inyo.” magalang na sabi ni Jasmin samin.

“Oh really? Okay lang go kami dyan! ” masayang sagot naman ni Cass.

Casanova Princes turn into PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon