Chapter Six

5.7K 97 13
                                    

Chapter Six : “ Meet the boys of Guilty Us ”


Cass’ POV

After naming tumugtog sa isang tv show eh nakilala namin ang isang bandang tinatawag na, “Guilty Us” na naging karibal pala namin noon.

Binubuo din sila ng apat din na myembro at gaya namin. Ipinanganak din sila na mala Prinsipe ang kagwapuhan. Nagbago nga ang pananaw ko sa sarili ko nung makita ko sila eh. Lalo na yung vocalist nila! Aba eh kagwapong nilalang!

Pero napansin ko din naman yung drummer din nila. Mukha atang magkakasundo kami nito ah. Ngayon pang kakasabi lang nila sa St. Paul Academy din sila nagaaral.

Ang pangalan nung Drummer nila ay si Alex Francisco. Paul Nevalga naman sa Lead. Gerald Chavez naman sa Bass at syempre ang hari nila na parang si Jeremy noon na si Kenneth Tan, ang Vocalist.

Pansin ko lang na mas pansin nya si Chihara talaga. Syempre iba naman talaga ang ganda ni Chihara. Pero wala! Hindi tatalab ang pagpapapogi at pambobola nya kay Chihara. Mapababae o lalake walang imik yan, Pusong bato kaya yan!

Anyway, It's flirting time–With Boys! Pero syempre joke lang yun. Mabait na kami noh!

Chihara’s POV

Kung minamalas ka nga naman oh! Nakita ko pa ulit 'tong antipatikong lalaki na to. Tapos malalaman ko pa na karibal pala namin sila noon! Sarap buhusan ng juice! Ugh!

“Hi Chihara! Tumingin ka naman dito!” sabi ni Kenneth sakin habang hinuhuli niya yung mga mata ko.

“Gusto mong imudmod kita dyan sa pagkain? Ang kulit mo ha! ” mataray na sabi ko naman sakanya.

“Ang sungit mo naman! Meron ka siguro ngayon noh? ” sabi naman nya sabay tawa nilang apat.

Sa mga salita nya, parang dun ko lang narealize na ganto din pala kami dati. Hindi marunong magrespeto ng babae. Ngayon nararamdaman ko na at naiintindihan ko na din. Kaya naman kailangan ko ding lumaban.

“Really?” at tinaasan ko siya ng kilay at napa-smirk. “My god. Lalake ka ba talaga? Eh ba't parang hindi ka marunong rumespeto ng babae? or kahit igalang man lang kami? Hindi porket sikat ka at alam mong madaming babaeng nagkakandarapa sayo eh nagagawa mo nang mang-ganyan. Stop being immature. Hindi ka na bata.” sabay tumayo na ako't napatingin sila sakin.

“Chihara tama na yan.” pabulong na awat naman sakin ni Nana.

“Kenneth Tan right? Since ganyan yung inasta mo samin eh Ipapakita ko sayo kung gaano kagaling ang banda namin kesa sa inyo. ” sabi ko sabay walkout

Pagka walk out ko sumunod na din sakin yung iba. Dinala kami ng mga paa namin sa isang park malapit dun sa pinagkainan namin kanina. Umupo kaming apat sa swing at nagpahinga habang kaniya kaniya ng mga iniisip.

“ Ganun pala tayo kasama noon noh? Ganun pala ako mambastos. Hindi ko man lang alam.” malungkot na sabi ni Nana.

“ Ganun pala ako makitungo sa babae.” sabi naman ni Aya.

“ Hindi ko din alam na may damdamin din pala ang mga babae.” sabi naman ni Cass.

“ We’ve already learned our lesson. Kaya nga para naman makapagbayad tayo sa mga kasalanan natin, eh tayo na lang ang magtanggol sa dignidad ng mga babae. Kahit tayo lang apat, ipaglaban natin ang respeto para sa mga babae.” sabi ko naman.

“Tama ka. Agree ako dyan.” sagot naman nilang tatlo.

“Hinding hindi tayo magpapatalo sa mga lalaki na yon! Sisiguraduhin kong nagbabayad sila. We're the Heartbreakers right? Kung nagagawa natin yun sa mga babae noon eh alam kong mas magagawa natin yun sa mga lalaki ngayon! ” sigaw ko naman.

“Tama!! ”

At nagtawanan na lang kaming apat sa mga planong nabubuo sa utak namin.

Ito na ang simula ng bagong buhay. Ngayong natauhan na ako eh susubukan kong makisama sa ibang babae at para naman sa mga lalake. Humanda sila samin. Sisiguraduhin kong luluhod sila saming apat.


Kenneth’s POV

Ever since nung nakita ko syang naglalaro ng softball kanina. Para bang nakaramdam na kaagad ako ng kung ano. Di ko lang yung sineryeso kasi, Ako na isang dakilang Casanova? Pinakasikat sa Boys Department ng St. Paul Academy eh magkakagusto lang sa babaeng Tomboyin na yun? ASA! Yun na ata ang pinaka-imposibleng pwedeng mangyari sakin.

Pero nung makita ko syang tumutugtog at kumakanta kanina. Bigla na lang pumasok sa utak ko ang isang idea na hindi ko alam kung tama ba o mali.

One Day, I’ll make you mine Chihara. Hindi ko alam kung sa paanong paraan pero sisiguraduhin kong magiging akin ka.

Napangiti na lang ako na parang ang sama sama naman nung balak ko. Pero alam kong hindi sya easy to get. Yun ang katangiang matagal ko ng hinihintay sa isang babae. Maganda talaga sya, Talented at kakaiba. Hangang-hanga talaga ako sakanya at gagawin ko ang lahat para lang maging akin sya.

****

Uwian na namin at dahil isa rin akong dakilang kuya eh kailangan kong ihatid pauwi ang kapatid ko sa bahay. Kaya naman hinintay ko si Jasmin sa gate ng girls department.

“Kuya! ” sigaw ni Jasmin sabay tapik sa likod ko.

“Oh, Andyan ka na pala. So pano uwi na tayo? ” tanong ko naman sakanya.

Sasagot na sana sya ng biglang dumating sila Chihara, kasama yung tatlong band mates nya at nakipag-Hi kay Jasmin. Aba, Di ko alam na magkaibigan pala sila?

“Ah kuya, Manunuod kasi ako sa kanila eh.” kabadong sabi naman sakin ni Jasmin.

“Ah ganun ba? Osige ingat ka na lang.” sabi ko na lang sakaniya.

Tinignan ko na lang silang umalis lahat. Bago sila nakalayo eh nakita kong tumingin si Chihara sakin. Natuwa naman ako kaso iba yung ginawa nya eh. Tinuro nya muna ako tapos naka Loser pose yung kamay nya sakin maya maya nagulat ako nang bigla siyang nag-dirty finger sabay ngisi sakin.

Napanganga lang ako sa ginawa niya. Sya yung tipo ng babae na parang di takot ma-turn off yung mga lalake sakaniya. Tignan lang natin, Kung hindi ka ma-in love sakin.

Chihara, Chihara, Chihara. Lalambot din yang puso mo sakin. Maghintay ka lang.

Casanova Princes turn into PrincessesWhere stories live. Discover now