Chapter Twelve

5.2K 108 16
                                    

Chapter Twelve: “ CassLex First Date ”

Cass' POV

Hala! Ako pa nga naman daw ang una ah! Ayos talaga 'tong writer na 'to!  Hay naman.

After naming maghiwa-hiwalay eh hindi ko na napansin kung san ako dinala nitong si Alex. Saan naman kaya ako balak dalhin ng lalaki na 'to? Teka, dapat ko bang ilista lahat ng good things at bad things na magagawa nya? Hay Ewan ko!

Naka disguise nga pala kaming lahat. Alam nyo na! mahirap na ang machismaks! Naka shades kaming walo. Pagandahan pa yan! halos lahat kami eh naka-sunnies lang o nerd glass tsaka sumbrero. Pero dahil pa-cool type sina Chihara at Kenneth eh naka-Aviator naman sila.

"Uhm Alex, San ba tayo pupunta?" tanong ko naman syempre with my usual cute voice.

"Arcade muna. Ang alam ko kasi eh may drum game dun na tinatawag na Taiko. Mukhang masaya. Gusto mong i-try?" sabi nya sabay ngiti.

"Talaga? Okay sige. " mabilis na pagsang-ayon ko naman.

Naglakad na kami papuntang Arcade na dalawa. Bago namin puntahan yung taiko na sinasabi niya eh bumili muna kami syempre ng maraming tokens para tuloy tuloy ang laro.

"Oh nice! Dalawa yung set. Ano laban?" hamon nya sakin habang nakangisi ng malaki.

"Ako pa talaga hinamon mo ha? Let's see then!" ganadong sagot ko naman sabay hawak ng drum sticks..

Madali lang laruin ang taiko at mabilis agad akong natuto. Susundan mo lang yung nasa monitor at tatamaan sa tamang lugar ayon sa kulay. Halimbawa, Yung kulay pula eh sa loob at yung asul at sa may edge nung drum.

Saka lang kami nagseryoso nung masanay na kami't nasa Oni level na kami naglalaro.

I must say, Magaling talaga si Alex at halos pantay lang kami ng score. Pero sabi ko nga diba, Hindi ko ugaling magpatalo kaya ginalingan ko't nanalo sa dulo.

Pagkatapos nun eh kumain naman kami sa Mcdo. The Holy mother dating restaurant. Pero umasa pa naman ako, Akala ko sa isang mamahaling restaurant niya ko dadalhin. Dito lang pala.

"Ito na po Miss ang pagkain nyo." sabi nya ng nakangiting wagas.

"Ah thank you." sagot ko naman sabay ngiti na lang sakaniya pabalik.

"Walang anuman." at umupo na kami't nag-umpisang kumain.

"Teka matanong lang kita. Ikaw ba, Mahilig ka din ba sa mga babaeng magaganda? Pinaglalaruan mo din ba sila? Hindi sineseryoso? At sinasaktan palagi? Ganun ka din bang klase ng tao? " seryosong tanong ko sakaniya bigla na dahilan upang mapatigil siya sa pagkain at mapatingin rin sakin ng diretso.

"Nagkakamali ka, Oo sabihin na nga natin na mukha akong easy go lucky. Parang may sariling mundo o sabay lang sa agos ng buhay pero sa buong buhay ko hindi ko pa nagagawang manakit ng damdamin ng babae. Siguro kasi naiintindihan ko na may damdamin din sila. Paano naman kaya ang magiging first gf ko kung sa umpisa palang eh may nasaktan na ko. Parang nakakahiya naman yun diba?" wika niya. “And please don't get me wrong. Hindi ko 'to sinasabi dahil gusto kong magpa-impress sayo. Yun lang talaga yung totoo.”

Napakunot ang noo at sa hindi malamang dahilan eh bigla na lang kumirot ang puso ko na dahilan para dahan dahang tumulo ang puso ko.

Tama sya. Tama talaga sya. Nakakahiya nga yun. Parehas kaming Easy go lucky, Pero never kong naisip na may ganun palang pakiramdam ang mga babae. Pakiramdam ko tuloy, napakasama kong tao. Napaka-ignorante ko at sobrang selfish.

Iiwas sana ako ng tingin para patahanin ang sarili ko nang bigla na lang may nagpunas ng luha ko.

"Naantig ka ba sa mga sinabi ko? Okay lang yan! Minsan lang ako humugot. Pagbigyan mo na." aniya sabay ngiti ulit.

"Walang duda na ikaw nga talaga si Mr. Smile Alam mo kasi, Easy go lucky din ako tulad mo pero iba ako sayo. Ako kasi, hindi ko talaga iniintindi ang nararamdaman ng ibang tao. Kaya naman hindi ko talaga alam na may nasasaktan na pala ako. Madaming salamat, natauhan ako dahil sa mga sinabi mo." sagot ko sakaniya habang nakangiti ng bahagya.

Ngumiti lang siyang muli sakin at tinitigan ako sa mata.

"Tahan na Cassidy. Alam mo, Bilang pampalubag loob at para hindi mo maisip na masama kang tao eh may naisip akong paraan. Mabuti pa, Bigyan na lang natin ng pagkain yang mga batang nasa labas." sabi nya sabay turo sa likod namin.

Nagulat ako sa nakita ko. Oo nga noh? May mga batang palaboy nga sa labas. Akalaing mong napa-charitable pala tong tao na 'to? Nice one! Ililista ko lahat ng yun!

Bumili kami ng pagkain para dun sa mga bata at ibinigay sakanila. Pagkatapo ay umupo na lang kami sa labas at bumili na lang ng simpleng cotton candy.

"Alam mo para kang cotton candy. " sabi ni Alex bigla.

"Ha? Bakit naman? " tanong ko naman habang abala sa paglasap ng masarap at matamis na hugis bulaklak na cotton candy.

"Ang cute mo na, Ang sweet mo pa. Oh shit. Ang corny ko!" namumulang wika niya sabay tabon ng mukha gamit ng dalawang kamay niya.

Imbis na tawanan ko siya eh para bang tumigil saglit ang aking paghinga't napalunok ako ng malakas ng wala sa oras.

Oh crap. Wala namang ganyanan mga dude! Feeling ko tuloy ang gay ko! Pero bakit ganto? Simula nung marinig ko yung mga salita na yun galing sakanya kanina eh para bang nag-iba na yung tingin ko sa kanya? Para bang mas gumaan?

Bakit? Normal ba to? Hindi ko naman siguro sya ginagamit diba? Kasi hindi ko naman ginusto na maramdaman 'to ngayon. Hindi pa ko nakaramdam ng gantong kaba noon. Kaya kakaiba. Masaya na parang gusto kong sumabog. Pero parang nakakahiya. Ano ba 'to?
 
"Oh bakit? Nakornihan ka ba? Sorry naman ha, hindi kasi ako magaling dun eh." nahihiyang sabi pa niya habang nakahawak sa batok niya.

"Hindi ah, natuwa nga ako eh. Tsaka na-appreciate ko din yung effort mo.” pabirong sagot ko naman.

"Talaga? Mabuti naman.” at natawa lang siya. “Pano, Balik gala ulit tayo? Sayang oras eh. "

Ngumiti kang ako't iniabot yung kamay ko sakanya.

Ehem! May nalalaman na kaming Holding Hands ngayon~ Ang Gay ko na! Waaa !!

Ah Hindi! Babae kaya ako! Oo Babae na nga talaga ako ngayon! Mula sa kilos at galaw.

Alex's POV

Grabe. Hindi ko maipaliwanag itong kasiyahang nararamdaman ko ngayon. Umaapaw at para na kong sasabog. Okay medyo ang unmanly man tignan pero, I really feel so happy when I'm with Cassidy.

Kaso kanina parang nagulat ako sa tanong niya Hmm. Bakit kaya? Pinaghinalaan nya ba akong manloloko? Weh? Ganon ba talaga tingin nila sakin? Siguro kailangan ko ng bawasan ang kakulitan ko. Parang napapahamak na kasi ako eh.

So, Heto kami ngayon ni Cassidy. Lakad lakad lang at palipat lipat sa mga stores na mukhang kaaya aya sakaniya. Lagi lang akong nakasunod at sinasabayan siya sa mga hilig niya.

"Ay Palaka!" sigaw nya bigla sabay hinto sa paglalakad.

" Ha? Bakit anong nangyari sayo? Natapilok ka ba? " mabilis na tanong ko naman agad sakanya.

"Hindi, Ayun oh! Si Kero-Keropi. Uwaa Ang kyot kyot!! " masayang sagot naman nya.

Natawa lang ako dun sa reaksyon niyang mukhang kumikinang ang mata. Lumapit kami para tignan yun at nagulat na lang ako ng mabilis niyang niyakap yung stuff toy na parang isang bata.

"Gusto mo bilhin ko para sayo yan?" tanong ko sakaniya.

Gulat siyang napalingon sakin at para bang may kung anong tumama sakaniya't mas lalong kuminang ang mga mata niya.

"Weh? Talaga? Hala! Thank you! Gustong gusto ko talaga nito eh.” masayang sabi niya sabay halik sa pisngi ko. 

Nagulat lang ako sa ginawa niya't para bang tumigil saglit ang pagtibok ng puso ko.

“Wa-walang anuman.” mahinang sagot lang habang gulat pa rin sa ginawa niya.

Shit! Namumula ba ako? Oo nga. Namumula talaga ako. Damn! Nakakahiya! Ano ba yan! Asan na kaya yung iba? Hay. Sana wag nang matapos ang araw na to! 

Casanova Princes turn into PrincessesUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum