Chapter Nineteen

4.1K 61 3
                                    

Chapter Nineteen: "Sleepless Night"

Jasmin's POV


"Naku Kuya! Okay ka lang ba?!" sigaw ko agad sabay lapit kay Kuya.

"Okay lang ako, buhay pa naman." sagot naman ni Kuya saka siya nawalan ng malay ulit.

Grabe, Hindi ko inaasahan na ganito pala kalakas si Chihara! Ito pala ang dahilan kaya ayaw niyang matulog dito. Hays si Kuya kasi eh! Bigla bigla na lang pumapasok. Ayan tuloy. Pero ang galing talaga ni Chihara. Ibang klase yung lakas niya.

"Naku sorry, hindi ko sinasadya. Hindi ko nakontrol ang sarili ko." nahihiyang sabi naman ni Chihara.

"Naku okay lang yun, Buhay pa naman daw siya sabi niya eh." sagot ko naman sabay ngiti sakaniya.

"Sige, magbibihis na ko. Pasensiya ulit." at lumabas na siya. Kasalanan mo talaga 'to Kuya eh ! Naman oh!

Chihara's POV

Yung Maniyak na yun, Sa susunod na magpadalos dalos siya, Electric Gun na talaga ang aabutin niya! Pambihira! Pero lumalakas pa ata lalo yung mga suntok ko ah? Ayos 'to! Para sa susunod na may gawin pa siya bubukolan ko na talaga siya!

Pagkatapos kong magbihis nag-ikot ikot muna ako sa garden nila. Malaki maganda at tsaka alagang alaga. Kumpara sa bahay namin ngayon na murder na murder talaga. Sila Aya kasi dati eh ang hilig magharutan!

Napatigil ako bigla nung may marinig akong papalapit sakin.

"Sinong Nandyan!?" sigaw ko ng naka action pose.

"Ako lang 'to, Ang sakit ng ginawa mo sakin ha! Pati puso ko nadamay!" sabi ni Kenneth.

"Lul! Kasalanan mo yun noh! Ang lakas kasing pumasok sa banyo na alam namang may tao! Sabihin mo nga, Sinadya mo yun no!?" sigaw ko naman.

"Oy Hindi ah! Anong tingin mo sakin, Maniyak?"

"Oo! Isang malaking Oo!" sigaw ko pa.

"Grabe ka, Ang mean mo ha!"

"Wag ka ngang magdrama. Di bagay sayo. Paano, baka hinahanap na ko ni Jasmin eh, sige bye." sabi ko sabay alis.

Itong maniyak na 'to, kahit kailan talaga! Hays. Ano kayang problema nun? Trip na trip ako palagi di ko naman siya inaano! Tsk.

Sa sobrang inis ko eh naisipan ko na lang na bumalik na sa kwarto upang magpahinga. Pagpasok ko agad sa kwarto ni Jasmin eh napanganga agad ako sa nakita ko.

"Phantom Red? At puro Jeremy?" napanganga ko habang pinagmamasdan yung mga nakapaskil sa pader niya.

"Oo, Ang dami kong posters noh?" nakangiting bahagyang sabi naman ni Jasmin.

"Oo. Nakikita ko nga. Wow." sagot ko lang habang namamangha pa rin. Hindi ko alam na ganito ko pala siya ka-Fan. Nakaka-amaze lang.

"Pero secret lang natin 'to ha? Nakita ko sa kwarto ni Kuya, Puro pictures mo pati ng Chocolate. Nakakatawa nga eh." natatawang wika naman niya.

"Ehh?! Tss. Hays! Yung mokong na yun talaga." naiirita pero nahihiyang sagot ko kaagad.

"So Paano? Papatayin ko na yung ilaw ha? Tulog na tayo." tanong ni Jasmin.

"Ah. Sige lang." sagot ko naman. Tsaka pinatay ni Jasmin yung ilaw at binuksan naman niya yung ilaw sa lampshade.

FYI! Hindi kami magkatabi sa isang kama no! Mga utak nyo na naman eh! Nakahiga ako sa baba. Okay na 'to kaysa naman magkakulay na naman yang mga utak nyo eh.

"Alam mo bang hindi ko pinapasok ang kuya ko sa kwarto ko." sabi bigla ni Jasmin.

"Eh? Ba't naman?" tanong ko naman. As if namang may paki ako pero anyway..

"Kasi, ayaw niya sa Phantom Red eh. Lalo na kay Jeremy. Hindi kasi niya naiintindihan. Naiinis kasi siya kasi tingin niya sinasaktan ako nung lalaki na yun. Pero abnoy si Kuya noh? Paano naman kaya ako sasaktan ni Jeremy eh hindi nga kami close nun. Tsaka hindi niya nga ako kilala. Yun pa, wala naman yung pakialam sa iba." sagot naman ni Jasmin.

Aww. Alam kong wala talaga akong pakialam sa iba pero ang sakit palang marinig yun mismo sa bibig ng ibang tao. Yung tipong pinapana yung mismong puso mo.

"Bakit kasi hindi mo na lang siya kalimutan? Maghanap ka na lang ng iba? Diba?" sabi ko naman.

"Pagkatapos ba nun mawawala na ba kaagad ang pagmamahal ko para sakaniya?"

"Ah eh.. Malay ko. Hindi ko alam.." at natahimik ako bigla. Wala nga pala akong alam sa mga ganitong bagay, lalo na sa pagpapalubag ng loob ng mga kababaihan.

"Saka na ako titigil kapag nakita kong nagmamahal na ng totoo si Jeremy sa iba." sabi niya ng diretso sabay taklob ng kumot.

Nako naman! Mga babae talaga bakit ang titigas ng ulo!? Ugh! Pero hanga ako sa katatagan niya ha. Magkapatid nga sila. Hay nako. Hindi na ata ako makakatulog nito.

Ilang beses kong pinilit na matulog. Ilang beses na rin akong nagpaikot ikot ng pwesto pero hindi talaga ako dinadalaw ng antok. Josko. 11:55 na! Hindi ako Makatulog! Mabuti pa, Makapagpahangin nga muna sa labas.

Dahan dahan kong kinuha yung jacket ko at lumabas na ng kwarto. Naglakad lakad ako hanggang sa nakarating ako sa garden nila. Umupo sandali sa isang bench nang bigla na lang ako maramdam ng kung ano.

Ang init na hindi ko maintindihan. Parang umaapoy yung buong pagkatao. Ganitong ganito yung naramdaman ko bago ako maging isang babae. Wait –Paano nga kaya kung..

At agad akong napatingin sa itaas. Natatakpan ng mga ulap ang buwan. Pero maliwanag. Hindi kaya? Full moon ngayon? Oh shit! Hindi pwede 'to!

Sa sobrang taranta ko eh agad akong napatakbo papunta dun sa may gate.

"Kuya pabukas. May bibilhin lang ako." sabi ko agad dun sa may guard.

"Nang ganitong oras po maam?" nagtatakang tanong kaagad nung guard sakin.

"Oo! Kailangan na kailangan na!" sigaw ko naman sakaniya dahil naiirita na ako sa pagmamadali.

"Okay po Ma'am!" sagot naman niya sabay bukas ng gate.

Pagkabukas pa lang niya ng gate ay agad akong kumaripas ng takbo papalayo. Bilisan mo Chihara! Bago pa lumabas yang letcheng buwan na yan!

"Aabot ako! Kaya ko 'to!" sigaw ko habang tumatakbo na ng mabilis at hindi na pinapansin ang pagod na nararamdaman ng katawan ko. Pagkarating ko sa bahay ay sakto namang nagbago ako ng kaanyuan. Balik lalake na naman ako at.. wala na namang saplot. Pambihira naman talaga oh.

Casanova Princes turn into PrincessesWhere stories live. Discover now