Chapter Ten

4.8K 72 11
                                    

Chapter Ten: "Mission One: Nana & Chihara "

Nana's POV

2 New Messages

(1) Cassidy Ignacio

(1) Alyssa Jaime

***

"Mission One Complete. Ang dali lang ng kay Alex! Di man lang ako pinagpawisan. Kamusta na kayo girls? Text back kayo pag naayos nyo na yung mission one nyo ha? "

GM| Chocolate~Cassidelicious

"Mission one Complete. Sya pa talaga ang unang nag-aya ha! Napakabilis kaagad! @Nana, @Chihara Goodluck! Mga tanga din yang mga lalaki na yan kaya, kayang kaya nyo yan! Yun lang naman. XoXo"

GM | Chocolate~AyaaaLoves

****

Aba! Mukhang umasenso na kaagad yung dalawa ah. Syempre, magaling ata akong magturo ng Art of Seduction 101! Oh Well, mukhang It's my turn naman. Oh Gerald~Where are you na kaya?

Ah! Ayun! Nasa Library! Kaya lang, Nagaaral pala si tanga. Hmm. Pano naman ako lalapit? Mamaya makaistorbo pa ko, bumagsak pa ang career ko kaagad.Think Nana Think!

Aha! Brain Blast! Sino bang nagsabing hindi ako makikigulo? Manggugulo talaga ako. Pero sa paraang matutuwa din sya.

Kumuha ako ng isang libro sabay umupo sa tabi nya. Kunwari wala akong alam na katabi o kakilala ko siya.

"Nakaka-stress naman 'to! Ba't kasi ang daming kailangang kabisaduhin eh." kunwaring naiiyak na sabi ko habang nagpapanggap na nagre-review. Syempre una sa lahat kailangan mong makuha ang atensyon niya muna.

Maya maya ay napatingin na din sya sakin.

"Nana?" hindi makapaniwalang tawag niya sakin.

"Gerald?" kunwaring gulat na sagot ko naman.

"Shsss!" mabilis na eksena naman agad nung librarian.

"Andito ka pala? " tanong naman nya sakin ng pabulong.

Ay Hindi Wala! Wala ako dito! Baka multo lang ako. Sheeets. Ang Epal. Nakikita na nga ako eh magtatanong pa! Tse!

"Ah Oo, Nagre-review kasi ako eh." sabi ko naman sabay pout para kunwaring nahihirapan na ako sa ginagawa ko.

"Oh? Sabihin mo sakin, baka matulungan kita. Anong Subj. ba yan?" tanong naman niya.

"Talaga? Naku, nakakahiya naman sayo. " sabi ko naman habang nagpapa-cute. Oh Cut it off Nana! Kahit di ako magpa-cute eh alam kong cute ako.

"Naku, okay lang basta ikaw. " sabi naman nya.

"Salamat. Na-appreciate ko talaga yung tulong mo. " sabi ko naman tapos ngiti ng malaki sakaniya. Flinash-out ko rin yung mata kong may mahahabang pilik mata. Kaya ayun, bigla syang namula.

Napangisi ako lalo dahil sa reaksyon niya. Okay yan. Dahan dahan lang Nana. Maya maya eh yayayain ka na din nya!

"Ah Oo nga pala Nana.." tapos bigla syang nagsalita.

" Hmm? Ano yun? " tanong ko naman habang kunwaring nagsusulat.

"May alam akong bilihan ng libro. Mura lang dun. Pwede kitang samahan kung gusto mo." sabi naman nya habang namumula ng sobra. Sus. Ang korni naman ng dahilan nito. Ginamit pa ang bookstore.

"Oh talaga? Sige ba! " masayang sagot ko naman.

"Pano? Sa sabado na lang ha? Siguro sa park na lang tayo magkita?"

Casanova Princes turn into PrincessesWhere stories live. Discover now