Chapter Eight

5.2K 85 2
                                    

Chapter Eight: “ The Dare ”


Kenneth's POV

Pagkatapos akong suntukin at sampalin ng babae na 'to, Nagaalangan tuloy ako kung matino pa ba ako. Grabe kasi eh! Ang lakas nya talaga masyado. Parang hindi babae. But still, ang ganda pa rin nya talaga.

Pero may isang pangyayari ang ipinagtataka ko. Bigla na lang kasi nya akong hinila palabas na para bang nalungkot sya. Kaya ayun, sinubukan ko syang tanungin.

“Ano, May nagawa na naman ba akong mali sayo?" kabadong tanong ko sa kanya.

“Wala! Sige, Uuwi na ko." sabi nya sabay talikod.

"Hatid na kita." ani ko pa.

“Di na, salamat na lang. Kaya ko na ang sarili ko. Hindi na ako bata." masungit na sagot naman nya.

Napangiti lang ako dahil sa katarayan niya. Pa-Hard to get talaga ang isa na 'to kahit na kailan.

“Hindi ugali ng isang lalake ang umiwan ng isang babae sa ere. Kaya naman, pumayag ka ng ihatid kita. " sabi ko naman sabay ngiti sa kanya.

Kumunot lang ang noo niya't bumuntong hininga sakin.

"Gawin mo ang gusto mo. Bahala ka sa buhay mo." walang ganang sagot naman nya.

Kaya ayun, Hinatid ko siya papunta sa subdivision nila. Habang naglalakad kaming dalawa eh parang naging magnet 'tong mata ko't hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya.

Maputi siya. Katamtaman lang ang tangkad. Merong mapupula at mala-manikang Pouty lips. Syempre Maganda siya. Maganda rin ang hubog ng katawan. Magaling pang kumanta. Hanep din sa pagtugtog ng gitara. Flexible at Athletic pa at kahit mataray eh alam kong may tinatago pa rin siyang bait sa loob.

Kung titignan ay malapit na siyang pagiging perpekto. Kaso pansin ko lang na ayaw nya ata sa mga lalaki. Ba't kaya? Siguro may nakaraan tong babae na 'to. It's either niloko siya o iniwan o ewan.

" Kung ano ano na naman siguro yang iniisip mo sakin noh? " sabi nya sabay tingin ng masama sakin.
 
"Ha? Wala ah! " mabilis na sagot ko naman kaagad.

"Talaga lang ha? Hoy lalaking manyak na antipatiko at ubod ng yabang, Maraming salamat sa paghatid mo sakin. Sa susunod wag mo na kong susundan kung gusto mo pang mabuhay. Okay?"  sabi nya sabay talikod at takbo paalis.

Ano raw? Manyak? Antipatiko? At Ubod ng yabang? The heck. Yun pala talaga ang tingin nya sakin?

Napangiti lang ako't napailing. Well Okay lang. Susundan ko na lang sya lagi. Kukulitin ko siya hanggang sa masanay na siya sa prisensya ko.

Dito pala sila nakatira nice naman. Alam ko na kung san ako pupunta pag wala akong ginagawa.

Chihara's POV

Nakakainis at nahatid pa nga naman ako ni Panget. Hay naman. Alam nya na tuloy kung san ako nakatira! Kabanas talaga. Dapat pala dinagdagan ko pa yung ginawa ko sa kanya para hindi na sya nakatayo. Sayang! Di bale may next time pa naman eh. Shut. Next time ka diyan!

Pagpasok ko sa bahay. Napaatras ako sa gulat nang mapansin kong nakaabang pala sakin yung tatlong baliw. Mukhang iba ang nasa isip ng mga 'to ah. Delikado ako. Nalintikan na. Okay. Time for escape!

Casanova Princes turn into PrincessesWhere stories live. Discover now