Chapter Nine

5.1K 73 3
                                    

Chapter Nine: “ Mission One: Cass & Aya ”

Cass' POV

Excited na talaga ako sa mga mangyayari! Ipapakita ko sa mayabang na Alex na yun na mas magaling ako kesa sakanya. Humanda ka lang sakin! Sisiguraduhin kong matatalo kita.

Ilang oras lang ay pumunta na agad kami sa Clubs Area. Kasi syempre, Ito lang naman ang katangi tanging lugar na pwedeng magsama ang babae at lalaki eh. Kaya grinab ko na ang chance at hinanap ko na agad si Alex.

At dahil ayon sa plano, Flirt with Them at kami ang panalo! Dahil sa love, Kung Sino ang Unang ma-in love eh sya ang Talo. Tsaka pag nakataon, babalik na ulit kami sa normal at yun ang hinihintay ko.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko syang nakaupo dun malapit sa field. Wow. Tadhana nga naman!

"Hello, Alone? " tanong ko gamit ang pinaka malambing kong boses.

"Ah ikaw pala, Oo eh. Ikaw anong ginagawa mo dito? Mag-isa ka lang?" tanong naman nya sakin habang lumilinga linga sa paligid. Nagtataka siguro siya kung bakit mag-isa lang ako ngayon.

"Uhm. Napadaan lang naman ako. Okay lang ba kung dito muna ako? " I asked him once again while flashing my beautiful eyes at him.

"Oo naman, Okay na Okay sakin.. " sagot lang nya sabay ngiti sakin.

Umupo na ko sa tabi niya at pinagmamasdan siya sa pagce-cellphone na ginagawa niya.

Ano ba 'to, Hindi pa ba sapat ang prisensya ko dito at kailangan pa niyang mag-cellphone talaga? Pano ko na magagawa yung plano ko?
Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi ngumuso sa pagkainis.

"Ah Cass, Wag ka ngang mag pout! Natutuwa ako sayo eh. Ang cute mo kasi."  baling nya bigla sakin.

What? Anong natutuwa eh hindi ka nga tumitingin sakin ng diretso eh!

"Talaga? Cute ako? " tanong ko naman sabay usog pa papalapit sakaniya.

Napatingin siya sa mga mata ko't kinuha ko naman yung pagkakataon na yun upang ngumiti at hawiin ang buhok ko't mailabas ang maputi kong leeg. Syempre kailangang may patunguhan yung mga natutunan namin sa pagkakababae. Kaya ang pagfli-flirt ay easy as one two three na lang para samin.

"H-Hindi.. Maganda ka pala." aniya sabay napalunok sya ng malakas.

Napangisi ako ng malaki dahil yun naman ang reaksyong hinihintay ko. Huli ka. Akin ka na ngayon, Alex.

“Uwaa. Salamat Alex." malambing na sambit ko't sabay tawa. Damn! I really can't believe na magwo-work 'to!

"Bakit ka natatawa?" natatawang tanong naman nya.

"Ewan. Siguro masaya lang akong kasama ka?” at ngumiti ako na dahilan para mas lalo siyang mamula.

“Tsaka dahil na rin siguro na gusto ko ding subukan ang kakayahan mo. Alam mo na, Parehas kasi tayong drummer diba?”

“Besides, Hindi pa kasi ako ganung kagaling eh. Pwede mo ba akong turuan? Kahit isang beses lang?" dugtong ko pa gamit ang boses kong mapang-akit.

Napakagat siya ng labi niya't napaiwas ng tingin. Ginulo niya ang buhok niya't huminga muna ng malalim bago muling humarap sakin. What's with that reaction, Alex? Are you already falling in love with me?

Casanova Princes turn into PrincessesWhere stories live. Discover now