Chapter Two

8K 121 16
                                    

Chapter Two: “ Bring the Girls Out ! ”

Chihara’s POV

Bago kami natulog ay umasa kami na sana panaginip lang ang lahat. Na sana hindi talaga kami naging babae gaya ng nangyari samin. Pero mali, babae pa din ako paggising ko. May Dibdib at may mahabang buhok. As in katawan talaga ng isang babae! What the fuck!

And remember our new names? Tinatawag na akong Chirihana.  Chihara na lang daw for short. Pero ako talaga si Jeremy. Na gets nyo ba name ko? Yung author kasi nito kung ano anong nilalagay eh. Pambihira!

CHI-RI-HA-NA. Ha? Tapos ang nickname ko eh CHI-HA-RA. Gets? Oh well nevermind!

Paggising ko agad akong bumangon para maligo. Magbibihis na sana ako ng mapansin kong iba na ang laman ng closet ko. Fuck! Nawala lahat ng mga damit ko na panlalaki, Sa halip eh napalitan agad ito ng mga damit pambabae. Agad na tumaas ang duho ko't nagputukan ang mga ugat ko sa utak.

“Hannah!!!!!!!!!!” sigaw ko ng buong lakas dahil sa sobrang galit.

Sa galit ko napababa ako ng di oras. Hindi ko na pinansin ang suot kong pambabae sa halip ay dali dali kong hinanap kung asan siya. Napunta ako sa sala at nakita ang tatlong babarng nakasalampak lang sa upuan. Bagsak ang mukha at parang nabagsakan rin ng mundo.

“Wala na tayong magagawa, Tanggapin na lang natin na kailangan na talaga nating ang maging babae.” sabi ni Stephen na ngayon ay si Alyssa na.

“Tama si Aya.” sabat naman ni Xavier na ngayon eh si Cassidy na.

“Wait, Aya?? ” banat ko naman habang nakataas yung kilay sakanila. Ano bang pinagsasabi ng mga to?

“Oo, Tutal naging babae na din naman tayo eh panindigan na natin. Simula sa araw na 'to–Wala nang tatawag sa mga dati nating pangalan! Dapat lahat sa nicknames na! Gagawin natin ang lahat ng paraan para bumalik tayo sa normal! Okay? Anyway, Tawagin nyo na lang akong Nana.” sabi naman ni Finn na ngayon ay si Fiona na.

“Okay. Ako naman si Aya.” sabi naman ni Alyssa. What the fuck. Pinanindigan nga!

“Ako naman si Cass.” sabi naman ni Cassidy.

Napailing lang ako sa mga pinagsasabi nila at napabuntong hininga ng malakas tanda ng pagsuko. Oh shit. Mukhang wala na talaga akong magagawa.

“No choice. Sige, Chihara na lang.” sabi ko naman habang pinipigilan ko ang matinding pamumula ng mukha ko.

Natahimik sila bigla at sabay sabay na nagtawanan ng malakas. Sinasabi ko na nga ba eh! Pinagloloko lang ako ng mga 'to!

“The Hell! Chihara daw!” aniya ni Cass habang tumatawa ng malakas.

“Shut up Moron! Tigil tigilan mo ako Cassidy ha!” ganti ko naman kasama ng tawa at isang malaking hampas ng unan sakaniya.

“Aray!" napahaplos siya ng mukha niya. “Eh kay Stephen nga Aya eh! Aya daw! Ano ka? Japanese? Lelelels”

“Shut up Bitch! Kulit talaga ng lahi mo eh noh? Sinabi nang wala na dapat magbabanggit ng mga dating names eh! ” sabi naman ni Aya sabay batok kay Cass.

“Aray naman!” sigaw naman ni Cass sabay hampas pabalik naman kay Aya.

“Ang ingay nyo Girls! ” pagaawat naman ni Nana.

Lahat kami eh napatingin ng mapang-asar na tingin sakaniya.

“Shet Nana! Ang S.G. Mo Grabe!” sigaw naming lahat sakaniya.

Anyway, sa mga di nakakaalam. Ang SG po ay SUPER GAY ayun sa language namin. lol.

“Tse!” sabi naman ni Nana sabay hampas ng unan samin at nagtawanan na lang kaming apat.

Casanova Princes turn into PrincessesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon