Chapter Twenty Two

4K 57 4
                                    



Chihara's POV


"Ano!?? Sinabi mo sa kaniya yun!? Why Chihara? WHY?!" napasigaw agad nila Nana after kong ikwento yung nangyari samin ni Kenneth kanina.

"Oo Sorry." sagot ko naman habang nayuko.

"Naku naman! Mukhang kailangan na nating ipaalam 'to sa mga pamilya natin." sabi naman ni Aya.

"Ha?!" gulat na sigaw naman naming tatlo. "Bakit naman!?"

"Kasi syempre once na nakarating yun sa pamilya ni Chihara edi ibig sabihin makakarating din yun sa mga pamilya natin. You know, Damay damay na 'to!"

"Pero, Magpapaliwanag lang naman tayo sakanila. Malay mo naman diba?" sabi naman ni Cass.

"Tama." sagot naman nila Aya at Nana.

"Bukas na bukas din! Kailangan na nating ipaalam talaga 'to!" sigaw ni Nana.

"Opo" sagot lang namin tapos biglang dumating si Hanna na nakangisi sa harap namin. Weird.

"Hello Girls! Kamusta na kayo?" sabi niya habang nakangiti pa rin.

"Asan ka ba galing ha? Ba't ba ang tagal mong nawala?!" sigaw naman naming apat.

"Easy! You can't expect me to stay here always, May trabaho din ako sa taas. Alam nyo ba, may good news ako sa inyo!" sabi pa niya.

"Ano naman yun?" tanong namin ulit ng sabay sabay.

"Mababawasan na yung mga araw na babae kayo ! Malapit na kayong maging lalake ulit ! Yeaaaaaaaaay~!" masayang balita niya.

Parang nablanko lahat ng nasa utak namin nung marinig naming yun. Ewan ko ba, Bigla na lang kaming napayuko lahat.

"Oh bakit? Hindi ba kayo masaya??" tanong niya agad.

"Hindi ko alam."

Nagkatinginan lang kaming apat na parang alam na namin kung ano yung totoong saloobin ng isa't isa at napagdesisyunan na lang na mapag-isa na muna at pumasok na lang sa kaniya kaniya naming kwarto.

Ako? Hindi masaya? Medyo. Sa buong buhay ko kasi.. Ngayon lang ako nakaranas ng gantong kasayang pakiramdam. Bakit ganun? Pakiramdam ko mas gustong ko pang makasama sila bilang si Chihara at hindi si Jeremy.

Gusto ko na ding bang kalimutan ang dating ako? Hindi ko alam. Tsaka, Si Kenneth kasi hindi ko alam kung anong nararamdam ko para sakaniya. Mukhang gusto ko na din siya, pero andun pa din yung thought na nasa akin pa din yung katotohanan na ako pa din si Jeremy.

Pero gusto kong maging Chihara na nagiging totoo na ko sa sarili ko. Gusto ko! Gustong ko talaga! God, I want to be Chirihana for once and for real.

Cass' POV

Hindi talaga ako masaya! Gusto ko ng maging si Cassidy Ignacio! Masaya akong maging si Cass. Masaya akong makipagkaibigan kala Paulyn, kala Jessica, kala Lianna tsaka kay Jasmin. Gustong gusto ko na ding kasama at nakakausap si Alex. Sana maging Cassidy na lang ako.

Hindi ko kasi mararamdaman ang gantong kasiyahan kung hindi ako naging si Cassidy. Hindi ko malalaman lahat ng kamalian ko kung hindi ako naging si Cassidy. Hindi ko makilala si Alex kung hindi ako si Cassidy. Gusto kong maging Cassidy ! God, Please. Give us some time pa ~

Aya's POV

Hindi din akong masaya. Hindi. Hindi. Hindi talaga! Una sa lahat, gusto ko ng maging si Alyssa Jaime o yung tinatawag ng lahat na si Aya. Kasi, hindi ako matututo kung hindi ako naging si Aya tsaka hindi ko din makikilala si Paul. Si Paul na nagpasaya sakin araw araw. At pinaparamdam kung gano ako kahalaga sa mundo, lalo na sa buhay niya.

Kung hindi ako magiging si Aya.. Babalik na naman ako sa dating ako, At ayoko ng umiikot ang buhay ko sa puro kasamaan lang ang pinapairal. God, I want to be Alyssa. Please ~!

Nana's POV

Tinatanong pa ba yan? Syempre Hindi! Hindi din ako masaya. Inaamin ko nung una, ako yung may pakana ng pang gagamit sa mga lalaki na yun. Ako din yung mas pinaka malala samin kasi ako yung pinaka playboy.

Pero nung naging si Fiona Mendoza ako o kilala bilang si Nana. Nagbago talaga ako at nalaman ko ang kahalagahan ng respeto sa mga babae.

Ngayong gusto ko na ang katauhan na to at ngayon nahuhulog na ko kay Gerald. Sana bigyan mo po ako ng pagkakataong maging si Nana ng mas matagal. Gusto ko pang i-enjoy ang buhay na may totoong kaligayahan. Yung may totoong may paninindigan at may disiplina sa sarili. Alam ang tama sa mali at mamuhay ng normal at masaya. God, I Desperately want to be Nana. Sana po pagbigyan nyo ako.

Hanna's POV

Here I'am again. Listening to their thoughts and feelings. They really want to be girls na talaga ha ? Pero actually, Madali lang naman yun.

Kaso hindi ko pa sasabihin yung mga pwede naming gawin. Kasi spoiler much naman yun. Pero tignan natin kung pwede pang mabago ang mga nararamdaman, lalo na ang mga desisyon nila. I think we have to give them a trials ? Yung mga matitindi.

Pero, masaya talaga akong nalalaman na nila ang halaga ng buhay ng bawat isa .. lalo na ang tungkol sa Tunay na pag-ibig. Unti unti na silang nakakaramdam nun. Sana mas igihan nyo pa. Kaya nyo yan girls ~!

Casanova Princes turn into PrincessesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang