Chapter Sixteen

4.7K 77 10
                                    

Chapter Sixteen: “A Girl’s Heart”

Nana's POV

8 PM na rin sa wakas at Nandito na kami ngayon sa park. Sobrang daming tao ngayon. Manunuod siguro sila din ng fireworks display. Pero Bago nga pala kami pumunta ni Gerald dito eh bumili muna kami ng pagkain. Matatakaw kasi sila Aya tsaka si Cass eh lalo na pala si Chihara.

“Dito na tayo umupo, Nana.” sabi naman ni Gerald sakin sabay turo niya dun sa may damuhan.
 
“Okay. Salamat." sagot ko naman sabay ngiti lang sakaniya.

Edi yun umupo na muna kami at nagkwentuhan na din habang hinihintay ang fireworks display. Natutuwa na talaga ako masyado. Hays Nana.

Cass' POV

Kami naman ni Alex yung bumili naman kami ng inumin. Pero, Syempre puro beer na naman yun. Si Nana kasi talaga ang mahilig mag-inom eh.

“Wag kang masyadong iinum ha?” paalala naman sakin ni Alex.

“Eh ba't naman? Tapos kayo madami? No!” I pouted.

“Basta!” sabi nya sabay tingin sa iba.

“Tss.” at ngumuso na lang ulit ako sa harap niya. Pero mukhang di agad ako natiis ni Alex at natawa agad siya't kinurot na lang yung pisngi ko. Kaya ayun, mukha kaming ewan dalawa na tumatawa sa walang dahilan.

Hays. Parang hindi pa talaga tapos 'tong araw na toh ah? Damn! Kinikilig ata ako? Landi lang.

Aya's POV

Syempre wala kaming ambag ni Paul. Chiks sila ha! Pero nagdala pala kami ng mga manga na nakuha namin kanina at kung ano ano pang prutas.

Pero Grabe, Nag enjoy talaga ako kanina dun. Feel ko nga namumula pa din ako eh.

“Paul tignan mo yun oh! Yung babaeng maikli yung buhok. Maganda sya kaso di ko trip yung kasama nyang lalaki.” sabi ko sabay tawa.

“Eh? Bakit masyado bang maganda yung babae para dun sa lalaki? Ouch. Hard ah.” aniya ng malungkot. Anong problema nito? Akala mo siya yung tinutukoy ko.

“Sus! Ikaw naman, Di ko sya trip kasi masyado syang torpe. Diba?” sabi ko sabay ngiti sakaniya.

“So ayaw mo sa torpe?” sabay ngisi niya bigla. Aba ang bilis magbago ng emosyon ah?

“Oo naman. Ang weak kaya ng mga torpe.” pagma-mock ko naman para maalis yung hiya na nararamdaman ko ngayon.

“So gusto mo straight to the point?” pangungulit pa niya habang nakangisi pa rin ng malaki sakin.

“Tsk! Ang kulit mo naman! Oo na Oo na, Okay!?” naiirita at nahihiyang sagot ko naman at the same time.

Tinawanan niya lang ako't biglang kiniliti. Aba aba Alyssa! Nag-eenjoy ka na ha! Pero Okay lang naman siguro 'to diba? Hays.

Chihara's POV 

“Okay ka lang ba Chihara? Kanina ka pa kasi tahimik eh.” tanong naman ni Kenneth bigla habang naglalakad kami papunta kung nasaan sila Nana nakapwesto.

“Tsk! Tumahimik ka nga Ken Ken!” iritadong sigaw ko naman sakaniya. Ba yan. Pang ilang tanong na niya yan simula pa kanina. Iritang-irita na ako eh!

“Crap that Ken-ken! Stop calling me that!” sigaw naman nya.

“ うるさい!ばか ” sabi ko naman. (Shut up, You idiot! ) 

“Ano? Ano ba yang mga pinagsasabi mo ha? Naghahapon ka ba? What the fuck!” naguguluhang aniya naman nya.

“Wala! Sabi ko idiot ka! Idiot! Jerk! Stupid! Moron! Dumbass!” sigaw ko pa ulit habang nakakunot ang noo sakaniya.

Casanova Princes turn into PrincessesWhere stories live. Discover now