Chapter Eighteen

4.3K 62 6
                                    

Chapter Eighteen: "Slumber Party"


Chihara's POV


Katatapos lang naming tumugtog. Grabe! Habang tumatagal dumadami ang audience namin ah. Kaso hindi lang puro lalaki, Puro babae na din. Hindi kaya, na-iin love na din samin ang mga babae?! Hala! Wag naman. 

"Mauna na kayo, hindi ako uuwi ngayon." sabi ko kanila Nana.

"Eh? Bakit naman??" tanong naman ni Cass.

"Eh kasi po, niyaya ako ni Jasmin na matulog sa bahay nila." sagot ko naman.

"Talaga? Oh eto kunin mo, In case na may gawin sayo si Kenneth! Gamitin mo yan." sabi naman ni Nana sabay bigay nung Electric Gun.

"Grabe naman 'to! Pero sige salamat na din.."

"Ito naman, itago mo 'to sa case ng gitara mo. Peppermint Spray naman yan." sabi naman ni Aya.

"Wala na akong ibibigay sayo, tiwala naman akong kaya mo na ang sarili mo eh." sabi naman ni Cass sabay ngiti na lang sakin.

"Salamat mga Girls! Sige bye-bye." at umalis na ako.

Hinintay ako ni Jasmin sa labas. Tapos sumakay na kami dun sa kotse nila. Hays! Buti na lang at late daw uuwi si Kenneth ! Sisiguraduhin kong hindi nya mapapansin na nandun ako sa bahay nila! Oo tama!

***

Wooooow ~! Kalaking Bahay naman ire ! Pero syempre, Mas malaki pa rin yung totoo kong bahay. Lels. Pero ang ganda talaga ha! Nice.

"すごいい!" sabi ko agad. ( Amazing ~! )

"ほんとう?ありがとうございます。ちはら-ちゃん" sagot naman ni Jasmin sakin. (Really? Thank you very much, Chihara)

"Hindi ko alam na marunong ka din palang mag-nihonggo?"

"Ah eh kasi, nalaman ko kasing marunong din mag japanese si Jeremy, kaya ayun sinubukan ko ding mag-aral nun." sabi nya naman.

"Ah ganun ba?" No wonder kung bakit sya lang ang marunong at yung kuya nya wala man lang kahit isang alam. Anyway, Ako na naman pala. Hays.

Maya maya may biglang dumating na babae.

"Jasmin anak, may kasama ka palang magandang binibini." sabi nung babae na nanay nya ata kasi anak ang tawag eh.

"Ah Opo ma, Sya po si Chihara. Classmate ko po sya." sagot naman nya.

"Ah kamusta ka Chihara, Mag-enjoy ka sana dito." sabi nya sabay ngiti sakin.

"Ah Opo, Salamat din po Ma'am." sabi ko sabay yuko.

"Naku, Tita na lang ang itawag mo sakin. Okay?"

"Ah Sige po. Tita~" sabi ko then ngiti din.

"Good. " tapos umalis na sya.

" Tara! Sa kusina na lang tayo kumain. Para hindi ka mahalata ni kuya. " sabi naman ni Jasmin sabay higit sakin.

" Ah Okay. "

Maganda talaga ang bahay nila. Dami pang staffs. Kaso parang tatlo lang sila. Asan naman kaya ang Papa nila? Anyway. Who cares.

"May sarili kaming bath house dito. Sabay na tayong maligo ha?" aya pa nya.

"Ehhhhh???" napasigaw ko kaagad.

"Chihara talaga. Bilisan mo na lang sa pagkain." sabi pa nya sabay ngiti ulit ng malaki sakin.

Anak nang! Ako? Magjo-join sa kanya sa pagligo?! Waaa. Hell Fucking no! Ayoko! Nakakahiya masyado!!

****

"Ang Sarap magbabad! Halika Chihara! Subukan mo bilis!" aya namn ni Jasmin sakin.

"Ah Oo Sige, Teka Sandali lang." sagot ko naman. Buti na lang at parang Hot spring style to at kailangan din naming mag-twalya habangnaliligo. Buti na lang talaga!

Ilang saglit lang eh sinamahan ko na din syang magbabad. Ang sarap! Heaven 'to promise! Ang sarap ng temperatura nung tubig tapos ang laki laki pa ng Bath Tub nila! Parang swimming pool. This is heaven!

"Oh my. Hindi ko alam na ganyan kaganda ang katawan mo Chihara, pwede ko bang hawakan?" sabi bigla ni Jasmin.

"Eh No! Wag naman sana ganyan Jasmin, nakakahiya kasi eh." sigaw ko naman habang lumalayo sakanya.

"Oh Please. Dali na! Parehas naman tayong babae eh." insist niya.

"No!!!" 

"Ayaw mo talaga ha?!" at bigla niya akong sinugod na dahilan para mahawakan niya ang aking tenga.

"Eeekk!" napasigaw ko sa sobrang gulat.

"Ah sorry." sabi naman nya at napa-atras na siya.

"Ayos lang, Basta wag na wag mong hahawakan ang tenga ko. Sensitive kasi yan eh." sabi ko na lang habang namumula ng sobra.

"Okay. Sorry ulit." 

Napangiti na lang kami sa isa't isa pero bigla na lang naputol yun nang may bigla na lang nagbukas ng pintuan at pumasok sa bath-house kung nasaan kami ngayon.

"Jasmin! Anong nangyari? Andito na si Kuya!" sigaw bigla ni Kenneth.

"Kuya?" at kaagad na napatakip ng katawan niya si Jasmin.

"Kenneth?" bulalas ko lang sabay kunot kaagad ng noo.

"Oh, andito ka pala.. Chihara." gulat na bigkas niya rin nang mapansin niya ako.

Agad nandilim ang paningin ko sakaniya at mabilis akong umalis sa sa tub saka tumayo at lumapit kay Kenneth.

"You Piss of a shit!!" sigaw ko sabay suntok ng malakas sa kanya na sobrang lakas eh napatalsik ko siya sa malayo. 

Bwisit na 'to. What a pervert! 

Casanova Princes turn into PrincessesWhere stories live. Discover now