Chapter Seven

5.5K 87 8
                                    

Chapter Seven: “ The first jam with boys ”


Nana’s POV

Bago na din ang tinutugtugan naming bar. Most dito eh puro girls ang costumer. Pero ngayon, napupuno na din ng mga lalake dahil samin.

Kahit nung isang araw lang nakilala ang Chocolate, ang bilis agad ng development. Bakit? Yun ay dahil hindi pangkaraniwan ang pagkakaroon ng gantong talento ang mga babae. Lalo pa kung pagdating sa pagtatayo ng banda. Unique ika nga nila kaya maganda.

Inimbitahan rin namin sina Paulyn, Jasmin at ang iba pa naming kaklase na manuod sa gig namin ngayon. Kaya ayun, napuno tuloy yung bar ng mga kaschool mate ngayon.

See that? Ang dating akala nila na transfer lang eh ganto na kasikat kaagad ngayon. But no! Girls should not be boast and proud. We should be always humble to others and to ourselves. Right?

Tumugtog muna kami ng ilang kanta at nagpahinga. Ilang saglit lang ay nagkagulo ang lahat at napunta ang mga atensyon nila sa likod.

Kung minamalas ka nga naman, Ang mga lalake na naman pala! Ayon Tiliang wagas na naman ang mga babae dito. Tapos umupo sila sa unahan at nagtinginan na naman kami. Hindi ko alam kung nangaasar ba sila o hindi ko alam.

“Hi Nana! ” bati ni Gerald sabay kaway sakin.

“Hi” sabi ko na lang sabay ngiti.

Pero Infernes ha! Pogi din 'tong si Gerald. Tignan lang natin kung mababago nya ako. Lels. Kadiri ka Nana. Ang Gay mo masyado.

Lumapit samin bigla sila Gerald. Umakyat sila sa stage at nakipagusap.

“Sinong marunong mag-Keyboard sa inyo?” tanong bigla ni Kenneth.

“Ako bakit? ” sagot naman ni Cass.

“Okay, Pa request naman. Gusto kasi ng mga ‘to na makipag duet sa inyo eh. Promise! Hindi kami mang aagaw. One time lang.” sabi naman ni Alex na drummer nila.

“Uhm.Sure.” sagot naman ni Cass sabay ngiting wagas.

At dahil mabilis na sumang-ayon 'tong si Cass eh na-No choice na kami. Edi ayun na nga. Dalawang kaming bassist. Dalawang leadista. Isa sa keyboard at Isa sa drum. Samantalang, dalawang vocalist naman. Umpisahan na ang pagja-jamming!

Tabi ng Paraluman feat. Kean Cipriano ang napili naming kanta. At kahit na hindi kami magkasundo talaga eh nairaos naman namin ang performance ng maayos.

After nung song eh nagpalakpakan silang lahat. Hindi ko aakalain na maganda pala pagsamahin ang team namin at ang grupo nila. Lalo na yung duet nung dalawa at mukhang magkakasomething pa. Pero I doubt na sparks yun kasi mukhang magkakarumble dito anytime dahil sa matalim na titig ni Chihara sakaniya. Napangiti ako ng bahagya. Hindi na tuloy ako makapaghintay sa gagawin ni Chihara sakanya!

Chihara’s POV

Nang natapos na yung jamming ay pumunta muna ako sa labas para bumili ng juice. Meron kasing vending machine na nakalagay malapit sa gate ng bar at pinili kong dun na lang bumili ng cola para pampakalma. Umupo na din ako, para mas feel ko yung pagpapahinga ko.

Maya maya dumating at lumapit na naman ang walang kwentang manyak na lalaking ubod ng yabang na si Kenneth sakin. Hays. Bakit ba lagi akong sinusundan ng mokong na 'to? Kabanas ha!

Casanova Princes turn into PrincessesWhere stories live. Discover now