Chapter Twenty One

4.1K 61 3
                                    


Chapter Twenty One


Aya's POV


Hindi ko alam kung bakit pero naiilang tuloy ako sa sarili ko ngayon. Masaya akong naging lalake nung isang araw. Pero parang may hinahanap ako. Ano ba yan! Ang Gay talaga nito tignan!

"Aya!" sigaw ni Paul sa akin.

Sandali boses palang niya yung naririnig ko pero Teka! Bakit parang kinikilig ata ako? Ughhhh

"Oh Paul Ikaw pala, bakit?" tanong ko naman kasi syempre dapat act normal lang.

"Wala, namiss lang kita. Ang tagal na kasi nating hindi nagkikita eh. Ano bang ginagawa mo ngayon?" tanong naman niya sakin.

"Wala, Iniisip ka.. Este nagiisip isip lang." sabi ko sabay ngiti. Bunganga mo Aya ha! Sinasabi ko sayo!

"Ah. Sige, Sasamahan muna kita sa pagiisip mo." sabi naman niya sabay upo sa tabi ko.

"Salamat Paul."

Ohmygod puso kooo

"Walang anuman." tapos ngumiti muna sya. "So, Hindi ka na ba takot sa palaka ngayon?" asar niya bigla.

"Tss! Sige subukan mo" sabay tingin ko ng masama sakanya.

Natawa agad sya ng malakas. Aba magaling! Nang-aasar talaga.

"Hayaan mo po-protektahan naman kita eh. Akong bahala sayo!" sabi niya bigla sabay ngisi ng malaki.

"Talaga ba? Kahit mga 100 na palaka yung sumugod satin?"

"Ahh... Pwede bang tumakas na lang tayo pag ganun?"

"Hahaha! Baliw!" at agad akong napabuga ng tawa sakanya. Masaya pa sana kaming maglalandian este magkwe-kwentuhan ni Paul kaya lang naputol yun nung napansin namin na may mukhang nag aaway dun sa may malapit sa field.

Chihara's POV

Habang naglalaro kami ng Softball. Medyo napalakas ata yung hampas ko sa bola na dahilan naman na syempre may matamaan ako. Agad akong nakarinig ng iritadong sigaw kaya nilapitan ko kaagad ito upang alamin yung kalagayan niya. Mamaya baka namatay ko na pala noh? Charot lang.

"Are you alright?" concern na tanong ko sakaniya.

"My Gosh! Hindi ka talaga nag-iingat no!" galit na sigaw kaagad nung babae sakin.

"Ah Sorry, napalakas ko kasi eh." sabi ko naman.

"Oh my god! Napaka-careless mo talaga! Such a walking disaster! Ugh!" iritadong sabi pa niya.

"Wow, Grabe ka naman Miss, Hindi ko naman sinasadya yun eh. Sorry naman ulit ha!" sabi ko pa. Lakas ng loob na sabihing Walking disaster daw ako. Sama ng ugali nito ha!

"Yeah, Whatever! You'll pay for this Chihara! What a bitch." tapos inirapan niya ko.

What the- She called me a Bitch? Grabe na 'to ah. Sa sobrang asar ko eh hindi na ko nakatiis kaya ayun sinugod ko na.

"Hoy!" sigaw ko sabay hawak dun sa balikat niya. "Ano ba talagang problema mo ha? Natamaan ka lang ng kakaliit na bola nagwawala ka na dyan! Ang arte mo naman! Sa susunod kasi wag kang dadaan dito kung alam mo namang may naglalaro. FYI, Field 'to. Hindi stage para mag-drama at mag-inarte ka."sagot ko naman sakaniya.

"Ah!" napairit niya na parang hindi sya makapaniwalang may sumagot at nagsalita sakaniya ng ganun. "Hindi mo talaga alam kung sinong kinakalaban mo Chihara ano? Ano mang oras pwedeng pwede kitang ipatanggal dito."

Casanova Princes turn into PrincessesWhere stories live. Discover now