•Prologue•

81.1K 1.5K 23
                                    

Not so new story that I'll be completing again here in Wattpad. Continuous update everyday.

For updates and other news, you can like and follow FB Page Helene Mendoza's Stories.

-HM

------------------------------

TERM PAPER

"Niks, kailangan mo ng extra cash?" narinig kong tanong ni Lily at tumabi sa akin habang nagbabasa ako sa isang bench malapit sa gate ng university. Naghihintay lang ako para sa next subject ko.

"Bakit? Bibigyan mo ako?" Natatawang sagot ko sa kanya at muling itinuon ang pansin sa binabasa ko.

"Sira. Alam ko naman na kailangan mo lagi ng extra cash. May kasamang estudyante si Harold from other university. Naghahanap ng puwedeng gumawa ng term paper niya. Willing magbayad kahit magkano," sabi niya. Si Harold ang boyfriend nito na nasa fourth year na.

Saglit akong nag–isip.

"Kailan ang deadline? May tatapusin pa kasi akong book summary and reaction paper para kay Stacey," at ipinakita ko sa kanya ang binabasa kong libro.

"Bakit ba ikaw ang gumagawa ng report niya? 'Yang bruha mong pinsan kahit kailan tinik sa buhay mo iyan," kita ko ang inis sa mukha ni Lily. Alam kong matagal na siyang inis kay sa pinsan ko na iyon.

"Bayaan mo na. Madali lang naman ito. Tanungin mo kung kailan ang deadline," sabi ko. Sayang din naman ang ibabayad sa akin. Pangdagdag din iyon sa allowance ko.

"Puntahan natin sa kiosk. Nandoon sila," sabi niya at hinawakan ako sa kamay. Pero hindi ako kumilos.

"Bakit?" naramdaman siguro niyang ayokong sumama.

"Ayokong pumunta doon. Ang daming lalaki. Saka nakakatakot mga tumingin. Feeling ko parang hinuhubaran na ako," sagot ko.

"Akong bahala sa iyo," sabi niya at hinatak na ako.

Ang kiosk na sinasabi ni Lily ay tambayan ng mga notorious professor's enemy ng university. Madalas ang mga nakatambay dito hindi mga nagsisipasok. Ang trabaho lang ay tumambay, mag – inom. Hindi ko na alam kung may iba pa. Iwas na iwas talaga akong dumaan sa lugar na ito kasi natatakot ako sa kanila. Lalo na kapag nakakulumpon ang magbabarkada.

Palapit pa lang kami doon ay nakita kong nakatingin na sa amin ang grupo ng mga lalaking nakaupo. Ang iba mga estudyante doon. Ang iba tingin ko ay mga outsiders na nakikitambay lang.

"Guys, please don't let her freak out. She is my friend. Behave," narinig kong sabi ni Lily tapos ay bumaling kay Harold. "Nasaan na ang friend mo na nagpapagawa ng term paper?"

"Si JJ? Nag–cr lang. Babalik na iyon agad," sagot nito tapos ay bumaling sa akin. "Kayang mong tapusin ng two days?"

"May tinatapos pa kasi akong book report and reaction paper. Baka next week," sagot ko.

"I don't have next week. I need it the day after tomorrow."

Napalingon ako sa nagsalita mula sa likod ko. Isang payating estudyante ang nakatayo doon. Pero kahit payat ay kitang-kita ang kaguwapuhan nito. May nakaipit na sigarilyo sa tainga. Imbes na nakasuot ang school polo uniform ay nakasampay lang ito sa balikat niya. Naka–tshirt at black maong pants. Boots. Typical bad boy type sa school. 'Yong mga tingin kong estudyanteng hitsurang walang patutunguhan ang buhay dahil mga tamad mag–aral at puro bulakbol ang alam gawin. Tingin ko nga matanda na siya para maging college. Parang matanda pa siya sa amin.

"Sorry. May nauna na sa iyo," sagot ko. Bakit? Tingin ba niya ma–intimidate ako sa pagtitig niya sa akin? Pero aaminin kong hindi ko kayang salubungin ang tingin niya.

"I can pay you. How much is your rate?" Tanong pa niya.

Yabang naman nito. Kahit na ba marami siyang pera kung hindi ko naman matatapos sa deadline na gusto niya, hindi ko pa rin tatanggapin.

"Kahit marami kang pera, hindi ko pa rin tatanggapin dahil hindi ko matatapos sa deadline mo. Maghanap na lang kayo ng ibang gagawa ng term paper mo," at tumalikod na ako. "Sa library lang ako Lily. Doon mo na lang ako puntahan," sabi ko at umalis na doon. Ayoko nang magtagal sa lugar na iyon.

Kakainis! Sobrang yabang. Porke't maraming pera akala niya lahat kaya na niya.

"Miss, two thousand ang ibabayad ko sa iyo. Unahin mo na ang term paper ko. 'Yon na lang kasi ang kailangan ko para makapasa ako sa Business Law subject ko."

Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa tabi ko. Sinundan pala ako ni Mr. Bad boy.

"After three days pwede mo ng makuha. Sagad na iyon," sabi ko at dire–diretso pa rin sa paglakad.

Alam kong nakangiti siya at nakatingin sa akin.

"You don't know me don't you?" Sabi pa niya.

Huminto ako at tumingin sa kanya. Nakita kong nakangisi siya sa akin.

"Hindi kita kilala. Hindi ko alam kung sino ka. So please, huwag mo na akong istorbohin at uumpisahan ko ng gawin ang term paper mo," sagot ko at inagaw ang folder na naglalaman ng reports na gagawin ko. Tapos ay dire–diretso na ako sa library.

Dance for me (COMPLETE)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu