Chapter 43: Game Changing Decision

5.4K 102 0
                                    

Camille's POV

"Anong iniisip mo sweetheart?" Agad na tanong ni Jayce sa akin nang makatabi siya.

"Nothing. Plans for college I think?" Okupado pa rin ng isip ko yung about sa Kent. God knows kung gaano ko kagusto mag-aral dun pero alam niya rin na ayaw kong iwan si Jayce.

"Ang lalim ng iniisip mo ah. Hindi mo nga ako pinapakinggan." Nagsasalita na pala ulit siya.

"Sorry." Iyan na lang ang nasabi ko sa kanya.

"Do you want to talk about it? Somewhere privately." Tumango ako sa kanya. Ayokong maghinala siya ng kung ano man ang iniisip ko.

Naglalakad kami ng magkahawak ang kamay. Gusto kong pag-usapan na namin ito habang hindi pa huli ang lahat.

Nakarating kami sa parang garden dito sa campus. Umupo kami sa isa sa mga bench na nandun nang magkahawak pa rin ang kamay.

"Anong problema sweetheart?" Agad niyang tanong sa akin.

"May sinabi kasi sa akin si Dad. It's about my school kapag nag college na." Gusto kong ihanda ang sarili ko sa pwede niyang maging reaction. Ayaw kong pag-awayan namin ito.

Mukhang hinihintay niya lang rin ang sasabihin ko kaya tinuloy ko ang pagsasalita ko. "May pinakita siyang form from Kent State University. Duon ako mag aaral ng fashion designing. God knows kung gaano ko kagusto mag-aral dun sweetheart pero ayaw kong iwan ka." Nasabi ko na yung dapat kong sabihin sa kanya pero wala man lang siyang reaksiyon sa sinabi ko.

"So you're saying that you're stuck between your dreams and the one you love?" Nagulat ako sa tanong niya pero tama naman siya kaya tumango ako.

Hinawakan niya ako sa aking pisngi at pinagtama niya ang aming mga mata.

"Wag mong isipin yung tungkol sa atin. Isipin mo ang career mo dahil mas better na unahin mo yun para sa future mo. Mahirap pagsabayin ang career and pag-ibig. Hindi naman ako mawawala sa tabi mo. We should take the risk kasi malay natin may magandang trade yung paghihiwalay natin for some time."

Napangiti niya ako sa sinabi niya. Takot kasi akong mag take ng risk dahil natatakot ako sa pwedeng maging outcome nito. Masyado akong nagpeplay safe.

"Pero sweetheart huwag mong isipin na inilalayo kita sa akin. Ang gusto ko lang ay matupad mo ang mga pangarap mo dahil ayokong ako ang maging dahilan ng hindi mo pag-abot nito." Tumango na ako sa kanya. Isa lang rin pala ang iniisip namin, ang matupad ang mga pangarap namin at hindi ang isa't isa ang maging dahilan ng hindi mo pagtupad nito.

"Ikaw sweetheart? Anong balak mo after high school?" Dahil ito na rin ang pinag-uusapan namin, mas magandang malaman ko na rin yung kanya.

"Wala pa talaga. Mas inuuna ko ngayon ang training ni Papa para daw ready ako kapag umatake nanaman ang mga Ferros."at medyo natawa siya.  Ferros?

"Ferros yung kalaban niyo?" Natigil siya sa pagtawa at napatingin sa akin bigla. Nag-iisip pa rin ako ngayon kung saan ko narinig ang Ferros na yan. Napaka-familiar talaga niya sa akin.

"Sweetheart gusto kong kausapin si Mr. Chrade mamaya. Gusto kong samahan mo ako at marinig mo ang pag-uusap namin."

  ~|~|~ 

Nandito na kami ngayon sa bahay namin. Magkahawak kamay kaming pumasok sa bahay at dumeretso na agad ng office ni papa dahil dun na daw kami agad dumeretso. Pagkapasok namin duon ay nakita namin siya na nakaupo at nakaharap sa pinto kung saan ay kanina nakasara. Ibig sabihin ay kanina pa niya kami hinihintay.

"Maupo kayo." Agad naman naming sinunod ni Jayce ang sinabi ni Papa.

"Ano ang gusto niyong sabihin? Mas magandang mauna ka na Camille." Agad naman na tumingin sa akin si Papa. I cleared my throat first before I speak.

"Sinabi ko na po yung about sa Kent State University kay Jayce. Napag-usapan po namin na dapat kong kunin ang opportunity na ito para makapag-aral dun." Iyan lang naman talaga ang sasabihin ko kay Papa. Nakita ang ngiti sa mga labi ni Papa. Ngayon ko lang na-appreciate yung kagwapuhan ni Papa.

"You young man, what do you want to say?" Agad na ibinaling ni Papa ang kanyang tingin kay Jayce.

"It's about the deal Mr.Chrade." Deal? Kailan pa sila nag-usap ni Papa ng silang dalawa lang?

"What's about the deal?" Agad na tanong ni Papa.

"Dahil po mag-aaral sa U.S. si Camille, I want to take the deal but I want to do something first before po siya umalis may gusto po akong gawin."

-End of Chapter 43-

Sorry po kung hindi po maganda yung ending nito ah.

If I Win, You're Mine [COMPLETED!]Where stories live. Discover now